Chapter 38: Wedding Announcement

61 2 1
                                    

S H A N A Y A

Umakto ako na parang hindi ko alam na totoong hinalikan niya ako. Iminulat ko ang aking mga mata mga isang minuto matapos niya akong nakawan ng halik, para hindi halata.

Pero sa loob ng isang minutong nakapikit ako ay halo-halo ang gumulo sa isipan ko. Bakit niya nagawa 'yun? Hindi ba niya naisip na maaaring masira ang pagkakaibigan namin dahil doon? Alam ko naman na mahal niya ako pero hindi iyon sapat na dahilan para nakawan niya ako ng halik dahil hindi naman kami pareho ng nararamdaman para sa isa't isa. Ano na lang ang sasabihin ko kay Nichel? Na may first kiss na kami ng lalaking kinababaliwan niya? Malaking gulo ito. Lalo pa na mas mapapadalas ang pagsasama namin dahil partners kami ngayon sa modelling.

Hindi ko na talaga alam. Pinipilit ko naman na makitungo ng normal sa kanya gaya ng pakikitungo ko sa kanya noon pero alam niyo ba yung feeling na iba yung pakikitungo niya sa akin? Yung tipong kapag titingnan niya ako, ramdam ko talaga na gusto niya ako. Na may halo nang malisya. Na hindi lang basta magkaibigan lang. Parang mas malalim pa doon. Hindi na ako kumportable sa ganoon. Naiilang na talaga ako. At hindi ko alam paano iyon i-oopen up sa kanya na hindi siya maooffend.


Dumaan ang ilang araw na magkasama kami lagi ni Jayden dahil sa big project namin sa modelling. Narelease na rin ang magazine namin sa public kaya mas lalo kaming nakilala. Sa sunod-sunod na araw na kasama ko siya, napaghalataan niya nang medyo iwas ako sa kanya.


"May problema ba tayo? Bakit parang lumalayo ka?" Tinabihan niya ako dito sa set habang nakaupo sa mahabang upuan. Kakatapos lang kasi ng pictorial. Pinatungan niya ako ng suot niyang jacket kanina dahil naka-sleeveless lang ako ngayon tapos malamig pa.

"Ako? Lumalayo? Pagod lang ako." Hindi ko masabi sa kanya ng diretso kung bakit ako iwas sa kanya ngayon. Inalis ko ang jacket niya na ipinatong niya sa akin. Sinubukan ko iyong ibalik sa kanya. "Okay lang ako. Suot mo na uli 'to. Salamat."

"Wait." Masinsinan siyang tumitig sa akin habang hindi man lang ako makaharap sa kanya. Nakayuko lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko. "Wag ka ngang magkunwaring walang problema. Kilala kita Shan. Tell me what's bothering you?"


Napansin ko naman na napatingin yung mga staffs saka ibang photographer sa gawi namin kaya inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Jayden, wag dito. Baka anong isipin nila."

"Fine." Sumeryoso ang mukha niya at sabay na hinila ang kamay ko palabas ng studio. Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa paghila niya hanggang sa makarating kami sa likod ng parking lot kung saan nakapark ang kotse niya. Tahimik ang buong paligid at kami lamang dalawa ang tao na nandito ngayon. "Now, tell me. Ano ba talagang problema?"


Napahinga ako ng malalim. "Alam kong may ideya ka na kung ano ba ang problema. Kung anoman ang iniisip mo, tama ka. Yun nga."


"Problema mo na nahuhulog ka na sakin? Sana nga yun na lang para mas masaya." Pagbibiro nito. Napangiti pa siya.

"Jayden. Seryoso ako dito. Wag ka ngang magbiro."

"Yan ang hirap sayo. Lahat ng ginagawa ko ay biro lang para sayo. Kailan mo ba mararamdaman na seryoso ako?" Napaurong ako hanggang sa masandal ako sa compartment ng isang kotse na nakapark dito dahil bigla siyang umabante palapit sa akin. Pinagitnaan niya ako ng kanyang magkabilang kamay na nakapatong na ngayon sa kotse.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now