~EPILOGUE~

117 5 3
                                    

Author's Note:
Guys, ieend ko muna rito ang His Long Lost Fiance. Humahaba na kasi, pero may book 2 siya na continuation. Dito ko na rin iuupdate . Thank youuu~

---
> 5 months later <

S H A N A Y A

Marami nang nagbago matapos ang madugong labanan ng Di Novo at Blood Knights.

Namatay ang baby sa sinapupunan ko na sobrang ikinalungkot ko noon.

Namatay rin si Ellesia ngunit napatawad ko na siya sa mga nagawa niya. Ikinuwento sa akin ni Ren na matagal nang alam ni Ellesia na may taning na ang buhay niya kaya hinanda niya ang pamamaalam niya sa mundo. Nagpirma siya ng waiver sa isang ospital na sa oras na mamatay siya ay idodonate niya ang organs niya sa mga nangangailangan. Di ko inasahan na pinakauna ako sa listahan ng priority lists niya. Ang buong akala niya ay mamamatay siya dahil sa sakit niya sa puso ngunit namatay siya dahil lang sa tama ng bala. Kaya naman, utang ko ang buhay ko sa kaniya noong manganib ang buhay ko.

Nagbalikan na rin pala kami ni Ren ngayon pero palihim lang dahil nagalit si Kuya Kael kay Ren noong malaman niyang nabuntis niya ako.

Hindi ko rin masisisi si Kuya dahil huli na rin noong makumpirma niyang ako talaga si Maria Erin. At ngayong sigurado na ang lahat na ako talaga ang kapatid niya, sobra siyang naging overprotective sa akin. Naging strikto siya bigla na parang tatay ko na. Nakakatakot siyang magalit kaya naman sumusunod lang ako sa mga gusto niya. Naiintindihan ko naman siya.
Alam ko naman na ikakasal din naman kami ni Ren dahil ako talaga ang fiancee niya ngunit hindi pa kami pwedeng ikasal hanggat wala pa ako sa legal age. Ilang buwan pa ang hihintayin bago ako maging ganap na dalaga. Kailangan pa rin naming galangin ang desisyon ni Kuya Kael.

Si Kuya Kael na rin ang namahala sa buong Valiante University kasabay ng pamamahala niya sa iba pa naming mga kumpanya. Sobrang busy niya nang tao ngayon pero nagagawa pa rin niyang i-manage ang oras niya. Pero ang pinakapinagtutuunan niya ngayon ng pansin ay ang school. Para mawala ang discrimination sa aming mga lower section ay shinuffle niya ang mga students. Heterogenous na ang sectioning ngayon sa Valiante University. Sa bawat section ay may matalino, average, at pasang awa na tulad ko. Kaya halos sa mga student na umaway sa akin noon ay classmate ko na rin ngayon. Pati yung ibang mga classmates ko noon sa Agape ay classmate ko na rin. Nasa Grade 12 na pala ako ngayon sa Eros section.

Kinalampag naman ng aming Class President ang teacher's table para kuhanin ang atensyon naming lahat dito ngayon sa 12-Eros.

"Attention Eros! Makinig ang lahat!" Natahimik naman kami sa boses ni Sheriz. Oo, siya na ngayon ang Class President. Miyembro din siya ng University Student Council. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang Secretary sa committee na yon. Bigatin na si Sheriz ngayon. Simula noong magbreak sila ni Kerwin ay sumeryoso na siya sa pag-aaral. Lagi siyang focused at sobrang galing pala talaga niya bilang leader.

"Ang school natin ang host this year para sa gaganaping School Festival next week! Maraming schools ang bibisita. Kailangan nating mag-isip kung anong booth ang gagawin natin para sa section natin! Any suggestions?"

Nagtaas ng kamay si Shin. "Horror house na lang! Tapos ikaw yung multo!" Nagsitawanan ang klase dahil sa kengkoy na si Shin kaya naman binato ni Sheriz si Shin ng bote ng mineral water sa ulo. "Siraulo! Sapak gusto mo?"

"Woah!" Reaksyon ng lahat.

"Chill ka lang Miss President. Pinapagaan ko lang ang atmosphere. Masyado kang seryoso e. Tignan mo yang noo mo, kumukulubot na dahil sa stress! Bigyan nga ng lovelife 'to!" Pang-aasar muli niya. Hay nako. Di pa rin nagbabago si Shin. Baliw pa rin. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Sheriz. Lagi kasing inaasar ni Shin si Sheriz magmula noong magbreak sila ni Kerwin. Iniinggit niya dahil may lovelife siya. Masaya sila ni Cylin ngayon. Gago lang talaga siyang kaibigan. Alam namang broken-hearted pa rin si Sheriz ngayon pero lalo pa niyang inaasar. Mabuti na lang ay sa ibang section napunta si Kerwin this school year kaya naman hindi na sila masyadong magkikitaan. Kung di ako nagkakamali, sa Phileo section napunta si Kerwin, may rumor girlfriend siya doon na classmate niya. Ewan ko lang kung totoo o kung sino yung babaeng pinalit niya kay Sheriz. Sa Agape naman napunta yung kambal. Mabuti na lang at hindi nahiwalay sina Sphere at Cylin sa isa't isa. Sa Storge naman sina Jun at Belle.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora