Chapter 17: From Maid to Slave

105 4 17
                                    

A/N: I'm sorry for the long wait! Busy lang talaga ako sa sarili kong buhay. Hobby ko lang talaga ang pagsulat. So kapag may free time, doon lang ako nakakapagsulat talaga. At siyempre, mas ginaganahan ako kapag may nababasa akong positive comments. Thank you po! I hope, you will enjoy this chapter! :)


____
Nichel POV


"Nichel, halika nga rito!" Tawag sa akin ni Mama. Halos lumabas na ang eardrums ko sa lakas ng pagsigaw niya. Gosh! Busyng busy pa ako sa daily routine ko rito. Kahit kailan talaga ay istorbo yang si Mother dear.

"Nichel, ano ba! Halika na rito!" Sigaw na naman niya. Binilisan ko na lang ang paglalagay ko ng makeup at lipstick habang nakaharap sa salamin.


"Ayan na! Papunta na!" Sagot ko rito nang nakasigaw din. Hindi naman kalayuan ang pagitan namin ni Mama dahil maliit lang naman talaga ang bahay namin kaya agad rin akong nakalapit sa kanya. Daily routine lang din talaga namin ang magsigawan.

"Aba aba, at saan ang punta mo? Bakit gayak na gayak ka?" Taas kilay nitong tanong sa akin.


"Wala. Dito lang sa bahay. Bawal na bang magpaganda kahit nasa bahay lang?" Tanong ko sa kanya. Hinila naman niya nang bahagya ang ilang hibla ng buhok ko. "Aray ko naman Ma! Bakit ba?"


"Aminin mo nga, sino ba talaga 'yang manliligaw mo at sobrang paganda ka nang paganda? At eto! May bago ka na namang delivery galing sa kanya!" Inabot niya sa akin ang bouquet of flowers.


Daffodil flowers?! At bakit naman ako padadalhan ng daffodil flowers ng Jayden ko? Sa pagkakaalam ko kase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Daffodil flowers?! At bakit naman ako padadalhan ng daffodil flowers ng Jayden ko? Sa pagkakaalam ko kase.. kapag may nililigawan ka, red roses ang dapat na ibigay sayo! Anong trip na naman ba nyang myLoves ko at hindi red rose ang ibinigay niya ngayon? E samantalang noong una siyang bumisita rito sa bahay eh bouquet of red roses ang ibinigay niya. Remember?

Mapuntahan nga siya ngayon sa bahay nila. "Teka lang Ma! Ako na ang pupunta sa bahay ni Jayden my loves. Sasagutin ko na siya. At nang matigil na ang kakapadala niya ng kung ano-ano rito. Ang liit na nga lang ng bahay natin, ni hindi na nga magkasya ang mga regalong ibinibigay niya."

Pinayagan naman ako ni Mama na umalis ng bahay. Kilala na kasi niya si Jayden dahil halos araw araw siya rito noon. Yun yung mga araw na kinukulit niya ako kung saan ko raw tinatago si Shanaya.

Alam ko namang may hint na si Mama na si Jayden talaga ang manliligaw ko, ayaw niya lang mag-assume. Ako lang talaga ang agad na nag-assume. Eh kasi naman kahit pagbali-baligtarin ko pa ang mundo, si Jayden lang naman ang kaisa-isang lalaki na malapit sa akin na pwedeng gumawa nito. Ni wala nga akong kaibigang lalaki sa school. Wala rin akong kaclose na lalaki dito sa neighborhood.


Si Jayden lang din naman ang may afford na regaluhan ako ng mga ito tulad nung mga nauna niyang iniregalo na pang-one year supply na grocery at iba't ibang home appliances! Pati na rin ang mga nalibre kong damit sa isang mamahaling boutique noon! Siya lang din naman ang kauna-unahang lalaki na bumisita sa akin dito at binigyan pa ako ng bouquet of red roses noon. Pangalawa na nga itong padala niyang daffodil flowers ngayon.


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon