Kabanata 21 - Ang Tagapangalaga ng Kambal na Kaharian

2.9K 96 10
                                    

Someone's PoV

"May nagbukas ng isang space. Matagal naka-activate ang space na 'yon. Mula kaninang gabi hanggang kaninang lumitaw ang araw." sabi ng lalaki.

"Natunton mo na ba kung nasaan sila, David?" Tanong ko naman rito. Ngunit hindi s'ya sumagot.

"Sige, ako ng bahala. Malamang ay hindi pa sila gaano nakakalayo." Pagkasabi ko ay tumayo na ako at hinanap ang pinanggalingan noon.

Ethan's PoV

Naglanding ako sa isang bahay sa mundo ng mga tao. Kaya naman nabulabog ko ata ang nasa loob. "Sino ka?!" Sigaw nito sa akin.

"Ah, sorry, ako si Ethan. May hinahanap ako, kilala mo ba si Scarlett Amethyst?" Tanong ko rito.

"Wala s'ya rito. Teka, bakit kilala mo ang tagapagmana ng Alione?" Tanong ng lalaki.

"Ikaw, bakit kilala mo rin s'ya?" Tanong ko rin sa kanya.

"Kalaban ka!" Sigaw n'ya at ikinulong ako sa isang uri ng Spatial Magic?

"Hoy! Palabasin mo ko rito!" Sigaw ko ngunit, pumasok na s'ya muli sa loob.

Hiro's PoV

"Darkryanthm at Lightalynion ang kambal na kaharian ng Elementia. Ngunit, hindi naman ito nakikita." Sagot naman ni Hiro nang makababa na kami sa sasakyan.

"Mapalad ka, dahil alam mo kahit papaano ang kahariang tinutukoy ko. Ngunit, ang kahariang 'yon ay makikita sa pusod ng Elementia kung saan makikita ang Eclipse ng buong-buong buo. Makikita lamang ito kung may Eclipse na magaganap." Paliwanag nito.

"Ngunit bakit mo sinasabi sa amin ito?" Tanong ni Xion.

"Ang kambal na kaharian ay minsan lamang magkaroon ng tagapagmana. Hindi lagi, at hindi taon taon. Ngunit mapalad ka dahil, ikaw ang napili para doon. Tinataglay mo ang mga particles ng kaharian na 'yon. Mayroon ka ring Eclipse Magic na natutulog sa'yo." Paliwanag nito.

"Bakit ako?" Tanong naman ni Xion naprang ayaw n'ya.

"Pinili ka ng mga ninuno ng kaharian. Sabi nila mas makapangyarihan pa raw ang kambal na kaharian kaysa sa Alione. Pero wala ka namang magagawa kung ayaw mo e. Kahit hindi mo ito gisingin, magigising ito ng kusa sa tamang panahon." Mahaba nitong sinabi.

"Halika at mag-pahinga muna tayo sa loob, doon na lang tayo magkwentuhan."

Snow's PoV

"After mo ko patulugin sa puno, ngayon naman paglalakarin mo ko sa tirik na araw." Pagmamaktol ko.

"Arte mo, kakasikat palang ng araw." Sagot naman sa akin ni Cyan.

"Iitim ang mala-nyebe kong balat, so please! Ikaw na lang mag-isa." Pagmamaktol ko ulit hanggang sa may babaeng papalapit sa aming direksyon.

"May kapangyarihan ka!" Sigaw ni Cyan. "Lumayo ka, kung ayaw mo'ng masaktan." Pananakot ni Cyan.

Patuloy lang s'ya sa paglapit kaya napilitan si Cyan na umatake. "Water Blades!"

Ngunit nang malapit na ito sa kanya ay bigla itong nawala at napunta sa aming gilid. Kaya agad kaming naka-iwas. "Sheer Cold!" Pag-atake ko ngunit wala itong bisa.

"Kung ayaw n'yong masaktan ay sasama kayo sa akin." Sabi ng babae.

"Hindi kami sasama sa'yo!" Sigaw ni Cyan. "Water Lock!" Atake nito ngunit parang wala ring bisa dahil tinanggal lang ito ng babae.

Nagkatinginan kami ni Cyan. "Ice and Water Magic - Unite! Freezing Water!"

Nabalot ng malamig na tubig ang kanyang katawan at unti-unti s'yang nagyeyelo. "Yes! Natalo natin!" Sigaw ko naman.

Ngunit unti-unting nababasag ang yelo, at tuluyan na nga s'yang nakawala. "Paano?!" Sigaw ni Cyan.

"I own the space. Spatial Dimension." Sabi nito at unti-unti kaming nakulong sa isang dimension na ginawa n'ya at pinawala n'ya ito kaya napunta kami sa lugar na madilim.

A/N: Alam n'yo bang Fairy Tail ang aking inspiration sa mga magic dito. HAHAHAHA! SHARE KO LANG GUYS.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now