Kabanata 16 - Pagsibol ng Digmaan

3.4K 99 2
                                    

"Ako si Altain. Ang the Great Predictor. I can manipulate memories and travel the time. Pero nang dumating si Todoki, ang tito mo Diamond, hindi na ako malaya sa paglalakbay sa oras." Malungkot na pahayag ni Altain.

"Ikaw po 'yung rank 2 noon?" Tanong ni Amethyst.

"Oo, sa sobrang inggit ni Todoki ay ginawa n'ya ang lahat para malamangan ako." Paliwanag ni Altain.

"Ngunit, masaya ako na naaalala n'yo na ang lahat. May papalapit na digmaang magaganap. Kailangan n'yong maghanda. Lalo ka na Diamond, dahil makakalaban mo ang Phytomics." Paalala ni Altain sa kanya.

"Humayo na kayo, sa mga oras na ito ay kumikilos na ang mga tauhan ni Phytos. Magtungo kayo sa Elementre, at sabihin kay Prinicipal Jin ang mga pangyayari." Utos ni Altain at muli na namang naglaho.

Diamond's PoV

"Siguro naman ay mas nakakatuwa kung magpapaunahan tayo doon?" Paghahamon ko sa aking kapatid.

"Ikaw kasi ay may bilis na tulad sa isang kidlat, ako nama'y may bilis na tulad ng umaagos na tubig. 'Di ako hunghang!" Pagsusungit nito sa akin.

"Ito naman masyadong masungit!" Kaya inakbayan ko s'ya at nilapit sa akin.

"Wow, feeling close ka?" Mataray n'yang tanong.

"O, ayan na!" Tinanggal ko na ang pagkaka-akbay. "Attitude, magkapatid naman tayo ah?" Pagmamaktol ko.

Patuloy ang paglalakad namin nang matanaw na namin ang paaralan sa malapit.

Pagpasok namin ay sumalubong sa akin ang buong hukbo ng Elementre. Lahat ng Elementalist with their Signature Weapons. Rank 10 Wizards.

Scarlett's PoV

"Hindi s'ya kalaban! S'ya ang kambal ko. 'Wag n'yo kami atakihin." Sigaw ko sa kanila.

"Itigil n'yo 'yan." Sigaw ni Principal Jin. "Scarlett, Ace, sumunod kayo sa akin." Seryosong utos nito sa amin.

Sumunod naman kami agad sa utos ng principal, at narating namin ang isang kwarto.

"Kailangan n'yong umalis sa mundong ito. Ginagawa lahat ni Altain ang makakaya n'ya upang panandaliang mawala ang kontrol ni Todoki sa oras." Pagpapasya nito.

"Ang kapangyarihan n'yo ay may taglay ring kahinaan. Kailangan n'yong hanapin ang Rank 1, 5, 6, 7, at 8 sa mundo ng mga tao. Bibigyan nila kayo ng karagdagang lakas at kapangyarihan. Tuturuan nila kayo ng iba't ibang teknik upang maging mas malakas kayo sa mga Curse Users." Paliwanag nito sa aming magiging misyon.

"Nasaan naman po ang Rank 3, 4, 9, at 10 ng mga Wizard Saints?" Tanong ni Ace sa nakatatanda.

"Si Hellixo ang Rank 4. Duplication Magic ang kapangyarihan n'ya. Si Victoria ang Rank 9, Bomb Magic. Si Psyché naman ang Rank 10, Reflection Magic. Ako ang Rank 3, Voice Magic." Sagot n'ya sa tanong ng aking kambal na aking kinagulat.

"Ito ang Alione's Book of Magic. Nag-lalaman ito ng lahat ng dapat ninyong malaman tungkol sa mahika. Kailangan na nating magmadali." Sabi nito at iniabot sa amin ang libro.

Biglang bumukas ang pinto kaya naman napunta ang atensyon namin sa mga pumasok.

"Kasama kami."

"Kasama sila?!"


The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now