Kabanata 2 - Ang Pagbabalik

10.1K 325 11
                                    

Kabanata 2 - Ang Pagbabalik

Amethyst's PoV

"AAAHHHHHHHH! TABI!!!!!" Sigaw ko dahil nahuhulog ako mula sa ulap.

Lahat ng nasa ibaba ay napatingin sa pagkahulog at pagkabagsak ko.

"A-aray!" Daing ko sa pagkabagsak.

"Maligayang Pagdating, Prinsesa!" Pagbati sa akin ng isang babaeng may silver na buhok.

"Prinsesa? Ako? Hindi mo nga ako kilala." Sagot ko naman.

"Buhay ka pa dahil sa healing magic ko, alam kong ikaw 'yan Amethyst. Ako si Luna, ang anak ni Zera." Paliwanag n'ya.

"Anak ni Zera? Anak ka ng Lola ko?!" Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.

"Oo, si Zera ang aking ina na tumayong taga-gabay mo hanggang sa takdang panahon na kailangan mo ng bumalik." Naka-ngiti pa rin s'ya.

"Luna, sino 'yan? Bakit prinsesa ang tawag mo sa kanya?" Tanong ng lalaking nasa gilid n'ya.

"Cyan, ano ka ba naman? Hindi mo kilala? Si Scarlett Amethyst? Ang nawawalang prinsesa ng buong Elementia? Ang tagapagmana ng Alione?" Paliwanag ni Luna na nagpasakit lang lalo ng ulo ko.

Naalala ko ang libro na ibinigay ni Lola, nakasaad roon na..

"Ikaw si Scarlett Amethyst, ang nawawalang prinsesa ng Alione. Ang anak ni Raymond at Crystallia, ang hari at reyna ng Alione. Ikaw ang isa sa nawawalang kambal na tagapagmana ng Alione, ang kaharian ng elemento..."

Sapat na muna ang aking nabasa para ma-gets sila.

"Ah! Oo naalala ko na!" Bigla s'yang lumuhod at yumuko. "Pasensya na po prinsesa, hindi ko inaasahan ang inyong pagbabalik. Ako po si Prinsipe Cyan, ang Prinsipe ng Aquasean Kingdom."

"Oo na, sige, tumayo ka na d'yan." Sabi ko na agad namang nagpatayo sa kanya.

"Scarlett ang itatawag namin saiyo, upang maitago ang iyong pagbabalik. Ako si Luna, ang dakilang tagapag-paggaling. Ang Prinsesa ng Bayang Gaher. Ang pinakamalapit na kaharian dito ay ang Aquasean.  Sa bukal na 'yon ang daan patungo roon." Mahabang paliwanag n'ya.

Pinapunta nila ako sa kwarto at ipinagpahinga, ngunit habang nagpapahinga, minabuti kong basahin ang nilalaman ng libro.

"Ang bayan ng Gaher ay isang sinaunang bayan, ang bayan nito ay ang pinagmulan ng isa sa tatlong tagapag-bantay ng Elementia na si Hera." Ayon sa libro na aking binabasa.

"Si Hera ay isang healer at seer, si Seraphina naman ay isang enchantress at necromancer, at ang huli ay si Valerina, isang warrior at illusionist." Ayon sa aking nabasa, sila na nga ang tatlong tagapag-bantay ng Elementia.

Nabasa ko na lahat ng aking kailangan malaman, hanggang sa may pagsabog akong narinig. Lumabas ako upang malaman ito.

"Mamamayan ng Gaher, isang sinaunang sibilisasyon,  nasaan ang nawawalang prinsesa?" Sigaw ng isang kawal na mukhang pinuno ng lahat.

"Wala dito ang tinutukoy mo't kaya't lumayas ka na!" Sigaw naman ni Luna.

Sa isang pitik ng daliri nito ay sumabog ang ilang kalapit na bahay.. Ang lakas ng kapangyarihan n'ya.

Hindi na ako nagdalawang isip na magpakita, "Ako ba 'yon?"

Mahal na Prinsesa, kinagagalak kong makita ka. Ako si Hellixo isang kawal mula sa kalaban ng Alione.

"Ano bang kailangan mo?" Sagot ko naman.

"Matapang ka, para sa isang walang kasanayan. Gusto lamang namin ipaalam na mula sa araw na ito. Hindi ka na ligtas sa mundong ito. Dahil nalaman na namin ang iyong pagdating." Pagbabanta sa akin ni Hellixo.

"Maari ka ng umalis kung 'yan lamang ang pakay mo." Sagot ko ng buong tapang.

Naglaho naman sila sa isang iglap. Ngunit lahat ng bahay na pinasabog ay hindi ko na maibabalik.

"Luna, kailangan ko'ng mag-sanay ng aking kapangyarihan, bago dumating ang matinding kapahamakan." Pag-utos ko kay Luna.

"Mahal na Prinsesa, ang Elementre School of Nature lamang po ang maaring puntahan ninyo. Kasulukuyan po kaming nag-aaral doon. Kasama namin ang ibang prinsipe at prinsesa ng iba't-ibang kaharian." Tugon sa akin ni Luna.

"Iminumungkahi ko pong magtungo po muna tayo sa Alione, mahal na prinsesa. Sigurado akong sabik na sa'yo ang iyong ama't ina." Mungkahi ni Cyan.

"Gusto ko man, ngunit hindi maari. Hindi pa ligtas. Pagkatapos kong matutunan ang aking kapangyarihan ay maari na siguro." Tugon ko.

"Nirerespeto ko ang iyong desisyon, mahal na prinsesa." Paggalang nito sa akin.

Walang anu-ano'y nagligpit na ako, bukas na bukas ay pupunta na kaming Elementre.

Kailangan maging seryoso, hindi ako malandi. Pero baka may gwapo dun bukas. Hehe.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now