Panimula - Paunang Salita

5.6K 127 2
                                    

Isang mundo na nagngangalang Elementia o ang tinaguriang mundo ng mga elemento. Dito matatagpuan ang kaharian na may kapangyarihan gamitin ang mga elemento at ito ang kaharian ng Alione. Katulad ng maraming ganitong uri ng istorya ay mayroon din ditong mga kalaban o masasama. At 'yon ang Phytomics Kingdom.

Nangyari na ang digmaan ng mabubuti laban sa masasama. Walang nagtagumpay dahil nawala ang dalawang tagapagmana ng kaharian ng Alione. Nakuha ito ng hari ng Phytomics na si Phytos. Ngunit marami ring namatay sa kaharian ng Phytomics, isa na doon ang pinakamamahal ni Phytos.

Simula ng kaganapang 'yon, naging payapa muli ang mundo. Ngunit, ang Alione ay naging isang lumang kaharian na lamang. Hindi na alam kung nasaan ang mga pinuno nito na ama at ina ng kambal na nasa kamay ngayon ni Phytos. Ang isa, ang lalaking panganay, ay nasa kamay ni Phytos hanggang paglaki. Habang ang babae, ang bunso ay ipinatapon n'ya sa mundo ng mga tao.

Sa muling pagtatagpo ng dalawa, ano kaya ang susunod na mangyayari?

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon