Chapter 6: Welcome to VU

107 6 16
                                    

"Shhh. Wag kang mag-ingay. You're safe with me," bulong niya sa akin.

Teka. Familiar ang boses niya..


"Wala na sila," At binitawan na niya ang pagkakatakip sa bibig ko.



"Jayden?!" Napayakap ako sa kanya at tuluyan nang napaiyak.

_____________
(JAYDEN POV)

Takot na takot si Shanaya.. Hanggang ngayon ay yakap pa rin niya ako habang umiiyak. Buti na lang napadaan ako sa lugar na 'ito at nailigtas siya.

Sigurado ako, Di Novo ang nakasunod sa kanya kanina.

Hindi na maganda 'to. Mukhang alam na nilang siya si Maria Erin. Her life is really in danger now. I need to protect her. Nagmadali akong isakay siya sa kotse ko para sabay na kaming umuwi. Habang nakaupo siya sa tabi ko, di pa rin siya natigil sa pag-iyak.

"Natatakot ako..papatayin nila ako." Bakas sa kanyang mukha ang labis na takot na para bang hindi ito ang unang beses na nalagay sa panganib ang buhay niya. Hindi nga ba?

"Bakit ka ba kasi nandoon? Na ikaw lang mag-isa? Diba dapat nasa bahay ka lang? Paano kung kinidnap ka nila? Paano na lang kung hindi kita nakita, ano nang mangyayari sa'yo?!" I'm trying to tone down my voice as much as I can. Ayokong mapagtaasan siya ng boses. Nagpipigil lang ako. Pero hindi pa rin yata effective.

"So-sorry Jayden.. Hindi na mauulit." Pinipigilan niyang maiyak pa, pero humihikbi pa rin siya. Natrauma yata 'to..

"Talagang hindi na mauulit. Simula ngayon, wag ka nang lalabas ng bahay nang di nagpapaalam sa akin, maliwanag ba?" I may sound strict but this is the best way to keep her away from them.

"O-opo.." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Iyakin pa rin pala siya hanggang ngayon.

"Tahan ka na diyan.." Kahit nagmamaneho ako, pinunasan ko ang mga luha niya. Naaawa ako na nag-aalala para sa kanya. Ayokong pagdating ng araw na sisihin ako ni Ren dahil pinapabayaan ko ang fiancée niya.

Sigurado ako na kapag nalaman niyang buhay si Erin, ituturing niya talaga siyang isang prinsesa. Kaya hanggat maaari, maayos din ang pakikitungo ko sa kanya kahit bilang siya si Shanaya.


(*IN OUR HOUSE*)

"Ohh! Kuya ah! Akala ko kung saan kayo galing ni Ate Shanaya. Nagdate lang pala kayo. Ayeeee! Bagay kayo, kuya! Nililigawan mo na ba siya?," bungad sa amin ni Kyla nang makita niya kaming magkasamang umuwi ni Shanaya. Ang lawak naman talaga ng imagination ng kapatid ko. Kung anu-ano nang naiisip. -.-

"Kyla naman. Hindi kami nagdate. Nasalubong ko lang siya sa labas kaya sinabay ko na siya dito. Ikaw talaga..bakit ganyan ka na mag-isip ngayon ha?" Tumatawa lang siya at nag-eenjoy na asarin kami. Nakakahiya naman kay Shanaya. Baka anong isipin.

"Bagay talaga kayo kuya! Ligawan mo na kasi si Ate! Ayeee! Si Kuya Jayden, nagbblush ohh!"

"Tsk. Kyla...?" then I gave her a stop-it-look.

"Hehe. Sige na nga! Pero pahiram muna ako kay ate, ha? -Tara ate samahan mo muna ako sa kwarto!"

"Ha? Ako? Bakit?," takang tanong ni Shanaya. Agad naman siyang isinama ni Kyla sa kwarto niya. Tsk.. Kyla talaga..angkulit din eh. Pero ok na rin 'yon para naman hindi naiinip si Shanaya dito. Saka para maging close naman sila ni Kyla.

But..what should I do now? Hanggang kailan ko itatago si Erin dito?

Lalo na ngayong pinagmamatsagan na pala siya ng Di Novo.



Di ko aakalaing mapapaaga ang pagkwento ko nito sa kanya. But I don't have a choice.





I have to call him.






His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now