Kabanata 36 - Pamilya

2.1K 32 0
                                    

Nagising si Ace, at nakita n'ya si Todoki na isa na lamang relo. 'Yon ang kapalit ng kanyang sumpa.

Naroon na rin si Aliyah, nababalot pa rin s'ya ng madilim na usok ngunit napaliligiran ng isang bolang tila ilaw.

Si Kagura nama'y nakahandusay, maging si Zyre.

Isa lang ang tumatakbo sa kanilang mga isip, Pagod na sila at matapos na sana ito.

"Nasaan na si Phytos?" Tanong ni Ace sa mga kasama n'ya.

"Tumakas s'ya." Simpleng tugon ni Aliyah.

Tumahimik ang paligid, kaya nagpahinga sila saglit. Ngunit bago pa man magtagal ang pamamahinga, lumitaw ang kanilang mga kasamahan na sugat-sugat at tila mga patay na.

"Ethan!"

"David!"

"Hiro!"

Ang tatlong nabanggit ay s'yang mga napuruhan. Mas malalim ang mga sugat, may mga pasa, dumudugo ang ilang bahagi ng katawan. Samantalang ang iba nama'y sugat at galos lang ang meron.

"Pagalingin mo sila, Aliyah." Sabi ni Scarlett at kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagsusumamo.

"Hindi maari, hindi n'yo kakayanin pang makipaglaban. Mauubos ang kapangyarihan ko. Pasensya na." Malungkot na ipinahayag ni Aliyah.

Maging ang mga tagapangalaga ay hindi kinaya ang kalaban. Sila'y bumalik sa kani-kanilang lungga at doon nagpahinga.

"Kulang sila." Biglang sambit ni Xion.

"Si Luna." Sabi n'ya ulit.

"Oo, dahil niligtas ko sila." Sabi ni Luna na lumitaw na lang bigla.

"Gamit ang mahika ko ay nailigtas ko sila, mula kay Photaw at mula sa inyong mga magulang." Sabi ni Luna na ikinagulat ng lahat.

"Hindi ko alam ang pangyayari.."

Binalik n'ya sa kanyang mahika ang mga kasamahan nila upang doon mamahinga at magpagaling.

"Ngunit, may ginawa sila sa inyong mga magulang. 'Yon ang sigurado." Pagtutuloy ni Luna.

"Dito lang pala namin kayo matatagpuan." Sabi ng isang boses na pamilyar na pamilyar kay Aliyah.

"Reyna.. Crystallia."

"Sa tingin n'yo ba'y kaya n'yo kami?" Tanong ng isang lalaki.

"Haring... Raymond?"

Hanggang sa may isang malaking tipak ng Diyamante ang bumagsak sa kanilang harapan.

"Mag-ingat, Diamond at Crystal magic ang hawak nila." Pagbabala ni Aliyah sa kanila.

"Xion, Scarlett, Ace, tapusin na natin 'to. Kakalabanin ko si Photaw at Phytos. Kailangan n'yong kayanin ang mga kalaban, maging sino man sila.

Nagtungo na sa ibang lugar si Photaw at sinundan naman s'ya ni Aliyah.

Scarlett's PoV

"Ace, hindi tayo tinatablan ng mahika nila." Sabi ko kay Ace dahil tila hinihigop lamang ng kung ano mang pananggalang ang kapangyarihan nila.

"Hindi sila tinatablan ng kapangyarihan natin maliban sa isang 'yon." Sabi ni mama sabay turo kay Xion.

Kailangan ko'ng ingatan si Xion atsaka si Luna.

"Crystal Magic and Diamond Magic: Implanted Gems."

Wala namang nangyari kaya't aatake na sana kami ng biglang sumigaw si Xion ng sobrang lakas.

"AHHHHHHH!!!!" Hiyaw ni Xion

May mga iba't-ibang d'yamante ang lumalabas sa kanyang katawan.

"Hindi magtatagal ay magiging isa na lamang s'yang bato na punong-puno ng d'yamante." Sambit ni papa.

"Elemental Secret Art!"

"Elemental Advance Spell!"

"The Elemental Curse! The Elemental Spirits!"

The Elemental Curse raises the body temperature above the normal, the blood boils and becomes viscous, the air around the enemy lessens for them not to be able to breathe and the ground becomes so sticky.

The Elemental Spirit spell can summon the divine Elemental Spirits. Crypto, Chloro, Metallius, and Thunderius. Crypto uses his ice magic to put the enemy to sleep, Chloro uses his magic to poison the enemy, Metallius uses his magic to maintain the composition of the enemy (because the enemy can change their bodies into crystal and diamond), and Thunderius to guard Luna and Xion.

Ngunit biglang humiyaw muli si Xion! At patuloy na dumarami ang mga d'yamante sa kanyang katawan.

"Paalam, ama't ina." Pagpapaalam ko.

"Pasensya na 'ho kayo!" Sigaw naman ni Ace.

"Overheat! Absolute Zero!"

Nag-init ang katawan ni Crystallia at unti-unti itong nabibiyak, ganon rin ang kay Raymond.

"Steel Blast!"

At doon na nga nasira ang kanilang mga katawan.

Aliyah's PoV

"Paano kalalabanin ng 'yong mga bata ang kanilang mga magulang?" Pang-iinis na sinabi ni Photaw.

"Hindi sila mauuto, at ngayon ko lang rin nalaman na hindi nga pala sila totoo!" Sigaw ko naman na ikinagulat n'ya.

"Dahil alam ko kung nasaan sila!" Sigaw ko muli.

Zoemji! Last 2 chapters guys! Lovelotss.
Thank youu haa sa mga nagbabasa. I really appreciate it.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomKde žijí příběhy. Začni objevovat