Chapter 35: Plans Revealed

76 3 34
                                    

                   J A Y D E N

I don't know how would I react after knowing that the woman I love is pregnant. It's obvious who the father is. Damn him.

Pagkabalik ko sa room ni Shan, naabutan ko na siyang gising at kasalukuyan siyang kinakausap ni Reid.

"Oh, you're back. Anong sabi sayo ni Doc?" Reid asked. Masyadong confidential ang sinabi ng doctor kaya mas mabuti na munang hindi muna niya alam. Mas karapatan ni Shanaya na unang malaman kung ano ang lagay niya.

Nilapitan ko sila. Hinaplos ko ang buhok ni Shanaya habang nakahiga pa siya. Nginitian ko siya. But as usual, wala pa rin siya sa sarili niya.

"Irerefer daw siya sa isang psychologist. Depressed eh. Other than that, okay naman siya. She needs to rest and eat healthy foods."

"Ohhh. Okay, halata ngang depressed siya. --Ngayon lang 'yan Shan. Magiging okay din ang lahat. Ha?" Hawak nito ang kamay niya habang hinahaplos din ang buhok ni Shan. May ka-sweetan rin pala sa katawan itong si Reid. Mabuti na 'yon para naman alam ni Shanaya na marami kaming nagmamahal sa kanya.

"Doon ka na lang din magpatingin sa psychologist ko. Magaling 'yun." Suhesyon niya. Oo nga pala, nagpapagamot din pala si Reid dahil sa Split Personality Disorder niya.

"Yahh. Oo nga pala Reid. How's your medication?"

"I'm feeling better. Consistent naman ako sa mga iniinom kong gamot. Nakainom pa nga ako ng alak noong minsan. Hindi ako napano."

"What? Bawal kang uminom ng alak, right? Makulit ka din Reid." Nagulat kami sa pagsagot ni Shanaya. Mukhang si Reid lang ang nakakausap niya ng maayos ngayon.

"Don't worry Shan. Wala ng kinalaman ang alak sa pagkakaroon ko ng ibang katauhan. Natitrigger lang ako kapag down na down yung emotion ko. Kapag masaya naman ako, hindi naman ako nag-iiba kahit maglasing pa ako. Iba ang nagagawa ng depression kaya ikaw, umayos ka ha? Nandito naman kami nina Jayden para sayo. Hindi ka namin pababayaan, okay? Magpalakas ka pa. Dadalhan kita ng fruits mamaya."

"Thank you best friend.."

Napangiti si Reid. Yumakap naman siya agad kay Shanaya. "Walang anuman. Ganyan ka lang talaga namin kamahal kaya magpagaling ka na."

"Hoy hoy awat na. Dun ka na nga. Bilhan mo na siya ng fruits. Balik ka na lang mamaya."

"Wow Jayden ha. Di naman halata na nagseselos ka?" Pang-aasar pa nito sa akin. Ito ang mahirap eh. Kahit na nagseselos ako, wala pa rin akong karapatan dahil hindi naman kami.

"No I'm not. Gusto ko lang din makausap si Shanaya. So umalis ka muna."

Nagsumbong naman itong si Reid kay Shanaya. Hay nako, parang bata talaga. "Tingnan mo bestfriend oh! Pinapalayas niya ako. Gusto ka niyang masolo." He pouted. Akala niya cute siya? Oo cute nga si Reid. Mukha siyang aso.

"It's okay bestfriend.. Babalik ka pa naman diba? Saka kausapin mo na din si doc para yung psychologist mo na din ang maging psychologist ko."

"Alright.. sabagay. Oh sige. I'll be back." Tumayo na si Reid at nagpaalam. "Hoy Jayden, bantayan mo ng maigi yang bestfriend ko ha?"

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now