Kabanata 22 - Pinakamalakas na Depensa

2.6K 52 4
                                    

Cyan's PoV

"Pakawalan mo na kami dito!" Sigaw ni Snow, at nakawala nga kami ngunit nahulog kami sa lupa.

"Sino ba kasi kayo, bakit ayaw ninyong sabihin sa amin?" Sigaw nito ulit.

"Cyan?" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. "Ikaw nga!" At tumambad sa akin si Ethan.

"Magkakilala kayo?" Tanong sa amin nung lalaki na kasama ngayon nung babae na kumidnap sa amin.

"Sila lang. Ako hindi." Mataray na sagot ni Snow. "Teka, sino ka ba?" Tanong nito ulit.

"Ang tanong ay sino kayo? Paano kayo napunta rito? Ano ang pakay n'yo?" Sunod-sunod na tanong ng babae.

Natigil kaming tatlo, at sumagot rin. "Hinahanap ko si Scarlett, Cyan." Bulong sa akin ni Ethan.

"Okay, nandito kami para hanapin ang mga hindi mo naman makikitang Wizard Saints and Guardian kasi puro tao dito. Ngayong alam n'yo na ay aalis na kami dahil ayoko na magtagal dito at para matapos na 'tong walang kwentang mission na 'to." Mahabang sagot ni Snow na halatang naiirita na.

"Huminahon ka babae, si Rubyjane ay isang Wizard Saint. Ako ay isang apprentice." Sagot ng lalaking ka-edad lang namin na ikinagulat naming lahat.

"S'ya ang Wizard Saint? Sige salamat sa pang-uuto mo." Sagot ni Snow atsaka lalabas na sana.

"Ako si Rubyjane, a.k.a. Spatial Expert. Counterpart ni Altain." Seryosong tugon ng Babae. "Kung ayaw mo maniwala, ay malaya kang umalis." Dagdag pa nito.

"Naniniwala ako!" Sagot ko naman kaya tinitigan ako ng masama ni Snow.

"Sumunod sa akin ang mga naniniwala sa akin." Sabi nito, at dahil walang magawa si Snow, ay sumunod kaming lahat kay Rubyjane.

Nang makapasok na kami sa loob ay tumambad sa amin ang isang antigong bahay. "Training Grounds ko 'to, kagaya ng sabi ko, ako ay isang Apprentice.

Napatingin naman ako kay Snow, dahil biglang nagbago ang aura n'ya. Nakangiti s'ya at nakatitig ng malagkit sa lalaki. Jusko ba't ba ako nasama sa isang manyak.

Violet's PoV

"Now we're lost. Hindi ko na alam kung nasaan tayo." Reklamo ko.

"Ngayon mo lang narealize? Sagot sa akin ni Cloud.

"Now, we need to find that person, bago mag-dilim." Sabat ni Stella.

"Okay, guys, let me handle---" Hindi na natapos ang aking sasabihin.

"Air Magic: Air Sense" Sabi ni Cloud at itinaas n'ya ang kanyang kamay.

Naipon lahat ng hangin sa kanyang palad at nagtungo ito sa kung saang direksyon.

"Kung saan pumunta ang direksyon ng hangin. Doon may pinakamalakas na etherno-particles." Paliwanag nito.

Habang naglalakad kami ay nahinto s'ya. At kami rin.

"Lumakas ang Etherno-Particles na nasagap ng aking kapangyarihan." Sabi ko.

Naglakad pa kami ng kaunti hanggang sa matanaw namin ang isang building kung saan nanggagaling ang kapangyarihan.

Someone's PoV

"Air Magic? Skyner?" Tanong ko sa aking sarili. Bakit naman kaya sila narito. Kailangan ko'ng maging handa. "Mineral Magic: Crystal Barrier"

Sumilip ako sa bintana at nakita ang tatlo na papasok sa aking building. Kaya bumaba na ako, bago pag magtaka ang mga tao.

"Bawal kayo rito. Wala kayong ID. Hindi n'yo pa kilala ang hinahanap n'yo." Rinig ko'ng sabi ng guard.

"Papasukin n'yo, bisita ko sila." Masaya ko'ng pagbati sa kanila.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon