Chapter 2: Kiss Stealer

135 9 14
                                    

Too bad it was not a dream. This is reality.

He stopped kissing me. "Sorry," he apologized.

Silence.


Silence.


Silence.



Silence fills the air.



Eto ako ---->    >>*O_____O*<<

Tulala akong nagulat na ewan.


Nang mahimasmasan ako ng ilang segundo, saka lang ako nakabawi ng..


"Ouch!," he exclaimed.  Pinagsusuntok at pinaghahampas ko siya. Nanggigigil ako! "Manyak! Bakit moko hinalikan, ah! You stole my first kiss! KISS STEALER!!!" Hindi ba alam ng nilalang na 'to ang salitang RESPETO?!

Nirereserve ko ang first kiss ko para sa mapapangasawa ko in the future tapos nanakawin niya lang?! Sino ba siya?!

"Nabigla lang ako. Ingay mo kasi eh," dipensa niyang sabi. Aba! Ako pa talaga sinisi ng mukhang gangster na 'to. At hello? Nabigla lang?! Dahil lang 'don?! Napakababaw na dahilan! Hinahampas ko pa rin siya. Nakakabwisit na talaga!

"H-Hey! Wait! Ano ba! Ouch!," reklamo niya habang iniiwasan ang mga hampas ko. Buti nga sa kanya! Kulang pa 'yan! "KISS STEALER!"

"Ok, Sorry! Kung hindi kita hinalikan, di ka naman titigil sa kaka-ingay mo. What if nahanap nila tayo? Gusto mo bang mamatay?!"

"Kasalanan mo na 'yon, nandadamay ka pa! Saka, birthday ko ngayon tas ngayon din ako mamamatay?! Ayoko nga!" Hindi ko alam pero natahimik siya bigla nang mabanggit kong birthday ko ngayon. Nakokonsensya na kaya siya? Tama lang yan, makonsensya ka! Sira na ang birthday ko, thank you! =____=

"Let's go. Samahan na kitang mamili ulit ng mga natapon na pinamili mo." Aba. Nakonsensya nga! Buti naman. Kundi, lagot ako kay Mama Hazel kapag umuwi akong walang dalang pinamili. At lalung-lalo nang mananagot sa akin yang Kiss Stealer na 'yan, hindi ko siya titigilan.


Habang naglalakad kami, tahimik pa rin.

This is an awkward moment.

=____="

Napakalayo rin ng distansya namin sa isa't isa.

"Sa mall na lang tayo mamili. Mabilis lang 'yun if we'll ride my car," suggest niya.

"Nagmamadali ako. Dito na lang, malapit na lang din tayo sa palengke kung saan ako namili kanina." Hindi na siya naka-angal pa. Dapat lang na ako ang masunod dahil kasalanan naman niya ang lahat.


(*SA PALENGKE ULIT*)

Habang naglalakad kami, nagbubulungan ang mga tao habang nakatitig sa amin. Aay. Hindi, sa kanya lang pala sila titig na titig na para bang ngayon lang sila nakakita ng lalaki. =_="

"Hoy, bakit nakatingin sa atin lahat ng tao? Wanted ka noh?" Natawa na lang siya sa tanong ko. Bakit ba?!

"Bakit ka natawa? Seryoso ako. Kaya ka siguro hinahabol nung mga lalaking may dalang baril kanina kase wanted ka! Umamin ka na."

"Ako? Wanted? Of course not." He smirked.

"E bakit ganyan kung makatingin ang mga tao?"

"I don't know," saka siya ngumiti nang nakakaloko. Ang angas grabe. Kainis!

"E bakit ka naman hinahabol nung mga taong may baril kanina?"

"It's a very long story."

"Pa-showbiz ka pang sumagot diyan ah.. Kiss Stealer ka naman," bulong ko sa sarili ko.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon