Kabanata 6 - Sikreto

5.4K 160 13
                                    

Prince Cyan's PoV

"Water Body!" Sinigaw ko kaya naman nagulat sila. "Kaya ko nang makalabas!" Dagdag ko pa.

"Ikaw Cyan, naririndi na ako sa'yo e. Baka atakihin ako sa puso nito e." Sabi ni Lorde sa akin.

Hindi naman ako umimik at lumabas na sa kulungan. Matagumpay ko namang nagawa 'yon. Ngunit tila mas kumapal ang mga tubo ng kulungan.

"Dahil siguro sa tubig kaya tumibay, kung pwede ko lang sirain ang mga 'yan gamit ang apoy. Ngunit baka masunog ko ang buong palasyong 'to." Pagbibiro ni Amethyst.

Habang nag-iisip kami kung paano makakatakas doon may narinig kaming pagsabog. "Ano 'yon?" Tanong ni Ethan.

"Teka, pupuntahan ko." sabi ko kaya agad naman akong nagtungo kung saan ito nagmula. Hanggang sa nakita ko ang nakalaban namin ni Luna kanina na kinakalaban ang mga sundalo ng ibang kaharian? Itim, Phytomics!

"Star Judgement!" Sigaw n'ya at nagmula sa araw ang laser at sinunog ang mga kalaban ngunit madami pa rin ang mga kalaban. At napansin kong nanghihina  na s'ya matapos gamitin ito.

"Acid Rain!" Sigaw ko sa taas kaya naman umulan sa malayong bahagi na may mga kalaban.

Bumaba ako para tulungan sila. Delikado ang mga sitwasyon.

Luna's PoV

"Focus, Amethsyt!" Suporta ko kay Amethyst na kinokontrol ang apoy.

Hanggang lumabas ang katamtamang laki ng apoy sa kanyang palad at itinapat namin ito sa mga tubong nakaharang.

"Ayan, malapit na. Konti na lang, makakalabas na tayo." Sabi ni Amethyst.

Hanggang sa nakalabas na kaming lahat sa maliit na butas kahit papano. At agad na nagtungo sa pinagmulan ng pagsabog. Nagulat kami sa aming nakita.

Third Person's PoV

"Ano? Talo na kayo? Ako nga pala si Psyché, mula sa Phytomics Kingdom. Ito na ba ang kinatatakutan namin? Ang hihina." Sabi ni Psyché na may Mirror Magic.

"Marahil tinatanong ninyo kung ano ba ang pinagkaiba ng magic n'yo sa curse. Aba malay ko, binigay lang sa amin ito ni Lord Phyto." Sabi ni Victoria na may Explosion Magic.

Sa madaling salita, ang Curse Magic ay wala sa Magic World, nakukuha lamang sila sa pamamagitan ng Dark Magic User. Ang Dark Magic User ang gumagawa ng mga Curse Magic.  Ito ay limitless, hindi nadraidrain ang magic user sa pag-gamit nito. Ang Heavenly Body Magic ay isang Advance Magic. Ang Explosion Magic ay isang Curse Magic. Masasabi mong Curse ito kung wala ito sa Book of Magic Abilities.

"Ano? Hindi n'yo na talaga kaya?" Pang-aasar ni Victoria.

"Ako na lang ang kalabanin n'yo." Hamon ng isang nilalang na may mahabang buntot, at sungay.

"Matapang ka. Advanced Magic lang rin ang hawak mo. "

"Sigurado ka?" Tanong n'ya at naging tao ito bigla, si Lorde. "Advanced Curse Magic ito. Satan and God Soul." Matapang na pagkakasabi ni Lorde.

Si Curos at Yukino ang Diyos ng Curse at Advanced Magic. Nagkaroon sila ng Anak na si Xion Lorde, ngunit dahil ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon at anak namatay sila. Ngunit bago pa man 'yon nangyari, gumawa si Curos ng isang kaharian at ang magiging hari ay magtataglay ng kanyang kapangyarihan.

"Pauso! Si Lord Phytos lamang ang pinakamakapangyarihan!" Pagkasabi ni Victoria noon ay pinaulanan n'ya ng pagsabog si Lorde.

"Iyon na ba ang kapangyarihan mo?" Tanong ni Lorde dito at inatake naman s'ya ng mga salamin ni Psyché, ngunit kinain n'ya lamang 'yon.

"Ako naman para patas. Curse Extinction." Pagkasabi n'ya ay tila nabaliw si Psyché at Victoria, hanggang sa nawalan sila ng malay. Kaya agad na bumalik sa dating anyo si Lorde.

Magic Terms Explained:

Acid Rain - Acid Cloud that produces acid which burns everything it touches.

Series Explosion - Series of Explosion that can tear your body apart.

Shattered Mirror - Group of Shattered Mirror that primarily targets your vital organs.

Curse Extinction - Curse removal spell, it can result to death if the caster doesn't have enough energy to do so. It removes all the Etherno particles from someones body that will result for him/her not to be able to used magic ever again.


The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now