Kabanata 3 - Paaralan ng Kalikasan

8.6K 271 4
                                    

Kabanata 3: Paaralan ng Kalikasan

Scarlett's PoV

Nasa harapan na kami ng Elementre na nasa loob pala ng isang gubat.

"Bilang isang bagong salta, ikaw ba'y karapat-dapat na pumasok rito? Upang patunayan ang iyong sarili, kailangan mo'ng pumatay ng mga halimaw sa Devil's Forest na s'yang inaapakan mo ngayon."

"Magsisimula ang oras, kapag kinuha mo na ang sandatang gagamitin mo."

Mula sa pagpipilian kinuha ko ang isang sword, hindi ko alam kung espada ba ito dahil malapad ito at medyo kalakihan. Hindi katulad ng napapanood ko.

Nakita ko mula sa malayo sina Cyan at Luna na pinagbabawalan akong tulungan.

"Wag ka'ng mag-aalala. Ang matatamo mong galos, sugat at iba pang pinsala sa katawan ay mawawala matapos ang 30 minuto na iyong pagpatay. Nakabase sa dami ng iyong mapapatay ang iyong rank dito sa paaralan. Ngunit kung ikaw ay mamatay, wala na kaming magagawa."

Bigla akong kinilabutan sa mga sinabi nung boses. Ayoko pa mamatay mga mamsh.

Naglakad lakad ako, nang may lumabas na isang dambuhalang bubuyog.

"Hoy!" Sigaw ko dito. Lumingon ito at biglang naging tao.

"Bakit ka nandito? Kalaban ka no?" Sigaw nito pabalik.

"Tatanong ko lang naman sa'yo jollibee kung may chickenjoy kayo dito, nagugutom na kasi ako." Asar ko sakanya.

"Wala e. Pasensya ka na." Sagot nitong muli at naglakad paalis.

"Hoy, paano ba ako magkakapuntos dito?" Sigaw kong muli.

Itinutok n'ya ang kanyang kamay sa taas at biglang nasira ang scorer. "Mataas na siguro ang pwesto mo n'yan." Tugon n'ya.

"Ano 'yon? Dinuga mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Amethyst, ako ang Dyosa ng mga Kagubatan sa buong Elementia. Ako si Esmeralda, ngayon ibinibigay ko sa'yo ang basbas na mula sa akin." Sabi n'ya.

"Paano mo ako kilala?" Tanong kong muli.

"Alam ko ang iyong pagbabalik, prinsesa. Tama na ang mga tanong. Sa paaralang iyan ay dapat mong makita ang isang nilalang na hindi natin kauri. Hindi ko alam ang pakay n'ya ngunit makakatulong ito bilang parte ng iyong pagsasanay." Huling sinabi n'ya bago s'ya naglaho, at bago ako mapadpad sa isang hindi pamilyar na lugar.

"Maligayang pagdating, Amethyst!" Bati ng isang istudyante sa akin, lalaki s'ya. Nakangiti s'ya pero hindi naman s'ya masaya.

"Amethyst, dumating ka na pala. Ako si Lorde, at sasamahan kita sa iyong training site na tayong dalawa lang. Kinakailangan ka ng mundong ito sa lalong madaling panahon." Pagbati n'ya sa akin.

Napadpad kami sa isang gubat na naman, pero hindi mapuno. Hiwa-hiwalay ang mga puno ngunit sobrang matataas.

"Narito ka sa ligtas na lugar ng Esmerald, ang Gigantre." Sabi ni Lorde. "Ako nga pala si Lorde, ang apprentice ni Ali, ang Diyosa ng mga Unang Elemento." Pagpapakilala n'ya.

"Balita ko alam mo na ang iyong unang kapangyarihan? Ang apoy?" Tanong ni Lorde.

"Oo, apoy. Pero hindi ko pa alam kung paano ito kokontrolin." Sabi ko naman.

"Sigurado ka ba?" Pagkasabi n'ya noon ay biglang umulan ng mga tubig na patusok mula sa itaas kaya napayuko ako.

Naghintay ako ngunit walang tumatama sa akin. "Wala naman tayong kailangang sanayin. Ngunit kailangan magising ng kapangyarihang sumasaiyo." Sabi n'yang muli.

"Ang kapangyarihan ay nakabase sa iyo. Sa kilos, sa nais mo, at sa kung ano ang nasa puso mo, ikaw lang ang tanging maka-kokontrol dito. Payo n'ya sa akin.

"Kaya pala nung yumuko ako, iningatan din ako ng aking kapangyarihan." Namamangha kong tugon.

Habang nag-uusap kami ay lahat ng puno sa paligid ay tila nagkaroon ng buhay at inatake kami.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now