Chapter 25: Jealousy vs. Trust

82 3 13
                                    

Shanaya POV



"Ano iyon ha? So may tiga-hatid ka na ngayon? Ano ba talagang nangyayari ha Shanaya! We need to hear your explanation. As in now na!" Pinalibutan naman ako kaagad ng mga kaklase kong ito. Sinasabi ko na nga ba, hindi nila ako titigilan hanggat hindi ako nagkukwento.


"Oo o hindi lang ang sagot, Shan. Totoo bang kayo na ni Ren?!" Kinalampag ni Leslie ang desk sa harapan ko kaya nagulat ako.

Sasagot na sana ako kaso bigla namang nagsalita si Kerwin. "Yung isang babae sa Storge section, muntikan nang tumalon sa rooftop ng building nila. Buti na lang may nakapigil!"

Whaaaaaaat?! "Uyy grabe naman yo--"

Naputol yung sinasabi ko dahil hindi naman nagpatigil si Garnette sa pagsasalita. "Yung RenElle fanclub naman ayun nagboboycot sa may hallway! Nag iipon na sila ng mga haters mo!"

"Napadaan ako sa music room kanina, may nagwawalang babae na nagpipiano dun sobrang sakit sa tenga!" Reklamo naman ni Jun.

"Ako naman, may nakita akong grupo ng mga babae sa may garden. Para silang namatayan. Lakas makaiyak!!" Rinding-rindi naman si Cylin.

"Nagluluksa na ang buong campus at fandom ni Ren. Ano ba talagang nangyayari ha?" Tanong ni Sheriz.

Ang OA naman ng mga sinasabi nila. Totoo kaya 'yun? Grabe naman pala. Huminga ako nang malalim at bumwelo sa sasabihin.

"Shanaya naman. Magsalita ka na. Oo o hindi lang. Totoo ba yung kumakalat na balitang kayo na ng Campus King na si Elre--"




"Oo. Kami nga."



"WAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!" Nagwala naman ang buong klase. Pati yung mga kaklase kong lalaki, overreact na rin dahil sa pag-amin ko. Kinalampag nila ang mga desks at halos magbatuhan na sila ng mga upuan dahil sa pagkabigla. Sabagay, ano bang bago? OA naman talaga sila kahit noong una ko pa silang makilala. Nakakatuwa yung mga reactions nila.


"OMG! Ako ang bride's maid sa kasal!!" Sabi ni Belle.

"Sabihin mo kay idol, groom's men kami ah! Walang kokontra!" Sabi naman nina Sphere, Kerwin, at Shin.

"Congrats sa inyo, ate! Kahit pianist na lang ako sa kasal sige." Bati at alok naman sa akin ni Jun.

"Teka, teka nga! Bakit naman usapang kasal agad?!" Nakakaloka talaga tong mga Eros na 'to.


"SIYEMPRE ADVANCE LANG TALAGA KAMING MAG-ISIP!" Sabay-sabay nilang sabi. Mukhang pati mga utak nila synchronized na din.

"Doon din kasi ang punta 'non! Tapos honeymoon, tapos mabubuntis ka, tapos pag nagkaanak kayo, AKO NINONG AH!!!" Pagpiprisinta ni Sphere. Nag-unahan naman din sa pagtaas ng kamay sina Shin, Kerwin, at Jun. "Ako din! Ako din!"

"Teka, nauna ako! Ako lang ang ninong!!" Sabat ni Sphere.

"Di ka pwede magninong, Iglesia ka diba?!"


"Ayy oo nga pala."


*facepalm*



Minsan talaga napapaisip ako kung paano ko naging kaibigan ang mga ito eh.

Lumapit naman si Belle sa akin at idinikit niya ang braso niya sa braso ko. "So pano na nyan, iniinvite tayo ni Reid sa bahay nila. Payagan ka kaya ni Elren?"

Oh talaga? Mabuti naman at mukhang magkakasundo na talaga sila nina Reid.

"Oo naman. Wala namang dahilan para hindi siya pumayag."


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now