Chapter 19: Finally, He Confessed!

120 3 18
                                    

Shanaya POV


YOU ARE MINE. UNDERSTAND?

YOU ARE MINE. UNDERSTAND?

YOU ARE MINE. UNDERSTAND?



Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang iyan sa isip ko. Mababaliw na yata ako.


Napahawak ako sa aking labi at unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa pader. Iniwan lang naman niya akong tuliro rito matapos niyang gawin ang bagay na iyon sa akin.


Bakit naman niya ako hahalikan? Mahal na rin ba niya ako?


Napayakap ako sa aking binti habang nakapatong ang baba ko sa aking mga tuhod. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hinalikan niya ako.....




Nananaginip ba ako?

Sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko ngunit naramdaman ko naman ang sakit. Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng iyon.



Ilang oras din akong lutang. Mabuti na lamang at nasalubong ako nina Belle kaya nagkaroon ako ng kausap.


"Saan ka ba nanggaling ha? Huli ka na tuloy sa balita!" Pambungad na saad naman nito sa akin sabay hawak sa braso ko. Pinalibutan naman ako nina Sheriz, Yui, at Cylin.


"Anong balita na naman ba 'yan? Kailangan ko pa bang malaman?" Sa mga mukha nila ay parang kilig na kilig at mukhang hindi naman sila namatayan ng kaklase.


"Hindi mo ba alam ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante ngayon dito sa VU?" Napatingin naman ako sa itinuro ni Sheriz. Marami ngang estudyante ang nagkukumpulan doon, halos mga babae.


Sabay-sabay naman nila akong hinila at nakisiksik sila sa mga tao. "Teka ba, ano bang meron? Wag niyong sabihing may namatay na naman?" Hinala ko.


"Hindi ah! Tara na muna kase!" Pag-aaya sa akin ulit ni Belle hanggang sa mapadpad kami sa isang building na  transparent dahil sa glass wall.




"OH MY GOSH! SIYA NA BA 'YUN?!" Dinig kong tili ng isang babae sa aking likuran. Abala naman din sa paninilip sina Belle sa loob ng building. Sobrang halata naman nila dahil sigurado akong kitang-kita pa rin sila magmula sa loob. Ano bang meron?



Hanggang sa may lumabas na lalaki sa isang kwarto ng building. May hawak siyang drinks at kasalukuyang iniinom ito. Kitang-kita namin lahat. Todo tili talaga nitong mga babaeng ito. Akala pa tuloy nila ay nakikifangirl din ako sa kanila.


Pero teka, namumukhaan ko ang tinitilian nila ah. Lalo na nang magtama ang aming mga mata.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon