Chapter 33: DNA Results

74 9 30
                                    

Shanaya POV

*continuation*

"Why are you wearing that? Don't tell me----"





"YES! I HAVE THIS BECAUSE IT'S ORIGINALLY MINE. I AM WEARING ERIN'S NECKLACE BECAUSE I AM ERIN, HIS LONG LOST FIANCE." Sabay turo nito kay Ren.






Did I hear it right? WHAT?




"Nooooo waaaaaay..." Di makapaniwalang sagot ni Jayden. Kahit ako di makapaniwala. Patay na si Erin!

"Liar! Imposibleng ikaw siya, Ellesia. Alam ng lahat na patay na ang fiancee ni Ren! Ang kapal talaga ng mukha mo, talagang gagawin mo lahat para magpapansin e no?" Gigil na gigil na talaga ako sa pagmumukha ng babaeng ito. Pati ba naman patay dinadamay na niya sa pagiging desperada niya. Walang maniniwala sa kanya.

Umarko ang kalahating ngiti mula sa kanyang labi. "Well, bakit hindi mismo si Ren ang tanungin niyo tungkol dyan?" Humawak pa siya sa braso nito. Ang landi talaga. Ito namang magaling kong boyfriend, ni hindi man lang bumitaw sa pagkakahawak sa kanya ni Ellesia.


Ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa rin siya makasagot. Nakakatanga na ah. O baka naman siya nga talaga si Erin. At siya ang dahilan kung bakit bigla siyang humingi ng space sa akin kahapon. Lito siguro siya kung sino ang pipiliin niya sa aming dalawa.


"So....totoo nga? Na buhay si Erin, at si Ellesia 'yon? Huh... now I know. Malinaw na sa akin ang lahat kung bakit siya ang kinakampihan mo ngayon at kung bakit ka biglang nanlamig sa akin. I can't take this anymore. Tara na, Jayden." Sobrang disappointed ako sa nangyayari. Nagwalk out na lang ako at sumunod si Jayden sa likuran ko. Ayoko munang makita ang pagmumukha nilang dalawa. Sobra na nila akong nasaktan ngayon. Ayoko na muna.

"Shan!" Narinig ko ang pangalan kong isinigaw ni Ren pero huli na ang lahat. Nakalayo na kami ni Jayden. Hindi na ako lumingon pa sa kanya. Ayaw ko nang marinig kung anoman ang explanation niya dahil harap-harapan na nilang pinamukha sa akin ang katotohanan.


Minabuti na lang ni Jayden na iuwi ako sa kanila. Simula kasi sa kotse niya hanggang sa pagkadating namin sa bahay nila ay umiiyak ako. Tama lang din na dito muna ako magstay ngayong gabi para maisoli ko agad kay Kyla ang pinahiram niyang gown sa akin.


Hinatid ako ni Jayden sa dati kong kwarto sa kanila. Pero bago niya ako iwan mag-isa ay bigla niya akong yinakap. Kaya naman mas lalo akong napahagulgol ng iyak. "Jayden bat ganon....bakit si Ellesia pa?"


"Hindi ko alam kung paano napunta sa kanya ang necklace ni Erin. Pero hindi yon sapat na ebidensya para tanggapin na siya nga si Erin. Tahan ka muna. Magiging ayos din ang lahat." Sabi niya habang hinihimas ang ulo ko. Kumawala siya sa yakap para lang din punasan ang luha ko.


Tinitigan niya ako sa mata at saka siya ngumiti. "Smile. I don't wanna see you cry."


"Bakit naman? Isa pa 'yan. So totoo din nga na you have feelings for me?"


"Alam kong nabigla kita kanina. Di ko pinlano na sa ganung paraan mo pa malaman. And yeah, I have feelings for you. Matagal na. And it's getting deeper and deeper to the point na hindi ko na kayang itago pa." Hinawakan niya ang kamay ko habang seryoso pa rin siyang nakatitig sa aking mga mata. I can't believe this is happening now.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon