Chapter 7: Study Buddy

110 5 17
                                    

"Kiss Stealer?!"


O____O !!!!!!!!

Classmate ko siya? Katabi ko pa?!

Asdfghjkl!!!!!!!

Pinakatingnan ko ang mukha niya. Di ako pwedeng magkamali. Siya nga!

"Ikaw 'yun! Kiss Stealer, umamin ka na! Ikaw yung bigla-bigla na lang nanghalik sa akin nung may mga humahabol sa'yo diba?"

Nagsimula namang magbulung- bulungan ang mga tao dito sa room. Mukhang napalakas yata ang pagkakasabi ko =.=

"Ano raw? Kiss Stealer? Echosera."

"Ang kapal naman ng mukha ng transferee na yan"

"As if naman nakawan siya ng halik ng prinsipe natin nuh."

"Ilusyunada."

"Kala mo naman maganda."


=__________=


Ako pa tuloy ang nagmukhang ilusyunada at makapal ang mukha? E sa totoo namang Kiss Stealer 'tong lalaking katabi ko ah! Hinding hindi ko malilimutan ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko! Di ako pwedeng magkamali.


"Huh? Nananaginip ka ba? HINDI KITA KILALA."


HINDI KITA KILALA.


HINDI KITA KILALA.


HINDI KITA KILALA.



Aba! Ako? Hindi niya kilala? Imposible! Nagsisinungaling siya!

"Ano ka 'ba! Ako 'to. Di ba hinatid mo pa ako pauwi sa amin 'nun?" Kailangan mo'kong maalala Kiss Stealer, kundi tuluyan na'kong mapapahiya sa mga classmates natin. Lahat sila sa akin na nakatingin :/


"HINDI NGA KITA KILALA. SINO KA BA? TSS."



Aray. So ganyanan? Tinawag pa nga niya ako sa pangalan ko noon tapos ngayon sasabihin niyang hindi niya ko kilala? Parang gusto ko na tuloy maglaho sa kinauupuan ko sa sobrang kahihiyan.

Lakas makatawa sa akin ng mga magagaling kong classmates, maliban lang kina Jayden at Reid na mukhang nashocked din tulad ko.

Hindi pa tayo tapos Kiss Stealer. Makakaganti rin ako sa'yo sa pagDeny mo sa akin, tingnan mo man!! Huh!

Tiningnan ko siya nang may matang mapanlisik pero siya deadma lang at yumuko ulit sa desk niya na para bang walang nangyari. Kaasar!

"Shanaya, totoo ba? Nagkita na kayo ni Ren dati?" Curious na tanong ni Reid sa akin mula sa harapan.


Pero teka. REN???


Ren ang totoong pangalan ni Kiss Stealer? Kapangalan niya yung crush ni Kyla na magdamag niyang kinukwento sa akin kagabi?

"Kahit naman sabihin kong TOTOO, wala pa ring maniniwala sa akin dahil anglakas niyang makatanggi."

"So pinagbibintangan mo pang sinungaling si Ren ngayon?" hirit naman ni Ellesia maldita. Lalo tuloy lumakas ang bulungan sa klase. Di na nga ako magsasalita. -.-

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon