Kabanata 17 - Pagtakas at Pagtanggol

3.1K 71 12
                                    

Principal Jin's PoV

"Dapat kasama rin kami, we need to train. Hindi naman nila matatalo ang buong Phytomics ng sila lang." Reklamo ni Violet sa akin.

Napa-isip ako at may punto naman s'ya. Ngunit may naisip akong plano upang mas maging mission talaga. "Pwede, pero magkakahiwalay n'yong hahanapin ang mga Wizard Saints or Wizard Guardians. Hindi lang sampu, ngunit may isang organisasyon nito sa mundo ng mga tao. Ang iba'y tumakas dahil sa unang digmaan, at iba nama'y ipinadala talaga doon upang nang sa ganon maipag-tanggol ang mga tao mula sa binabalak na pag-atake." Mahabang paliwanag ko sa kanila.

"Kailangan n'yo na umalis. Merong mga kalaban doon kaya mag-iingat kayo." Huling paalam ko hanggang isa-isa silang nahulog sa binuksan kong portal sa kanilang inaapakan.

"Ethan Forrex, sundan mo sila." Bulong ko na ang makakarinig lamang ay si Ethan.

"Nandito na sila!!" Sigaw ng mga tao mula sa ibaba, "Nandyan na sila."

Todoki's PoV

"Kumusta Jin at alam kong narito ka Altain." Banggit ko para mainis ang mga naroon. "Nagkita ulit tayo, namiss ko kayo." Pang-aasar ko.

"Hindi ka namin namiss," Sagot ni Jin. "bagkus ay poot na poot na kami sa'yo." Pagtuloy ni Altain.

"May mga nakakamiss rin sainyo. Magpakita na kayo." Utos ko sa dalawang babae sa likod.

Bakas na bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha nang masilayan nila ang mga mukhang matagal nilang hindi nakita.

"Kagura, Zyre." Sabay nilang sabi.

Ngunit, hindi na sila ang dating kaibigan namin. Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit hindi na nila naaalala ang lahat.

Third Person's PoV

Umalingaw-ngaw ang mapinsalang tinig na nanggaling kay Jinyong, ayos na upang mabali ang mga sandata at espada na inilalabas ni Kagura.

Hindi rin makatagos ang mga vibrations upang ma-alter ang utak ng mga inatake n'ya.

Ngunit nawala ang tinig na 'yon, nang ihinto ni Todoki ang oras. Nakagagalaw s'ya ng maluwag sa oras, kahit nakahinto ang iba.

"Hindi lang ikaw ang narito." Seryosong sabi ni Altain.

"Edi aalisin kita." Panghahamon ni Todoki.

Hanggang sa bumalik ang Oras sa normal at nawala ang Time Space na ginawa ni Todoki.

"Paano nangyari 'yon?!" Galit na sigaw ni Todoki.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon." Sambit ng isang tinig.

"Jane."

Hanggang sa may tumamang mga salamin sa kamay ni Todoki.

"Tutulong kami." Sambit ni Victoria, kasama sina Psyché at Hellixo.

"5 kaming Wizard Saints dito, at tumutulong pa si Jane. Hindi pa ba kayo susuko?!" Sigaw ni Hellixo at gumawa ng isang clone ni Todoki.

"Traydor ka! Akala ko ba't tapat kayo kay Haring Phytos?!" Sigaw nito.

"Hindi ako traydor, dahil hindi ko nais malamangan ang mga kaibigan ko." Sabi nito dahil trinaydor ni Todoki si Altain noon para malamangan ito kahit na tinanggap s'ya ni Altain kahit hindi sya kalakasan.

Natigil ang usapan ng may biglang sumabog. Takas na. Kinuha pala nito si Kagura at Zyre at gumamit ng usok upang hindi mahalata. Gumamit naman ng clone ni Victoria si Hellixo para hindi halatang nawawala ito.

"Sa tingin ko'y kailangan natin higpitan ang pagbabantay dito."

Nang maipasok na sa silid si Kagura at Zyre, lumabas na muli si Victoria. "Ikakalat ko ang mga bomba sa paligid na sasabog lamang para sa mga Phytomics."

"Gagawa ako ng Mirror Barrier para sa Elementre." Pagsali ni Psyché.

"Iduduplicate ko lahat ng bantay upang dumoble ang bilang nila." Dagdag ni Hellixo.

"Magbabantay ako sa Future, upang malaman kung anong susunod na mangyayari." Pagtulong ni Altain.

"Maraming salamat sa inyo." Nakangiting tugon ni Jinyong.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now