Chapter 40: Di Novo's Revenge

87 2 3
                                    

A U T H O R

Hinabol ni Kael ang bumaril kay Ellesia. Sa kabutihang palad ay nahuli niya ito at pinatamaan ng bala sa magkabilang paa para masigurong hindi ito makakatakas. Hindi lingid sa kaalaman ni Kael na nasa likod pala niya si Mikey at pasugod na sa miyembro ng Di Novo para hampasin ng bitbit nitong upuan.

Pero pinigilan siya ni Kael na gawin iyon. "Mikey! Stop!" Inagaw ni Kael ang bitbit na upuan ni Mikey ngunit hindi pa rin nagpapigil si Mikey at pinagsisipa ang kawawang miyembro ng Di Novo habang nakahandusay ito sa lupa. Hindi niya alintana kung nakagown man siya. Mananakit siya kung kailan niya gustong manakit lalo pa't galit na galit siya ngayon nang dahil sa lalaking ito. "Oh ano?! Lulumpo-lumpo ka ngayon! Sinira mo ang kasal at natakot ang mga tao ng dahil sayo! At higit sa lahat, binaril mo ang bride! Anong hinanakit ang meron ka dyan ah? Sino ka ba?!"

Walang kaalam-alam si Mikey sa gulong nangyayari sa pagitan ng Di Novo at Blood Knights kaya naman malakas ang loob nitong saktan ang miyembro ng Di Novo kahit pa na pinipigilan siya ni Kael. Wala na rin siyang pakialam sa iisipin ni Kael sa pagiging bayolente niya dahil tanggap na niyang wala na silang patutunguhang dalawa. Gagawin nito ang gusto niyang gawin at walang makakapigil sa kanya.

"Mikey! You don't know what you're doing! Stop it! Babae ka at hindi mo dapat pinapatulan ang delikadong taong tulad niya!"

Hindi pa rin kasi tumitigil si Mikey sa kakasipa at apak sa kawawang miyembro ng Di Novo. Masyadong mapwersa si Mikey kaya naman sapilitan na siyang pinigilan ni Kael sa pamamagitan ng mahigpit na pagyakap nito sa kanya mula sa kanyang likod.

Nang dahil sa ginawang iyon ni Kael ay kumalma bigla ang nagwawalang si Mikey. Napatingin ito sa gwapong pagmumukha ni Kael habang nakayakap pa rin siya sa kanya.

"A-anong ginagawa mo?" Mautal-utal na tanong ni Mikey sa kanya.

"Don't mess with that guy anymore. Ako na ang bahala sa kanya. So please, stop it. Ako ang dapat na magturo ng leksyon sa kanya at hindi ikaw."

"No way! Hindi pa ako tap--"


Sa sobrang kulit ni Mikey ay binuhat na siya ni Kael at inilayo sa Di Novo. "Stay here. Wag na wag kang lalabas. Wag kang makulit. Wait for me, babalikan kita dyan."


Sa kabilang banda, nagkulay pula ang suot na puting wedding dress ni Ellesia dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Duguan na rin ang bibig nito habang nakahiga siya sa mga bisig ni Ren. Hirap na sa pagsasalita si Ellesia ngunit pinilit pa rin niyang makapagsalita para lang masabi kay Ren ang gusto niyang sabihin. Muli, inabot niya kay Ren ang engagement necklace nila ni Erin.


"G-Give this back to her--to S-shan-aya."

Sa puntong ito, siguradong sigurado na talaga si Ren na si Shanaya at Erin ay iisa.

"A-I'm sorry to all of you.. P-please let her know that I'm regretting all I've done to her.."

"Ellesia, don't speak too much. The ambulance is on its way here. Hold on." Pinipilit ni Elren na maging kalmado pa rin kahit na nag-aagaw buhay na si Ellesia sa harapan niya.

"Ren, please forgive m-me..."

"Okay, okay. I forgive you. Just don't talk too much. Hindi ka titigil sa pagdugo kapag nagsalita ka pa."

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now