Kabanata 5 - Bayan ng Leaveins

6.3K 186 9
                                    

Third Person's PoV

"Prince Cyan, ano? Okay ka na ba?" Tanong ni Luna kay Cyan na nanghihina.

"Paano ako magiging okay? Muntikan na akong mamatay sa sobrang init, bwisit." Reklamo ni Cyan, habang ginagamot ni Luna ang mga sugat.

"Paano tayo magpupunta sa Kaharian n'yan? Kung ganito mabuti pang maiwan ka na kaya?" Suhestisyon ni Luna.

"Hindi pwede, baka mapa'no ka do'n!" pag hindi sang-ayon ni Cyan.

Natigilan sila ng may kumatok mula sa labas. Agad naman binuksan ni Luna. "Bakit h---"

Hindi na natapos ni Luna ang sasabihin nang tinutukan s'ya ng sandata sa leeg. "Sumama kayo sa amin, hinahanap kayo ni Princess Violet." Sabi ng isang kawal kaya agad silang sumunod.

Prince Cyan's PoV

"Violet, ako si Cyan, bakit mo kami kailangang ipahuli?" Tanong ko kay Violet.

"Hindi ko inaasahang makikita ko ang isang prinsipe mula sa Aquasean! Anong tinatangka n'yo dito?! Anong pakay n'yo?!" Sigaw sa amin ni Violet.

"Ayaw n'yo sumagot ha! Ikulong sila. 'Wag pakainin hanggang sa mamatay." Utos ni Violet sa mga kawal.

Ethan's PoV

"Walang tao, baka pwede na natin pasukin. Pagkakataon na natin 'to. Kinakabahan ako, unang beses ko pa lang 'to gagawin." Sabi ko na tinawanan naman ni Lorde.

"Ba't parang iba yung naisip ko?" Sabi n'ya kaya natawa kaming dalawa. "So virgin ka pa pala Ethan?" Dagdag n'ya pa kaya tumawa kami ulit.

"Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa? Kapag tayo nahuli dito sa katatawa n'yo." Saway at banta sa amin ni Amethyst.

Yumuko kami lahat dahil nakita naming may hawak na bihag ngayon ang Esmerald. Dala-dala sila ng mga bantay ng kaharian.

"Si Luna at Cyan 'yon. Bakit sila nahuli? Anong pakay nila dito?" Sabi ni Amethyst.

"Cyan? As in Prince Cyan ng Aquasean?" Tanong ni Lorde na tila parang natatakot sa nalaman. Ngunit hindi ko na lamang pinansin ang mga reaksyon nila.

Naglalakad kami ngayon sa gilid upang makapasok sa loob ng kwarto kung saan ginagawa ang mga halamang gamot. Ngunit bago pa namin magawa 'yon, ay may tumusok sa aming mga batok at nawalan kami ng mga malay.

Amethyst's PoV

Nagising na lamang kami sa isang kulungan kasama sina Luna at Cyan. "Buti naman at nagising na kayo." Tambad samin ni Luna na ginagamot ata kami.

"Anong pakay n'yo rito?" Tanong ko sa kanila. "Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Pampatulog mula sa halaman ang inilagay sa sandatang pinang-atake sa inyo." Sabi ni Cyan.

"Unahin muna natin kung paano tayo makakalabas dito." Mungkahi ni Luna na sinang-ayunan naman naming lahat.

"Anong lalabas? Sinong lalabas? Walang makakalabas." Biglang sumulpot si Violet sa labas ng kulungan.

"Wala naman kaming masamang balak. Kailangan lang naming---" Naputol ang sasabihin ni Luna nang may usok na bumalot sa labas kaya naman nagtakip agad kami.

Ngunit nakita ko ang mga pangyayari, naiwas kami sa usok dahil sa hangin na mula kay Amethyst. Ngunit bago pa namin masabi 'yon, nagulat kami dahil mga kawal na lamang ang naiwan sa labas at nawala ang prinsesa.

Princess Violet's PoV

"Ikaw! Ano ba'ng kailangan mo sa akin? Bumalik ka sa trabaho mo, bakit mo ginagawa sa prinsesa ito? Maari kang mapatalsik sa kaharian Ivy." Sigaw ko sa kanya.

"Hindi naman dito ang kaharian namin, atsaka tama na ang tanong. Kailangan ko ng kapangyarihan ng isang ganap na taga rito, at ikaw nga ang pinakamadaling pagkuhaan." Pang-aasar nito sa akin.

"Thorn Showers!" Atake ko ngunit tila walang nangyayari. "Hanggang nakatali ka d'yan, hindi ka makakagamit ng kapangyarihan maliban na lamang kung curse 'yan." Sagot n'ya naman.

Hanggang sa may narinig kaming pagsabog mula sa labas na parang ikinatuwa n'ya. "Nandyan na ata ang mga Phytomics." Sambit n'ya at tumawa bigla. "Ayokong mabahiran ng masama ang kamay ko kaya sila na ang gagawa ng pagpatay para makuha ko na ang kapangyarihan mo." Sabi n'ya na ipinagtaka ko naman.

"Paano nila nakukuha ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpatay? Imposible 'yon!" Sa isip ko...

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ