Chapter 26: The Other Self

77 3 10
                                    

Author's POV



"NO, NOT HER. HELL NO." Sa hitsura pa lang ni Reid ay sukang-suka na siya sa pagmumukha ni Marinella.

"It's Ellesia Claryn Mendiola, and she's your classmate." Said Kael.

"Not her...please no..."

"Why no? Alam mo naman na kailangan talaga nating malaman kung sino sa kanilang dalawa ni Shanaya si Erin. I will not accept NO for an answer. And as a Blood Knight's member, I am giving you this task."

"I'm 101% sure that Shanaya is Erin. No need for you to do the siblings DNA test. Masyado mo lang pinapatagal ang kwento, Kael. You're the one who should know first about that. You'll feel it here." Itinuro ni Reid ang puso ni Kael.

"Hindi mo ba nararamdaman ang lukso ng dugo?" Napaisip si Kael. Hindi rin siya sanay na matured magsalita si Reid kapag sa mga ganitong bagay.


"I just want to make things sure and accurate. Mahirap ang umasa. I'm not the man who believes on false hopes." He took a shot of wine and looked away. May punto si Reid sa kanyang sinabi. Nararamdaman naman ni Kael ang lukso ng dugo kay Shanaya dahil sobrang gaan ng pakiramdam niya sa kanya. Gusto lang niyang pakasiguro at takot siyang umasa. It's been years since he was alone and broken, at ngayong nalaman niyang may posibilidad na buhay pa ang kapatid niya, ayaw na niyang madoble pa ang pagkabroken niya kapag umasa lang siya sa walang kasiguraduhan. He's just playing safe and guarding his heart.


"And I'm not the man who wastes his time to interact on the girl that I hate. Sa dinami-rami ng pwedeng maging si Marinella, bakit si Ellesia pa? Even by mentioning her name, it disgusts me."


Oo. Kay Ellesia nga nagmamatch ang bawat identity ni Marinella. Never na nagkamali ang mga private imbestigators nina Kael at Jayden sa mga impormasyon kaya mataas ang kumpiyansa niyang siya nga si Marinella. Sila lamang nina Jayden at Reid ang may alam pa lang dito.


"You know each other. Mas maganda iyon, hindi ka na mahihirapang makalapit sa kanya. Be brave enough to go out of your comfort zone, Reid. This task is way easier than holding a gun."


"I would rather hold a gun and risk my life than seeing her. Try me."


He was amazed. Never in his thoughts na masasabi ni Reid ang bagay na iyon, knowing na takot si Reid na sumabak sa patayan laban sa mga Di Novo. Mas lalo siyang nagduda sa mga kinikilos ni Reid. That's why he tried to ask him questions to test him.


"Really? Are you willing to kill or be killed? Handa ka ba talaga sa madugong labanan?"

"Of course." He answered right away without hesitation.


"So you're telling me that you're braver now? Tignan nga natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo. Face your fear, Reid. Accomplish your task. I'm not changing my mind."


Tinapik ni Kael ang balikat ni Reid at umalis na. Wala siyang ibang mapagpipilian, kailangan niyang sumunod dahil pride niya ang nakataya rito. Knowing the other persona of Reid, wala itong inuurungang hamon.


Kaya hindi na niya pinatagal pa. Hinaranagan niya ang dinadaanan ni Ellesia habang naglalakad ito sa hallway. Akmang hahawakan ni Reid ang kamay ni Ellesia upang hilain papasok sa isang bakanteng classroom ngunit natigilan siya dahil hindi niya magawang hawakan ang dalaga. Bagkus, hinawakan nalang nito ang dulo ng kanyang ribbon sa blouse nang diring-diri pa talaga.


"Ohhh..bakit mo ko dinala dito? Tuluyan ka na ba talagang nahulog sa charms ko, Mr. Chavez?" Mapang-akit  nitong tanong habang hinihipo ang dibdib ni Reid. Napaatras si Reid hanggang sa masandal siya sa pader.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now