~PROLOGUE~

228 10 0
                                    

HIS LONG LOST FIANCEE
(Trailer) Please watch it on 🔝 before proceeding to prologue. Thank you!

-----
(HER POV)

Payapa. Makulay. Sobrang saya. Kahit saan ako tumingin, napakaganda. Kamangha-mangha. Maitutulad ang lugar na ito sa isang munting paraiso. Ayy, hindi. Paraiso nga siguro ito. Naririnig ko ang mga huni ng ibon at nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Ayoko nang umalis dito. Sana tumigil ang oras.

"Mahahanap mo ako, promise?" tanong ko sa isang batang lalaki na hindi ko mamukhaan kung sino o ano ang kanyang pangalan. Pero bakit ko biglang naitanong sa kanya iyon na para bang ikamamatay ko kung hindi niya ako mahahanap?

"Oo. Promise. Kahit nasaan ka pa, hahanapin kita" sagot niya na nagpagaan ng loob ko. Inabot niya ang kwintas na suot ko at idinugtong sa kwintas na suot niya hanggang sa mabuo ang isang hugis puso mula sa mga kwintas naming pinagsama.

"Wag kang mag-alala. Magkikita rin tayo at kapag nangyari 'yon, hinding-hindi na tayo maghihiwalay pa." Magkikita rin kami at hindi na maghihiwalay? Bakit? Aalis ba siya? Iiwan niya ako?

Masaya kaming naglalaro at naghahabulan. Pero sa pagtakbo niya, unti-unti siyang naglalaho hanggang sa tuluyan na siyang mawala. Nasaan na siya? Akala ko ba hindi na kami maghihiwalay? Nangako siya sa akin. Pero bakit iniwan niya pa rin akong nag-iisa? Hanggang sa hindi ko namalayan ang pagbuhos ng aking mga luha dahil sa kanyang biglaang pagkawala.

Ang payapa at makulay na mundong kinatatayuan ko ay unti-unti ring naglaho tulad niya. Ang napakaganda at kamangha-manghang paraisong kinagisnan ko ay napalitan ng dilim, kaguluhan, takot, at pangamba.

Oh no. Wag ngayon, please. Nagmamakaawa ako. Gusto ko nang umalis dito!

Until I realized that I was trapped in this strange place.

This is a place where I don't want to go,

a place where I'm afraid to see.

Then, I felt someone carried me. Sino 'to? Bakit pabigla-bigla niya akong binuhat na parang bata? Teka. Ako? Parang bata? Pinagmasdan ko ang mga kamay ko at napahawak sa pisngi ko nang buong pagtataka. Did I just shrink or became young again?

What in the world is happening? Can somebody explain this to me?!


Hanggang sa..


makarinig ako ng mga nagpuputukang baril.








I feel so helpless.. all I can do is to cry.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now