Kabanata 37 - Huling Pagtutuos

3.6K 57 16
                                    

Aliyah's PoV

"Your simple magic can't beat us, at alam mo 'yan Aliyah! Kung pipilitin mo, susunod ka lang sa taong nagbigay sa'yo ng liwanag." Pagbabanta sa akin ni Phytos.

"Wala kang laban sa amin Aliyah, aalisin kita na sa mundong ito!" Sigaw ni Photaw at pinagsama ang kanyang mga natitirang kapangyarihan para atakihin ako.

"Death Beam!" Sigaw ni Photaw at lumabas mula sa kanyang palad ang isang maitim, matingkad na itim, sohrang itim na kahit ikumpara ko sa akin ay kitang-kita pa rin ito.

"Dark Beam!" Pag-atake ko upang salubungin ang mahika n'ya ngunit napakalayo ng agwat ng aming mga mahika.

Nagtataka pa rin ako kung bakit may mga munting bilog ng liwanag ang aking kapangyarihan. Hanggang sa sinipa ako ni Phytos kaya natigil ang aking kapangyarihan.

Ngunit prinotektahan ako ng liwanag.

"Humihingi ako ng saklolo mahal na mga tagapag-bantay!"

At nagliwanag ang kalangitan ng kulay rosas, at isang diwata bilang simbolo ni Hera. Si Hera ay isang seer at healer, 'yon lang ang nalalaman naming mga nasa Elementia.

'Di rin nagtagal ay lumabas na ang kulay lila at ang bulaklak bilang simbolo ni Seraphina. Si Seraphina ay isang enchantress at necromancer ayon sa mga libro.

At panghuli, ang pinaghalong kulay rosas at lila, ang kulay ni Valerina kasama ang bituin bilang kanyang simbolo. Si Valerina ay isang matapang na madirigma at may kakayanang manlinlang ayon sa mga kwento.

Bumaba si Valerina at pinaranas sa akin ang kanyang mahika. "Tuklasin mo muna ang tanong sa isip mo, Aliyah."

At napunta ako sa ibang mundo, "Ang mundo ng nakaraan ko."

Luna's PoV

"Ang liwanag ni Hera!" Sigaw ko kaya't nagulat sila.

Kitang-kita ko ang alinlangan sa mukha ni Scarlett at Ace na iwanan ang mga nadurog na dyamante at kristal. Maging si Xion ay nanghihina pa rin hanggang ngayon.

"Ngunit kailangan n'yong magamot!" Sigaw ko'ng muli.

"Huminahon ka, Luna." Sinabi ng isang boses kaya napalingon ako.

"Mahal na tagapag-bantay!" Sigaw ko sa tuwa at sa pag-asang dumating.

"Pakinggan ang aking sasambitin, paghilumin ang mga sugatang katawan, at mga karamdaman. Palakasin ang pinanghihinaan, at mga nasasaktang damdamin."

Nagliwanag ako at lumabas na rin ang aming mga kaibigan sa aking mahika.

"Xion, ikaw ang may kakayahan at pinapagpala upang maibalik sa buhay si Todoki." Pagtawag ni Hera kay Xion.

"Tama na ang pagtangis, kambal ng Alione. Ang inyong ama't ina'y nasa mga singsing na hawak ninyo. Maibabalik sila ni Xion kung matatalo natin si Phytos at Photaw." Sabi ni Hera bago maglaho.

Agad-agad kaming nagtungo doon dahil bumalik na sa amin ang aming lakas. At agad rin naman namin silang natunton.

"Forbidden Art of Curse!" Ang mga halaman ay namatay maging ang mga hayop.

Nasira ang mga gusali, gumuguho sila. Ngunit protektado kami ng mahika ni Seraphina.

"Pinalakas ko ang inyong mahika kaya't malalaban n'yo s'ya kung gagamitin n'yo ang inyong kaalaman." Seryosong sinabi ni Seraphina.

"Elemental Magic: Life Magic!"

Bumuo sila ng bilog na nasa gitna ang dalawang kambal at pinaliligiran sila ng mga Elementalist.

Nagliwanag ang bilog kaya't hindi namin sila nakita.

Ngunit isa lang ang sigurado ako, nabubuhay at naayos na muli ang Elementia na tila nilalabanan ang ginawang spell ni Phytos.

Photaw's PoV

"Hindi n'yo ako matatalo dahil mas malakas ako sainyo kaya 'di n'yo ako sinali sa mga tagapangalaga." Naiinis na sinabi ko sa kanila.

"Death Beam!"

"Hindi ka pa ba nananawa?" Tanong ni Seraphina.

"Ikaw ang may hindi kayang magmahal!" Sigaw ni Valerina.

"Kaya't lilinisin ka namin, Demetria." Pagdurugtong ni Hera.

"Hindi ako si Demetria! Ako si Photaw!" Pagtanggi ko sa kanya.

Si Demetria ang may kakayanan patungkol sa tao. S'ya ay may kapangyarihan na patungkol sa isip. Ngunit inayawan n'ya ito at itinapon hanggang sa makahanap s'ya ng paraan para sa kanyang bagong kapangyarihan.

"Healing Beam!"

"Enchanting Beam!"

Tumingin silang dalawa kay Valerina na tila may hinihintay.

"Slash of Truth!"

At doon na nga nawalan ng malay si Photaw.

Third Person's PoV

Si Demetria ay nagbalik na bilang ang nawawalang tagapangalaga ng Elementia.

Si Phytos ay nawalan ng mahika matapos ang laban at hindi na kailanman natagpuan.

Naging isang maayos na mundo ng muli ang Elementia.

Author's Note
Finally! Epilogue na lang guys! Omg, sa wakas natapos ko rin! Thank you guys! I love you all!

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon