Chapter 36: His Diary For Her

78 1 0
                                    

A U T H O R

Sa loob ng isang magarang sasakyan, naroon si Zaira at ang kanyang driver.

Mabilis ang takbo ng kotse ngunit may isang tulalang babae ang papatawid sa daan.

"Shanaya?" Nakilala ni Zaira ang babaeng iyon. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay huli na nang bumisina ang driver at ipreno ang kotse para iwasan si Shanaya.

Sa di inaasahang pagkakataon ay may isang lalaki ang mabilis na humila kay Shanaya.



"Nagpapakamatay ka ba?!" Hingal si Jayden dahil sa pagtakbo para lang maabutan si Shanaya. Sa sobrang pag-aalala nito ay yumakap siyang agad sa umiiyak na dalaga.


Tumagilid ang kotse. Muntikan na ring mabangga ang driver at si Zaira sa isang poste. "Ma'am! Sorry po! Hindi ko agad napansin yung tumatawid na babae! Ayos lang po ba kayo?"


"Wag nang maraming tanong. Ituloy mo na ang pagmamaneho kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho." Inis na wika ni Zaira habang nakadungaw sa bintana. Nakita nito kung paanong yumakap si Jayden kay Shanaya.


"Sayang ang pagkakataon. Sana palang natuluyan ka nang masagasaan kanina. Nakalampas ka na naman. Sisiguraduhin kong sa susunod ay wala nang makakapagligtas sa iyo kaya humanda ka."

Siya'y napangiti. Ngunit sa likod ng mga ngiting ito ay nagtatago ang labis na poot na kanyang nadarama.


______
S H I N

Ngayon na ang alis namin ni Yui pauwing Japan. Handa na ang lahat ng dadalhin namin. Tinawagan ko si Kerwin.

"Hello 'tol? Baka naman gusto niyo kaming ihatid sa airport noh?"

["Oo eto na, tinawagan ko na sila."]

"Teka tol, bakit ganyan yung boses mo? Umiiyak ka ba? Tangina tol? Diko alam na ganyan mo pala kami mamimiss!" Inasar ko nga.

["Asa ka tol. Nagbreak kasi kami ni Sheriz. Wag kang assuming."]

"Ano?!" Sa lahat ng couple na alam ko, sila lang ang alam kong imposibleng magbreak. Haynako, mukhang tama nga si Cylin. Walang forever.

["Oo nga tol. Wala na kami. Mahabang istorya. Kaya hindi ko siya inaya sumama mamaya sa paghatid sa inyo. Baka sina Cylin na ang magyaya."]

"So kasama si Cylin? Uy tol, bakit niyo naman siya inaya? Wala sa usapan yan. Sinabi ko naman sa inyo na ayaw kong malaman niya ang pag-alis ko."


["Pwede bang hindi niya malaman? Alam mo namang madaldal si Belle. Sinabihan na niya yun sigurado sa pag-alis mo. Saka di rin pwedeng hindi malaman ni Sphere yan. Pag alam ni Sphere, siguradong alam din ni Cylin."]


Tsk. Wala talaga akong malilihim sa mga ito. Ano pa bang choice ko?



>>sa airport<<

Nandito na ang lahat maliban kay Cylin. Ewan ko ba sa babaeng iyon kung bakit wala. Wala namang sinabi si Sphere kung bakit. Masaya na siguro siya dahil aalis na ako.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora