Kabanata 27 - Riestuire

1.9K 40 4
                                    

Tangyi's PoV

Narating rin namin ang bahay kaya naman kumatok kami nang isang babae ang bumungad.

"Luna!" Sigaw ni Scarlett sa aking likod.

"Nand'yan ba si Simon?" Tanong ko na nagpatigil sa kanilang pag-kukumustahan.

"Opo. Tuloy po." Pagpapatuloy nung babae sa amin. May isa pang lalaking pula ang buhok.

"I assumed you're a prince? Am I right?" Tanong ko sa may pulang buhok.

"Opo." Simpleng tugon nito.

"Tangyi?" Pagtawag sa akin ng pamilyar na boses at at hinanap ko kung saan ito galing.

Natanaw ko naman si Simon. "Simon? Ba't bumata ka?"

"Hindi ko rin alam, ngunit kasama mo ba ang sinasabi ng dalawang ito na may kakayahan magsabi ng spell?" Tanong nito na ipinagtaka ko.

"Opo, Ace!" Tawag ni Luna dito.

"You can cast a spell 'di ba? Doon sa memory?" Tanong ni Scarlett sa kakambal n'ya.

"Oo, bakit?" Simpleng sagot at tanong ni Ace.

"Gamitin mo ito kay Simon." Utos ko dito.

"Ang spell na gagawin n'ya ay delikado, lumayo muna tayo o mas mabuting lumabas." Pagsabat ni Yujun.

Lumabas naman kami at naiwan lang sina Ace at Simon sa loob.

Simon's PoV

"Casting Spell: Magic Circle Spell!" Sabi nung Ace.

"This is a protective magic circle which protects that caster and you. Hindi ko alam kung magiging tama ba ang pagsabi ko ng spell. Pasensya ka na po." Sabi nito sa akin.

"SpellCast: Memory Blockage Cancel: RIESTUIRE!"

Umilaw ang buong paligid ng magic circle at napakasakit ng ulo ko dahil dito.

Hanggang sa nahimatay na lang ako.

Tangyi's PoV

Pumasok kami nang lumabas si Ace para sabihing okay na. Pagpasok naman namin ay nakita naming nakahandusay si Simon sa sahig.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Sigaw ko dito. "Kalaban ka pa rin ba?" Sigaw ko ulit.

"Ewan, bigla na lang s'yang nahimatay. Ni-hindi ko nga alam kung okay ba o hindi." Sabi nito.

Naroon pa rin ang magic circle sa sahig at unti-unti palang itong nawawala. Hindi ko alam ang ibig sabihin non pero hindi pa rin ako pwede agad maniwala. Baka nililinlang lang kami ni Ace.

Hanggang sa bumangon na si Simon, I feel the Etherno-Particles from the book parang bigla na lang nag-react ang mga ito kay Simon.

"Salamat Ace!" Pasasalamat ni Simon.

"SpellCast: Portal: Trevuim Manavo!"

That is a spell that opens a portal for us to gather.

And now, here they come. Isa-isa na silang nandito ngayon. At nagsisiksikan.

Pinaliit ko silang lahat para magka-space. "Lumabas tayo nang makahinga tayo lahat." Sabi ko naman.

Pagkalabas ay ibinalik ko na rin sila sa dating anyo.

Scarlett's PoV

"Scarlett!" Sigaw sa akin ng pamilyar na boses hanggang makita ko si Ethan.

"Oy! Kumusta na!" Pagbati ko dito.

"Sakit ng t'yan ko." Bigla nitong sabi kaya nagbiro ako. "Baka natatae ka lang, i-tae mo na 'yan." Sabi ko at tumawa.

"Hindi, tignan mo." Sabi n'ya at itinaas ang damit.

Hello mga mamshies. Nakikita n'yo ba ang pandesal? Nagugutom na ba kayo? Hehe, akin lang po ito. Papalamanan natin ng hotdog at itlog tas gatas. Hmm.. Almusal ata 'tong si Ethan e.

"Hoy, wala naman ha." Sabi ko at hinawakan ang abs. Omeged, ang tigas, ang sherep mga mamshies.

"Ah wala ba?" Akmang ibaba na nito ang damit nang pinalo ko ito.

"Aray!" Sabi nito. "Sorry, 'di sadya. Akin na kiss natin para gumaling." Sabi ko naman.

Shet, ba't ko sinabi 'yon? Baka sabihin n'ya hindi ako dalagang pilipina? Kailangan ba magpakipot muna ako konti? Kaso jusq, nandito na yung blessing oh? Tatanggihan ko pa ba? Kaso baka magmukhang napaka-rupok ko shocks, baka magmukha akong desperada.

"Ayos lang, gusto mo ba?" Tanong nito tas kumindat. HUHUHUHU, pwede na ako mamatay. Mas mahirap kalaban ata ito kesa sa phytos na 'yon e.

"Pwede ba kung maglalandi---" Saway ni ace kaso naputol kasi napatid sa bato nung naglakad. HAHAHA, sinong bobo ngayon? Karma strikes back duh.

"A-ah, o-okay ka lang b-ba?" Nauutal na sabi nung sumalo sa kanyang lalaki.

Wow, infairness ha. Utal utal, wattpad ka ghorl? Tumayo naman agad ang kambal ko. "A-ah, oo. Hehe" Nahihiyang sabi nito. "S-salamat." Sabi nito.

Tas nginitian n'ya lang s'ya nung lalaki! Wahhh~ keleg ako shocks. Omg, sanaol. Ay may Ethan pala ako, yung nagbabasa pala wala.

Author's Note
Finally, nagkita-kita rin. Ayan dalawang update tas medyo madami itong isang 'to kaso apakalandi ni Scarlett. Guess who kung sino yung kapartner ni Ace?

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now