Kabanata 32 - Ang Digmaan

1.7K 40 0
                                    

Simon's PoV

Nakabalik na kami sa Elementia at hindi na ito normal.

"Bakit ang dilim?" Tanong ni Scarlett.

"There's no tree alive, patay na lahat. Tuyot ang tubig." Obserbasyon ni David.

Ito ang sign na parating na ang digmaan. "Wala na dapat tayong aksayahing oras. Magtungo sa Elementre!" Utos ko sa kanila.

Nagtungo doon ang lahat, gamit ang kani-kanilang kapangyarihan at kakayahan. Nang malapit na naming marating ang Elementre ay may maliwanag sa loob nito.

"Nandyan na sila!" Sigaw ni Jin.

Nagmumula pala ang liwanag galing sa isang nilalang na makapangyarihan. "Aliyah?" Tanong naming lahat dito maliban sa mga estudyante.

Third Person's PoV

"I'm Aliyah, the Guardian of Alione. Naririto ako upang tulungan kayo sa nalalapit na digmaan. Ngunit, mahirap kalabanin ang Guardian ng Phytomics. Si Photaw, ang Guardian ng Phytomics." Pagpapakilala ni Aliyah sa mga bagong dating.

"Kayo siguro ang kambal?" Tanong nito habang nakaturo kay Ace at Scarlett.

"Miste ero hevo, wariya de Elementia." Kumanta na lamang bigla si Aliyah at biglang nagpakita ang iba't-ibang mga tao sa aming paligid.

Nagtanong bigla si Scarlett sa katabi nitong si Simon, "Ano ibig sabihin po nun?"

"Pakiusap kailangan ko ng tulong, Tagapagbantay ng Elementia." Pagsasalin ni Simon.

"Miste ero hevo, haman de Elementia." - Esmeralda
"Miste ero hevo, lontu de Elementia." - Aquarius
"Miste ero hevo, litangin de Elementia." - Habagat

Ibig sabihin ng Miste ero hevo ay Pakiusap, kailangan ko ng tulong. Haman - Kagubatan, Lontu - Alon, Litangin - Kalangitan.

Nagpakita ang lahat ng tagapagbantay ng bawat kaharian maliban sa phytomics. Si Esmeralda, Aquarius, Habagat, Pyroh, Lamig, Kidlat, etc.

Phytos' PoV

"Mga hangal." Maikling bulong ko sa aking sarili habang nakikita ko ang kanilang mga ginagawa.

"Curse Creation Magic with Photaw's Magic: Game Changing Curses."

Nakita n'ya ang nangyari sa mga pinapanood n'ya. Naghihiwa-hiwalay na sila ngayon.

Ethan's PoV

"Telephathy. Ano'ng nangyari?" Tanong ko sa mga nahiwalay. Apat kami ngayon, Scarlett, Ace at David.

"Photaws Magic is very uncommon. Maski ako ay hindi ko alam ang weakness ng magic n'ya. May set s'ya ng mga magic na nagagawa." Pagsagot sa akin ni Aliyah.

"I know his magic!" Sigaw ni Kit. "Clear Etherno-Particle Magic." Sagot n'ya.

"S'ya ang dapat kabilang sa guardian ng Elementia ngunit tinanggal s'ya dahil masama s'yang nilalang. Malakas ngunit hindi s'ya mabuti. Tungkol sa kanyang mahika ay sa pamamagitan ng maraming kulay nagagawa n'yang palitan ang kapangyarihan n'ya."

"Game Magic is a white colored Etherno spell. Wide range ang magic na ito. Once na narito ka, pwede n'yang gawin ang lahat ng kaya n'yang gawin."

"But there is a weakness to that, once na nag-activate s'ya ng spell, dapat itong matatalo or masisira. Dahil kapag nangyari 'yon, hindi na n'ya magagamit ang nasirang spell." Mahabang paliwanag ni Kit.

"So it means, kailangan natin ubusin ang kapangyarihan n'ya? Eh hindi nga natin alam kung ano-ano 'yon at kung ilan?" Reklamo ni Pyroh, tagapagbantay ng Flamerny.

"I know he has 10 colors. Pero kinalaban n'ya ang tatlong guardian noon. Kaya alam kong humina at nabawasan ito. 7 colors na lang sa pagkaalam ko ang kaya n'yang mag-------" Naputol ang sasabihin n'ya nang mawala ang signal.

"Sorry to interrupt kids, pero I'll bring you some surprise!" Sabi ng isang boses at biglang nagpakita ang mga higanteng ahas.

"Never underestimate us." Bulong ni David.

"Spatial Magic: Hole of Darkness!"

Kinuha ng spell ni David ang lahat ng mga kalaban.

"Woah, an amazing spell. Pero, hmmm.. Sapat na ba 'yan para sa tingin mo upang matalo mo ang muntikan ng maging guardian ng elementia?" Pagkasabi nito ay biglang lumabas ang spell ni David at lumabas lahat ng ahas na kinuha n'ya sa buong game field. "Sige kalabanin mo 'yan lahat ngayon! HAAHHAHA!" At tumawa s'ya.

"Element Magic: SLASHING WINDS!"
"Element Magic: HAILSTORM OF ICE SHARDS!"

Hindi namin alam ang gagawin ni David kaya nahuli kami ng mga ahas at kinain.

"DAVID!" "ETHAN!" 'Yan ang huli kong narinig bago mawalan ng malay.

Author's Note
Ehe! Yes nakapag-ud rin! Short Ud's lang kasi dati short ud's lang rin naman 'to. Inayos ko lang yung story mismo. Pero yung word count, siguro may konting nadagdag pero hindi pa nag-eexceeds sa 1K words. 'Yun lang! Thanks sa inyong lahat! Malapit na tayo sa epilogue!

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now