Kabanata 11 - Hellixo Division

4K 112 17
                                    

Nang dumating sa katapusan ang labanan, sakto ang pagsigaw ng may paparating na kalaban.

"Lahat ng estudyante, maliban sa Ten Advanced Wizards (RANK 10), Royal Elementalist, Elementre Student Council, at lahat ng School Staffs, magpunta sa evacuation area!" Sigaw ng announcer.

Nagkakagulo ang lahat at magaan na ang pakiramdam ko paglabas ng Battle Arena. Magic din 'yon na kapag umalis ka doon. Parang wala lang nangyari sa'yo.

Nakita ko ang isang pamilyar mula sa malayo. Pilit na inaalala ang mukhang 'yon. "Hellixo.." bulong ko sa aking sarili. Ngunit s'ya lang mag-isa.

"Oo, tama ka. S'ya ang nagpasabog sa mga bahay sa bayan namin." sabi ni Luna na narinig pala ang bulong ko.

"Hindi s'ya ang sumira nito. Si Victoria, ang nakalaban namin sa Esmerald ang nagpasabog noon. Kasama s'ya sa Hellixo Division. Sa lahat ng leader, si Hellixo lang ang hindi tumanggap ng Curse kaya naman si Victoria na lang ang tumanggap nito." paliwanag ni Cyan sa amin.

"Kung ganon, ano ang magic ni Hellixo?" seryoso kong tanong.

"Wala akong alam. Pero si Hellixo ay dating estudyante ng paaralang ito. Ayon sa records, Rank 4 s'ya noon." saysay ni Cyan. "Punit ang listahan na ito, pero sigurado akong nakatago lang ito." dagdag pa n'ya.

Rank 1 - Mistress of Sword ( Kagura )
Rank 2 - The Great Predictor
Rank 3 - Super Voice
Rank 4 - Life Replicator ( Hellixo )

"Ang batch nila, ang huli sa mga nagtataglay ng Ancient Magic. Ang ilan sa kanila ay hindi na natagpuan. Si Principal Jin ay kasama rin sa batch na ito. Ang iba naman ay nakalaban natin, katulad nina Victoria at Psyché." pahayag muli ni Cyan.

"Pumunta na kayo doon! Kailangan ng Rank 10." utos ko sa kanila. "Ikaw?" tanong ni Luna.

"Okay lang ako, may aasikasuhin lang ako." paalam ko sa kanila.

Pumunta na ang lahat doon. Nalaman ko na rin ang magic na gamit n'ya. Kaya n'yang gumawa ng eksaktong kopya ng mga sarili namin. Ugali, kakayanan, lahat. Ngunit kung ano ang pagkakaalam n'ya sa amin ay 'yon lang ang magagawa n'ya.

Kaya pala, biglang nawala lahat ng files namin dito.

Hinahanap n'ya pa rin kung nasaan ako, magagawa n'ya lamang ang magic n'ya kapag natignan n'ya ako sa mata. Nagtago muna ako upang maghanda.

Cyan's PoV

"Paano ko naman matatalo ang sarili ko?" bulong ko sa sarili habang iniiwasan ang mga atake ng clone ko.

"May naisip ako Cyan!" sigaw ni Luna na sapat na para marinig ko. "Ano! Pasuspense ka pa e!" asar ko naman dito.

"Bwiset! Nakuha mo pang magbiro ah! Pero kunwari katulad mo, tubig. Pwede tayo kumuha ng kahinaan ng kapangyarihan mo para sila ang kumalaban? Hindi ba?" Sigaw n'ya rin habang nakikipaglaban sa kapwa n'ya Luna.

"Naol matalino!" asar ko ulit pero sinunod ko na ang plano n'ya. "AQUA JET!" at nagtungo sa ibang elementalist.

"Asan kaya si Amethyst?" Narinig kong tanong ni Luna bago ako umalis.

Amethyst's PoV

"Masyado ka'ng marunong prinsesa! Pero kulang pa, ituturo ko pa sa'yo ang isang leksyon." Galit na pahayag sa akin ni Hellixo.

Nandito ako ngayon sa taas ng paaralan, ayos na ang lawak para makagalaw ako ng ayon. Nalaman ko rin kasing mahina ang pisikal na katawan ni Hellixo kaya dito ko s'ya dinala.

"Ano ba'ng kinagagalit mo? Nanahimik naman ako, kami ng mga kaibigan ko." Tanong ko sakanya.

"Si Victoria, ang pinakamamahal ko, ay pinatay n'yo. Sinong hindi magagalit doon hindi ba?" Mahinahon s'yang nagsasalita ngumit may galit at lungkot sa bawat salita n'ya.

Habang nangyayari 'yon, gumawa na s'ya ng aking clone. "Pero ninakaw ko lang ang files n'yo to know more, hindi ko kailangan 'yon sa paggawa ng clones. Sa pamamagitan ng mata ninyo nakokopya lahat ng kailangang impormasyon." Nakangiti n'yang sabi, halatang nang-iinis.

"Okay. Dapat sinapak mo." Naiinis ko ring sambit. Nainis ako sa ngiti n'yang nakakaloko, may mga mukha talaga na nakakabanas e. Alam ko na lahat tungkol sa mahika n'ya 'no.

Mas malakas ang aking Clone kaysa sa akin. Parang mas alam na alam n'ya ang mahika. Pero syempre 'di ako magpapatalo. Maraming kahinaan ang mahika ni Hellixo. Isa na do'n ang pagiging mahina n'ya, konektado s'ya sa mga ginawa n'yang nilalang. Bale kung matatalo ko s'ya, mawawala 'din ang mga clones.

Pangalawa, ang clone na ginawa n'ya ay kaya lamang kalabanin ang pinag-gayahan nito. Bale kunwari, hindi ako pwede kalabanin ng Clone ni Luna.

At pangatlo, pero hindi panghuli, nakakatamad kasi mag-explain. Ginagaya ka n'ya, kung pang-hihinaan ka ng loob, hihina din ang loob n'ya. Sa lakas at kilos lang naiiba ang dalawa.

Hellixo's PoV

"Hindi ka umaatake, Amethsyt. Halatang may pinalano ka." Pahayag n'ya.

"Wala rin naman kasing mangyayari kung---- ouch!" tumalsik s'ya. "Good Shot!" pang-iinis ko.

"Buhay rin dapat ang kapalit ng buhay." Sambit ko.

"Sa tingin mo mapapatay mo ako? Hindi. Hindi pa ako tapos." Sagot n'ya na may seryosong mukha.

Susuntukin sana s'ya ng Clone n'ya ngunit hinawakan n'ya ito. "Ikaw, isa ka pa. Bwisit ka, galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko na makikita pa ang mga tunay kong magulang. Sige, sapakin mo. Gago!" Sigaw n'ya sa Clone n'ya at binitiwan n'ya. Tinitigan n'ya ito at sinabing , "Ako ang original, ikaw ang peke. Walang-wala ka sa akin."

Unti-unting natakot ang Clone kaya nawala rin ito. "Paano? Paano nangyari 'yon, ginagaya nito ang emosyon mo! Paano?" Tanong ko kahit natatakot na ako.

"Ginagaya nito ang emosyon, pero walang emosyon kung walang ala-alang pinaghuhugutan nito!" Sigaw n'ya habang naglalakad patungo sa akin.

"Kaya gumising ka sa kahibangan mo!" Sinapak n'ya ako. "Buhay si Victoria, buhay s'ya!" Sinabi n'ya kaya natigilan ako.

"Sinungaling!" Tinulak ko s'ya at kinuha ko ang aking hidden weapon.

Amethyst's PoV

"Luna! Lorde!" Sigaw ko, nasa loob sila ng isang spatial magic.

"Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo." Sabi n'ya at napuno ng usok na may lason ang loob nito.

"Luna!!! Lorde!! Wala kang puso!!" Sigaw ko at tinulak ko s'ya hanggang sa mahulog kaming dalawa, habang nahuhulog sinasapak ko s'ya!

Hanggang sa nahulog kaming dalawa, at wala na akong makita.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now