Chapter 28: A Birthday Surprise

66 3 17
                                    

Shanaya POV

"Hi bes. Missed me?!" Ang pambungad na bati ko kay Nichel nang pumasok ako sa kanyang kwarto ng walang paalam. Balak ko talaga siyang sorpresahin ngayon sa bahay nila dahil namiss ko ang bestfriend ko. Nabahala rin kasi ako sa sinabi ni Reid sa akin tungkol sa kanya noong nakaraan. Matagal na rin kasi mula noong huli naming pagkikita.

Nabitawan naman niya bigla ang kanyang cellphone at biglang nataranta nang makita ako. "B-bes? Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito pagkatapos itago ang kanyang phone sa ilalim ng kanyang unan.

"May kausap ka sa phone?" Tanong ko rito. Mukhang napakaseryoso yata ng pinag-uusapan nila nung taong kausap niya sa phone ah. Sino kaya 'yun?

"Ahhh. Hehe. Wala lang iyon. Wrong number siya. Buti pala napadalaw ka? Himala?" Tumayo siya sa kanyang inuupuan at pinaupo niya ako sa kanyang kama.

"Kaw naman bes, namiss lang kita. Saka dati naman kitang binibisita dito ah. Kamusta ka na?" Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap. Tuwang-tuwa ako ngayon na nagkita na kami ulit! Mukhang mahabang chikahan na naman ang magaganap ngayon. Namiss ko ang mga mahahabang kwentuhan at tawanan namin dati.

"I'm okay! Still pretty! I miss you too bes!" Masayang bati nito sa akin ngunit hindi ko naramdaman na yinakap niya rin ako pabalik. Hinarap ko naman siya pero nakangiti naman siya sa akin. Pero bakit ganon? Parang pilit.

Hindi ko na lang iyon masyadong pinansin. So ayun, dating gawi kami. Nagkamustahan kami then nabanggit ko ang tungkol sa amin ni Ren.

"Wooooh! Yun oh! Tama ka dyan, kayo na lang talaga dapat bes! Sabi na sayo bagay na bagay kayo 'non eh!" Abot tenga pa ang ngiti niya pero bigla siyang natigilan saglit.

"Teka. Wait. Tama nga ba ulit ang narinig ko? KAYO NA NUNG REN?!" Nanlaki ang mga mata nito at parang ngayon lang nagsink-in sa kanya ang lahat ng mga pinagsasabi ko. Late reaction siya. Akala ko pa naman gets na niya noong una. Lutang is real kay bes. Wala yata siya sa sarili niya.

"Oo bes. Bago-bago lang kami. Stay strong kami sa relationship namin. Yun nga lang, medyo nagiging overprotective na siya sa akin nitong mga nakaraan. Ayaw niyang umaalis ako na hindi siya kasama. Tumakas lang nga ako eh. Sa iisang bahay lang kasi kami nakatira. Nagtatrabaho ako ngayon sa mansion nila."

"Ohhhhhh. That's good! Akalain mo 'yun? My ship is sailing! I'm happy for you bes!" Bati nito sa akin.

"E ikaw kamusta ka na? Kayo?" Ang huling balita ko sa kanya, sila na daw ni Jayden. Pero noong nakasama ko si Jayden, wala naman siyang binabanggit na may girlfriend siya. And worst, may mahal daw siya na ang pangalan ay nag-sstart sa letter Y! Eh hindi naman sa letter Y nagsisimula ang pangalan ni Nichel! Sasabihin ko ba sa kanya na may posibilidad na niloloko na siya ni Jayden? Huhu.

"Ahm. Stay strong din kami ni Jaydenmyloves noh!" Pilit na sagot naman niya. Kilala ko si Bes. Alam ko kapag may tinatago siya.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinitigan sa mata. "Stay strong nga ba talaga? Magsabi ka sa akin bes. Makikinig ako." Umiling lang siya at ibinaling ang tingin sa malayo.

"Oo naman no! Mahal na mahal ako ni Jayden. Sigurado 'yon!"

Hmm. Mukhang in denial pa rin siya. Hindi convincing ang mga sinasabe niya. Aminin ko na kaya sa kanya yung nalaman ko kay Jayden? Oo, tama. Karapatan niyang malaman 'yon kahit na masaktan pa siya. Kase yun ang totoo.


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat