Chapter 9: Math Tutorial

74 6 6
                                    

Linapitan ko agad si Shanaya.

"Anong nangyari sa'yo?" Hindi siya makasagot. Nakayuko lang siya at umiiyak nang marahan. Natatakpan ang mukha niya sa buhok niya.

"Uyy, Shan?" Hinawi ko ang buhok niya na may bahid na ng kanyang luha.

Alam niyang nandito na ako pero hindi pa rin niya inaangat ang kanyang ulo. Pahikbi-hikbi siyang naiiyak pa rin. "Reid..pwede bang.. di muna ako papasok ngayon sa first subject. Ok lang.. kahit madetention ako." Aniya.

"Hala.. At saan ka pupunta?" Tanong ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Siguro may nangyaring hindi maganda.

"Kahit saan. Sa canteen, sa library, o sa hallway..kahit sa labas ng school. Gusto ko munang mapag-isa." Tinitigan na niya ako na para bang desidido siyang mapag-isa.

"Sa labas ng school? Wag kang lalabas. Di pwede." Saway ko sa kanya. Ano ba kasi nangyayari kay Shanaya? Di siya pwedeng lumabas ng school ng walang kasama. Baka matsempuhan siya ng mga Di Novo. Lagot kami kay Attorney.

"Basta sa lugar na tahimik, payapa.. Meron bang ganung lugar dito?"

Kapag gusto ko ng peaceful atmosphere, doon lang naman sa school garden ang punta ko. Kase sa tabi non may pinagawa akong mini zoo. Hahaha

"Oo meron naman. Kaso--"

"Tara."

"Isasama moko?"

"Hmm sige wag na. Ayaw mo pala. Pasensya na. Sige pasok ka na sa room. Ako na lang mag-isang aalis. Salamat."

Iniwan niya ko dito sa labas ng room. Pero di ko pa din napigilan ang sarili ko. Kaya hinabol ko siya. Mahirap na baka kung ano pa mangyari sa kanya.

Hindi ko pa man din natatanong sa kanya kung bakit angdami niyang mga sugat. Pag nakita pa siya ni Jayden, hayy. Ewan ko na lang baka lalong mabalisa 'yun. Sino kayang may gawa sa kanya niyan? Wag naman sana mga Di Novo.

Sinamahan ko siya sa animal garden ng school. May bench naman don kaya doon kami umupo. Kami lang dalawa. Di bale na ngang maabsent kami sa first subject. Di naman kami pwedeng bigyan ng detention ng prof kasi siyempre di ako papayag. Ako kaya CEO dito. Wala silang magagawa sa akin. Haha

Oo nga pala, yung umiiyak na Shanaya kanina eto ngayon parang bata na nakawala sa hawla. Pinaglaruan niya halos lahat ng alaga kong animals dito. Sobrang saya niya.

"Ang cuuuuuuuuute naman nito!!! Ano 'to, daga??" Pinanggigilan ba naman niya si Hamsey.

"Hamster 'yan. Siya si Hamsey. Cute talaga 'yan. Mana sa amo." Tapos nagpogi-sign pa ako. Hahaha

"Ikaw amo nilang lahat dito? Wow. Ngayon pa lang ako nakakita ng school na may animal garden sa loob hehehe."

Siyempre certified animal lover kaya ang CEO ng university na 'to. Hahaha. Pag nalaman na ng lahat na ikaw si Maria Erin Valiante, magagawa mo na din lahat ng gusto mo sa school na 'to kase sayo naman talaga 'to eh. Kaso wala kang alam. Ang alam mo lang scholar ka dito.  -Gusto kong sabihin sa kanya yan kaso di pa pwede. Natatakot nga ako baka isang araw madulas ako sa kanya o kay Ren eh. Haha. Sira na 'non yung kwento. Uunahan ko pa si Miss author hahahahaha. (Author's Note: Hoy Reid, wag kang bad.)

Evil laugh.

"Eri---! Aay, Shanaya!" Tama na nga, baka tanggalin ako bigla ni miss author sa kwentong 'to. :D

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat