Kabanata 35 - Pinakahihintay na Pagtutuos

1.8K 38 0
                                    

Third Person's PoV

"Apat laban sa dalawa? Hindi naman ata patas 'yon. Kaya halika at samahan n'yo ako." Nakangising pahayag ni Phytos nang lumabas si Kagura maging si Zyre.

"Kagura, the Sword Mistress. Zyre, the Melody." Binulong ni Aliyah.

"I'll take those two, kayong tatlo, kalabanin n'yo si Todoki." Utos ni Aliyah kina Scarlett, Ace at Xion.

"Ace, you know that you don't stand a chance. Kung ikaw nga wala, paano pa kaya sila?" Pang-iinis ni Todoki sa tatlo.

"Invisible Frozen Blades!" pag-atake ni Ace sa kanyang tiyuhin.

Ngunit makalipas ang ilang minuto'y wala pa ring dumarating atake sa tito ni Ace.

"Alam mo naman na walang magiging epekto 'yan. Hawak ko ang oras." Mariing sinabi ni Todoki.

"I'll tell you a secret. May iba pa kayong kakalabanin, pagkatapos namin at bago si Photaw."

Ace's PoV

Nasa matinding situation kami ngayon, ano ba ang panlaban sa oras? Isip. Kailangan ko mag-isip.

"Kanina pa tayo umaatake, mauubos lang ang lakas natin sa kanya." Sabi sa akin ng kambal ko.

"Light Magic." Bulong ko sa sarili.

Ngunit ang Light and Dark magic ay hindi sakop ng kapangyarihan ni Xion. White and Black Magic lang ang nagagamit n'ya.

"Alam mo ba kung kailan magiging Light magic ang White magic?" Tanong ko kay Xion.

"Kailangan ng Divine Magic, Holy Magic. Ngayo'y wala ng nakagagawa noon. Maliban sa mga ninuno ng kambal na kaharian." Sagot sa akin ni Xion.

Kung ang Light ay kailangan ng Holy Magic or Divine Magic, ang Black naman ay kailangan ng Evil form of magic.

"Kailangan mo ng Holy Magic? Hindi ko alam kung makatutulong ito pero..." Binuksan ni Scarlett ang kanyang palad.

"The 7th Queen, Sacred Magic."

Ngunit kailangan pa ng White Force para maging ang Light ito.

"The 10th Queen: Scale Magic." Sabi ni Scarlet bago nawalan ng malay.

Hindi kinakaya ng katawan ang dalawang magkaibang mahika kaya nahimatay ang kambal ko.

"Light Magic: Chains of Light!"

Nasugatan namin si tito for once. Magkapantay lang halos ang bilis nila.

"Kailangan ko rin lumaban." Bigkas ko, habang tila naghahabulan si Xion at tito.

"Oo, kailangan mo talagang lumaban. Mahirap i-sustain ang mahikang 'to!" Sigaw sa akin ni Xion.

Kaya n'yang tunawin ang yelo, kaya n'yang pawalain ang mahika ko sa paanong paraan? Ginagalaw n'ya ba ang oras pabalik o paabante?
Hindi n'ya kayang pahintuin ang oras. Kung magagawa ko lang na pahintuin 'yon.

"Subukan mong ihinto ang lahat sa pamamagitan ng lamig o yelo.." Matinong sinabi ni Scarlett kahit hinang-hina s'ya.

"Susubukan ko." Matapang kong sinabi.

Aliyah's PoV

"Ang taga-pangalaga ng Alione na hindi napabilang sa taga-pangalaga ng Elementia." Pagsisimula ni Zyre.

Isa si Zyre sa pinakamatabil ang dila kaya 'di na ako magtataka. Pero si Kagura, tahimik lang. Halos kasing-lakas ko na si Kagura.

"Falling Sakura." Sabi ni Kagura.

Hindi ko napansin na umatake na s'ya, nakita ko ang sugat sa aking braso.

"What's your true power Aliyah?" Tanong ni Kagura.

Aliyah never used her magic. She doesn't participates in war because his magic is something ugly and unsightly in her perspective.

"Enchantment Disabled!"

"Power of Destruction!" Sigaw ko and I am feeling the overflowing magic and an unfamilliar form of magic living inside me.

"I am Aliyah, the Darkness."

Biglang dumilim sa paligid.

"Light Sword!"

"Nasaan tayo?" Tanong ni Zyre.

"Sa lugar kung saan kayo ang dehado." Sinagot ko sa kanila.

My power is basically darkness. Darkness, if you cut darkness using the Light, well it can help clear the Darkness. Once the darkness is gone, I'm finished.

"Breathing Melody." Kalmadong sinabi ni Zyre upang malaman kung nasaan ako. Sinusundan ng kanyang mahika ang paghinga ko.

Ngunit hindi pa sa ngayon.

"Aray! Ang ingay!"

"Summoning Bats! Bat Noise!"

Sinimulan naman iwasiwas ni Kagura ang light sword ngunit hindi ito tumatalab?

FLASHBACK

"Aliyah.." Bigkas ng isang lalaking unti-unti nang naglalaho.

"Dito ka lang muna, manatili ka. Tahan na, kahit masaktan ako, ayos lang. Samuel naman!" Pag-kontra ni Aliyah sa nalalapit na paglalaho ni Samuel.

Si Samuel ang kanyang kabaligtaran. Ang liwanag, the Light. Hindi maaring magsama ang liwanag at dilim. Kaya't nagpasiya si Samuel na maglaho na lamang.

"Nasa saiyo ako palagi, Aliyah. Paalam aking sinta..." Huling sinabi ni Samuel bago s'ya naglaho sa hangin.

Lingid sa kaalaman ni Aliyah na ginagabayan s'ya ng liwanag na kapangyarihan ni Samuel kaya't hindi s'ya naapektuhan ng Light Sword.

End of Flashback

"Dahil ayaw ko nang manggulo pa kayo, may you sleep well in Darkness." Huling sinabi ni Aliyah, bago lamunin ng dilim ang dalawa.

Ace's PoV

"Eternal Freezing: Time Freeze!"

Nagawa ko, nahinto ko ang oras.

Wala na akong sapat na mahika kaya kailangan kong gawin 'to.

"Freezing Sword of Blood." At lumabas ang isang espadang gawa sa nagyeyelong dugo.

At sinaksak ko ang puso ni tito.

At nawalan na ako ng malay.

Author's Note
Ayown! Patapos na tayo, dalawa or isang chap na lang bago mag-prologue. Labyuol.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now