Chapter 10: Bestfriend Conflict

89 7 14
                                    

Walang katao-tao sa buong V.U. Nasa labas na lahat sila. Kitang-kita namin yung mga students na nasa labas na ng school. Nasa may 5th floor kasi kami ni Ren ngayon. Marami ding sasakyan ang nasa baba.

"Hingal na hingal na ako. Mag elevator na lang tayo pababa Ren!"

Huminto kami sa may harap ng elevator. Pinindut-pindot ko na pero hindi pa rin nagbubukas! "Pinatay nila yung system. No choice tayo kundi maghagdan."

Kahit hingal na hingal na ako, bumaba na rin ako ng hagdan.

"Come back here! Sa roof top tayo. Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw nito sa akin.

Oo nga pala, nasusunog na pala sa 1st floor!

Paakyat na kami ng roof top nang biglang matapilok pa ako. Napaupo ako sa sahig. "Aray.." Kahit ang sakit ng paa ko, tumayo pa rin ako. Iba talaga nagagawa ng adrenaline rush! Pero paika-ika naman ako maglakad.


"Sige Ren, mauna ka na. Susunod naman ako. Takbo!"

"Baliw ka ba?! Tssss. Clumsy mo talaga." Inis na inis siya sa sinabi ko. E ayoko kasing maging pabigat. Baka kasi hindi siya makaakyat agad nang dahil lang sa natapilok ako.

"Sorry naman n--" Bigla ba naman niya akong pinasan sa likod! "Ren, ibaba mo'ko. Kaya ko naman. Mahihirapan ka niyan eh."

Nang dahil sa akin, bumagal kami sa pag-akyat. Lalo pa't anumang oras, pwede nang kumalat ang apoy paakyat and worse baka magcollapse pa ang buong building. Wag naman sana, marami pa akong pangarap sa buhay ko.

"Ren, pasensya na. Kung di dahil sakin, hindi naman tayo mahihirapang lumayo. Dapat kasi bitiwan mo na ako eh. Mauna ka na. Kaya ko namang tumakbo mag-isa kahit natapil--"

"Are you insane?!" sigaw niya sakin habang pasan pa din ako't tumatakbo. Hindi ko tuloy natuloy yung sinasabi ko dahil ang init na naman ng ulo niya. "Tingin mo ba makakayanan ng konsensya kong iwan ang isang babae dito mag-isa? Habang ako, makakaligtas? Mag-isip ka nga. Tss."

Hindi ko tuloy alam kung matotouch ako sa sinabi niya o maiinis eh. Haay ewan ba. Basta ang importante, makaligtas kami pareho. Mukhang kami na lang ang tao sa buong campus. "Hindi ka ba nagtataka Ren, kung bakit wala tayong kaalam-alam sa nangyayari sa labas habang nasa music room tayo?" Bigla kong naitanong. Sana man lang kasi kung may emergency na ganito, dapat nainform ang lahat diba.

"Una sa lahat, sound proof ang music room. Sobrang lakas lang talaga ng pagsabog kaya narinig natin. Pangalawa, walang speaker doon para marinig ang kahit anumang announcement. At panghuli, parang alam ko na kung sino ang may pakana nito."

Wag niya sabihing hanggang dito ba naman sa school, gusto pa din siyang patayin nung mga taong humabol sa kanya dati?

Ako na tuloy ang nangangamba para sa buhay ni Ren.

Nakaakyat na kami sa roof top at nakaabang ang isang helicopter doon para irescue kami. Mabuti na lang talaga at dito kami tumuloy ni Ren at hindi sa first floor. Ilang minuto lang kami sumakay sa helicopter at ibinaba din kami sa grounds. Laking gulat ko din nang makita ko kung sino yung sugatan na lalaki na ipinapasok sa ambulance.

"Oh God, please let him live."

____________
(NICHEL POV)

Nandito ako ngayon sa isang boutique malapit sa V.U. Ang gaganda ng dress dito. Napakaelegante. Mga mayayaman lang ang nakakapasok dito. Buti nalang mukha akong mayaman. Haha. Ang sarap tuloy isukat ng mga damit. Gawain na namin ni Shanaya 'to dati pa, magpupunta-punta kami sa mga malls and dress shops tapos magsusukat lang kami ng mga damit para ifit sa fitting room at magpicture. Tapos isosoli namin nang palihim yung mga damit kapag tapos na.

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Where stories live. Discover now