Chapter 39: A Bloody Day

63 2 0
                                    

S H A N A Y A

Ito ang huling araw ng pagrerender ko sa mansion. Sa wakas ay matatapos na lahat ng paghihirap ko dito. Hindi ko na makikita si Ren at hindi ko na kailangan pang masaksihan pa ang kasal nila dito mismo sa mansion bukas.

Oo, bukas na sila ikakasal. Magsasama na silang dalawa at wala na dapat akong pakealam doon. Aalis ako dito ng tahimik at magpapaalam ako ng maayos kina Divine.

Abala ang lahat sa pagdedecorate sa venue para sa kasal at reception. Nasalubong ko naman si Elmer, yung manliligaw ni Divine.

"Good afternoon po Ma'am!"

"Good afternoon din po."

"Ang ganda ng hapon ano? Ramdam ko ang excitement ng lahat."

Sila lang ang excited. Ako wala akong pake. Hahaha.

"Ah. Oo nga eh." Tipid kong sagot.

"Sana balang araw ay makasal din ako sa babaeng mahal ko."

"Ah. Kay Divine?" Pagbibiro ko naman sa kanya. Nangiti naman siya ng sagad.

"Oo. Pinag-iipunan ko na nga ang kasal namin e."

Nagulat ako. Kasalan agad? "Teka. Teka. Kayo na ba? Kelan pa?"

"Ah. Hindi pa! Ni hindi pa nga niya ako sinasagot. Ang tagal ko nang nanliligaw sa kanya." Sabay kamot pa nito sa kanyang buhok na para bang nahihiya.

"Hindi ka pa pala niya sinasagot pero pinag-iipunan mo na agad ang kasal ninyo? Aba. Ang galing ah. Sigurado ka bang may pag-asa ka sa kanya?"

"Hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ko... mahal ko siya at hihintayin ko ang araw na mamahalin din niya ako. Kahit gaano pa yan katagal ay maghihintay ako dahil naniniwala ako na KUNG KAYO TALAGA PARA SA ISA'T ISA, KAYO TALAGA. Kahit anuman ang pagsubok na dumaan, kakayanin dahil tinadhana kayo. Kaya naniniwala ako na tinadhana talaga kami ni Divine. Yun ang pinanghahawakan ko. Kaya ikaw, maniwala ka din na may isang tao ang nakatadhana sa iyo na mamahalin ka habangbuhay. Sa ganda mong iyan, di pwedeng wala. Pero teka parang anglaki yata ng tsan mo. Buntis ka ba?"

Okay na sana eh. Natututo na ako sa mga pangaral niya sa buhay pag-ibig. Kaso bakit ngayon pa siya napatingin sa tsan ko? Kainis naman. Sobrang halata na ba? Sabagay. Mag dadalawang buwan na pala akong buntis.

"Uy hindi ah! Grabe ka naman. Tumaba lang ako! Nagdadiet na nga e. Masyado kasing masarap ang mga pagkain dito sa mansion. Naku" Tapos tumawa pa ako ng konte para di halata. Yung pilit na tawa. Haha.

"Ah ganun ba? Ayus yan. Sabayan mo na rin ng exercise para healthy ka."

"Oo sige tama ka dyan."

"Osya, masaya akong nasalubong kita. Puntahan ko lang saglit si Divine ah. Mag-iingat ka lagi Mae!"

"Ikaw din! Galingan mo manligaw ah!"

"Oo naman! Salamat!"




Nagmadali akong pumasok sa loob ng mansion dahil baka may makakita na naman sa akin at mahalata ang tsan ko. Medyo niluwangan ko na lang ang apron ko para di halata masyado.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now