Chapter 5: Double Trouble

107 5 8
                                    

(SHANAYA POV)

Anong lugar ba ito? Nasaan ako?



"Tao po?" Pero walang sumasagot..





Hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar na puno ng salamin ang paligid ko..



Huh?



Nakikita ko ang repleksyon ko sa salamin bilang isang bata.. Na naman?


Hinawakan ko ang salamin at pinagmasdang mabuti ang sarili ko. Ang gara ng damit ko.. At napansin kong may suot akong kwintas. Napangiti ako habang hawak ko ito.


Nang biglang may isang batang lalaki ang sumulpot sa likod ko.


Nang biglang may isang batang lalaki ang sumulpot sa likod ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Nakangiti rin siya..

Sobrang cute niya..

"Parang kilala kita," sabi ko. Nakangiti lang siya at hindi nagsasalita. Linapitan niya ako at biglang yinakap. Yinakap ko rin siya.. Sobrang gaan sa pakiramdam..

Saka niya hinawakan ang kwintas niya na para bang kapareha ng sa akin..

Kalahating puso

na pinagdugtong niya..

sa isa pang kalahating puso na meron ako sa kwintas ko.

At binigkas niya ang nakasulat sa pinagdugtong na pendant ng kwintas namin..

"EVfnreknvWnfuFAjebfdhuir"




Di ko narinig..






At di ako makahinga.



"Shanaya?? Shanaya! Gumising ka!"



Pikit. Mulat. Pikit. Mulat.

Laking gulat ko nang makita ko si Jayden na nakaupo sa tabi ko! Sino ba namang hindi magugulat na umagang-umaga, isang supermodel pa ang bubungad at gigising sa'yo?

"Jayden?!" Kinusut-kusot ko ang mga mata ko para malaman kung si Jayden nga. Nananaginip pa yata ako. Bakit kasama ko ngayon ang idol ni Bes?? OMG. Kinidnap niya ba ako at itinatago ngayon sa bahay niya?!

"Shanaya, ok ka lang? Hindi ka kasi makahinga kanina. Kinabahan ako. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo. Sorry din pala kung bigla akong napapasok sa kwarto mo, tanghali na kasi hindi ka pa rin nagigising. Kanina pa ako kumakatok."




Aay. Teka.




<*recalling everything loading loading loading. . . *>




Napahilamos tuloy ako ng kamay sa mukha. Oo nga pala, dito na pala kami nakatira ngayon sa kanila. Sorry, bangag na naman. :/ Ang dumi yata ng isip kong mapagkamalang kidnapper si Jayden ni bes.  :D

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now