Chapter 23: Camp of the Extremes

93 4 14
                                    

Reid POV

Nagulat na lang ako sa ibinalita sa akin ni Mama 3 days ago. Nagkaroon daw ng gulo sa VU habang wala ako. Nang malaman ko ang ginawa nila sa bestfriend kong si Shanaya, halos hindi na nila ako mapigilan sa galit. Oo, mabait akong tao pero wag na wag nila akong gagalitin. Dahil sa oras na magalit ako, ibang Reid na ang makakaharap nila.


Alam kong inosente si Shanaya. Hindi siya dapat pinagtulungan ng mga fans ni Claryn. Kahit kailan talaga ay walang ginawang mabuti ang tutubing iyon at ang mga alagad niya. Kinausap ko kaagad ang head ng Guidance Office. Sinabihan ko silang pahirapan nang husto ang mga Phileo at Storge na sangkot sa pambubully kay Shanaya. Kung kinakailangang papaglinisin nila ng buong university ang mga iyon ng isang taon, ipagawa nila.

At itong si Claryn, quotang-quota na talaga ako sa babaeng ito. Wag niya sabihing dahil magkaibigan naman ang mga nanay namin ay makakaligtas na siya sa parusa. Hindi ako makakapayag. Kailangan niya ring pagbayaran ang kasalanan niya.



Nagdesisyon silang gawan kami ng camp retreat na exclusive lang para sa mga grade 11 ng Agape at Eros section. Hindi ko na alam kung ano ang pinlano ng mga advisers at admin sa camp na ito. Isa kasi ako sa mga Agape students na kailangang magcamp kaya hindi nila ipinaalam sa akin ang bawat detalye ng mga gagawin. Basta ang alam ko lang, gusto lang nina Mama na magkaroon ng unity sa pagitan ng dalawang extreme sections. Matagal na naming problema ang bagay na ito sa university. Palagi rin namang nasasangkot ang last section sa mga gulo, pero sa lahat ng mga gulong kinasangkutan nila ay ito na yata ang pinakamagandang nagawa nila. Inaamin ko, sumaya ako nang malaman kong pinagtanggol nila si Shanaya bilang isang buong klase. Napabilib nila ako dun. Pero kailangan pa rin nilang dumaan sa parusa dahil patong-patong na ang ginawang gulo ng section nila simula pa noon.



Pagkababa namin sa bus ay sumalubong sa amin ang di pamilyar na lugar na ito. Halo-halong komento ang narinig ko mula sa mga estudyante. May mga nasabik at karamihan naman sa kanila ay natakot.

Tirik ang sikat ng araw ngunit natatakpan ito ng mga nagsisitaasang mga puno kaya nagmukhang madilim ang paligid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Tirik ang sikat ng araw ngunit natatakpan ito ng mga nagsisitaasang mga puno kaya nagmukhang madilim ang paligid. Kanya-kanya namang hawak ang mga babae sa mga pwede nilang kapitan dahil sa takot. Yung iba naman ay halos umurong na tulad ng isang 'to sa harapan ko.


"Oh my God..anong lugar ito? AYOKO NA, TUMAKAS NA TAYO." Napaurong yung babae dahil sa takot. Hinila naman siya ng kaklase niya pabalik sa kanyang pwesto kanina.


"Nandito na tayo, wala ng urungan." Napansin ko lang, parang magkamukha sila.


Hinanap ko naman agad ang kinaroroonan ni Shanaya. Napansin kong parang may hinahanap din siya.


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now