Chapter 3: Strawberry Handkerchief

104 7 26
                                    

ANG DAMING DUGO!! Nanginginig ang mga kamay ko sa nerbyos, as in talaga. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganyang karaming tumutulong dugo mula sa isang taong nasugatan....

"Ahh.. ehh.. Sandali.. Ok ka lang? Ahmm." Haay.. Paano ba 'to. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?  Natataranta ako!

"Chill ka lang dyan. Nadaplisan lang ako." Kahit na nadaplisan lang siya, ang dami pa ring dugo ang nawawala sa kanya ngayon eh! Hmmm. Ano bang gagawin ko?!

Alam ko na.

Buti na lang nakapagdala ako ng panyo. Itatali ko 'to sa braso niyang nadaplisan ng bala.





 Itatali ko 'to sa braso niyang nadaplisan ng bala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





"Wag kang gagalaw. Buti na lang nagdala ako ng panyo para atleast kahit papaano, tumigil sa pagdugo 'yang sugat mo." Di ko alam pero may gana pa siyang ngumiti ngayon habang tinatali ko ng panyo ko ang braso niya!







" Di ko alam pero may gana pa siyang ngumiti ngayon habang tinatali ko ng panyo ko ang braso niya!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





"Haay nako! Sa lahat ng nasusugatan, ikaw 'tong napapangiti. Naiiyak na nga ko dito eh! Nakakatrauma ka palang kasama! Anung nginingiti-ngiti mo dyan?!" Pero infairness, mas bagay niya pala kapag nakangiti! Mukha siyang anghel pero kapag nakabusangot, mukha siyang monster. Sige lang ngumiti ka lang diyan tama 'yan.

"Wala. Nakakatuwa lang kasi 'yang design ng panyo mo. Strawberry. May naalala lang ako." At nakangiti pa rin siya. Sa isang katulad niya na parang galit sa mundo, priceless na kapag nakita mo siyang nakangiti!


"E sa kung favorite ko ang strawberry eh, bakit ba?! -Teka wag kang malikot! Di pa ko tapos. -Bakit ba kasi hinayaan mong masugatan ka?! Ang sakit-sakit neto ehh. Sino ba kasi yung mga 'yun?! Talaga bang ikaw ang target nila??  Tingnan mo tuloy nangyari sa'yo. Paano kung tumagos yung bala sa katawan mo?! PAANO NA AKO 'NUN KUNG WALA KA?"

Bigla kaming nagkatinginan sa mata.


Nagulat yata siya sa nasabi ko. Nagulat din ako e!


"Aaahh. Ehhh.. Ang ibig kong sabihin, di naman ako marunong magdrive eh! Edi di ka na nakapagdrive nang maayos kung may tama ka. Papatayin mo'ko eh! Pati sa nerbyos mapapatay mo na ako!," sermon ko sa kanya at naiiyak na naman ako.. E kasi naman, nabibigla ako sa sitwasyon na ganito. Di ko alam ang gagawin ko..

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now