Chapter 27: Claiming Her Again

117 6 13
                                    

Author's Note:

Ang mga susunod na eksena ay para sa mga nakakatanda lamang. Patnubay ng magulang ay kailangan. Charot! Hahaha. Rated SPG po ulit ang chapter na ito nang very very light lang naman. Ihanda ang inyong mga sarili. Lol😉

_____
Mikey POV

Tama lang sa kanya 'yan. Hindi namin siya kailangan. Wag na wag na siyang gigising bilang ibang tao kahit kailan. I will not forget what he did to me when we were still young.

That man is a liar. He is selfish and full of himself. Sarili niya lang ang iniisip niya at wala siyang pakialam kung ano man ang maramdaman ng ibang tao basta nagagawa niya lang kung ano ang gustuhin niya.

"Believe me. Shanaya and Erin are one." Those are his last words before he fell on the floor.

Believe? Wow, big word. Who would believe him if we knew him as a liar? Itutulad niya pa sina Shanaya at Erin sa kanya? Ano 'to? May Split Personality Disorder din ba yung dalawa para sabihan niyang iisa lang sila? No one will believe him. This is one of his tricks for sure.

Pero itong si Ren, mabilis na pinuntahan si Reid sa sahig matapos nitong marinig ang sinabi niya para gisinging muli. "What do you mean they are one? Ano bang pinagsasabi mo dyan? This is not the time to fool around, WAKE UP!"

Kulang na lang ay sampalin niya si Reid para magising. Buti na lang ay napigilan ko siya bago niya gawin iyon. Kapag talaga si Erin na ang pinag-uusapan, nawawala na siya sa sarili niya. "Ano ba Ren? Calm down!" Itinayo ko siya para mahimasmasan. Hawak ko ang braso niya nang biglang dumating si Shanaya kaya napabitaw ako bigla.

"Anong nangyayari dito? Bakit nagsisigawan kayo?" Tanong niya sa amin pero natigilan siya nang makita niya si Reid na nakahandusay sa sahig at walang malay. She immediately run to him.

"Wake him up! Hindi pa kami tapos!" Pamimilit na naman ni Ren. Pinigilan ko na naman siyang lumapit kay Reid dahil baka ano pa ang magawa niya.


"Umayos ka nga Ren! Wag kang nagpapaniwala sa mga sinasabi nyan. Alam naman nating lahat na sinungaling siya. Napakaimposible ng sinasabi niya. This is not the first time he tricked us! Saksi ka sa mga kasinungalingang ginawa niya noong mga bata pa tayo. Minamanipula niya lang tayong lahat kaya wag kang magpaapekto sa mga lumalabas sa bibig niya."


Maayos naman ang lahat noong umpisa. Palagi kaming magkalaro ni Reid. Sabay kaming nag-aalaga ng mga pets namin. Nagkakasundo kami dahil pareho kaming mahilig sa mga hayop.

Pero isang araw, namatay si Bookkeu, ang first ever dog niya na Maltipoo breed.

Sobrang mahal niya si Bookkeu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Sobrang mahal niya si Bookkeu. Siya ang nag-alaga sa kanya simula pa noong puppy pa siya. Hindi niya matanggap ang pagkamatay ni Bookkeu. Kaya isang araw, naabutan na lang namin siyang walang malay sa kwarto habang puno ng mga bote ng alak ang paligid niya.


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon