Chapter 24: The Campus King is Back!

79 5 17
                                    

Author's POV


Kitang-kita ni Jayden ang pagtaga ni Dylan sa ahas na tumuklaw kay Shanaya bago ito mahulog sa mainit na bukal. "Aissst!! Bwisit na ahas ito, inunahan pa talaga ako." Naiiritang bulong ni Dylan sa kanyang sarili. Ang buong akala niya ay mapapatay na niya ang dalaga mula sa kanyang sariling kamay ngunit nagkamali siya ng akala. Naunahan pa tuloy siya ng ahas.


Dali-dali namang lumusob sa tubig si Jayden para iahon si Shanaya. Hindi inakala ni Dylan na masusundan sila ni Jayden kaya palihim itong napamura sa inis. Nasira na nga ang plano nito at umeksena pa si Jayden para iligtas ang babaeng balak niyang patayin.

Pagkaahon nilang dalawa sa tubig ay hirap na sa paghinga ang dalaga. Namaga na rin ang binti nito na may tuklaw ng ahas. Sa mga sintomas nito ay agad nang nalaman ni Jayden na makamandag ang ahas na tumuklaw sa dalaga. Kaya naman, mabilis na dinukot ni Jayden ang kutsilyong hawak ni Dylan bago ito hugasan sa mainit na tubig ng bukal.

"Dylan, hold her. Ngayon na!" Isinandal muna niya sa batuhan ang hawak na torch at agad na ginawa ang ipinapagawa ni Jayden sa kanya para hindi siya mapaghalataan na isa siyang kalaban. Napapikit na lamang sa iyak si Shanaya habang hawak naman ni Dylan ang kanyang magkabilang kamay upang hindi makapiglas.

"A-anong gagawin nyo.. W-waaag!!"

"Saglit na lang 'to Shan.. mabilisan lan--"

"Ahhhhhhh!" Halos magwala na si Shanaya dahil mabilisang hiniwa ni Jayden ang kanyang binti. Mabuti na lang at handa si Jayden sa mga ganitong pagkakataon. Agad na kinuha ni Jayden ang baon na venom extractor sa kanyang survival kit para mabilis na mailabas ang kamandag na humalo sa kanyang dugo na dulot ng ahas.


Mangiyak-ngiyak na tiniis ni Shanaya ang hapding nararamdaman. Ayaw mang makita ni Jayden na nahihirapan si Shanaya ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Kung hindi niya ginawa iyon ay baka namatay na ang kaibigan. Binalutan muna pansamantala ni Jayden ng kanyang panyo ang sugat ni Shanaya matapos nitong maalis ang kamandag.


"Hindi pa tuluyang naalis ang kamandag sa katawan mo. First aid lang ang ginawa ko. Kailangan na nating mahanap ang camp site as soon as possible para makainom ka agad ng gamot na anti-venom. Siguradong mayroon sila doon." Seryosong saad ni Jayden bago pasanin si Shanaya sa kanyang likod. Tumayo naman si Dylan at hawak nang muli ang torch.


"T-teka, paano sina Yui..." Nanghihinang tugon ni Shanaya.


"We will go back there. Kailangan pa ni Ellesia itong mga herbs. Let's go." Nagpumilit at nagmadali si Dylan na bumalik na sa tent para maipainom kay Ellesia ang herb na dala ngunit hindi naman talaga iyon ang balak niyang gawin. Hindi naman kasi talaga herb ang kailangan ni Ellesia para magising. Awtomatiko kasing magigising na si Ellesia pagkatapos ng limang oras kaya bago pa ito mangyari ay gusto na niya siyang unahan para palitawin na nagising lang si Ellesia dahil sa herb. Masyadong mautak si Dylan para maisip ang mga ganitong bagay.










Nadatnan nila si Yui na mag-isang nag-iihaw ng nahuling isda para sa lahat. Malapit lang kasi ang ilog sa pinagtayuan nila ng tent kaya habang naghihintay ay hindi niya sinayang ang kanyang oras. Agad namang pumasok si Dylan sa loob ng tent ni Ellesia upang kunwariang maipainom kay Ellesia ang herb. Limang minuto matapos niyang gawin iyon ay sakto namang nagising na si Ellesia ngunit nanghihina pa rin siya dahil sa gutom kaya sabay silang lumabas ng tent para kumain.


"What? Papakainin niyo ako ng isda na hinuli niyo lang sa ilog? No! Baka mamaya may lason pa 'yan." Nainis naman si Yui sa sinabi ni Ellesia dahil siya ang nagluto.


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin