Kabanata 23 - Barrier Magic

2.8K 83 12
                                    

Cloud's PoV

"I'm Faith, Mineral Magic." Simpleng pagpapakilala nito. "Bakit kayo nandito?" Tanong nito.

"Hinahanap namin ang Wizard Saints/Guardians. I'm Cloud of Skyner Kingdom. This is Violet from Esmerald Kingdom, and Stella from Stellix Kingdom." Pagpapakilala ko, sa akin at sa aking mga kasama.

Tumawa s'ya, "Hinahanap n'yo ang Wizard Saints/Guardians? Hindi n'yo ba alam na Wizard Guardian naman talaga ang tawag sa amin? Wizard Saints ang sampung itinatag, noong tumakas kami." Pagkuwento n'ya.

"Pero bakit n'yo kami hinahanap?" Tanong n'ya ulit.

"Upang sanayin, kami at ang dalawang tagapag-ligtas. Dahil mayroon ng paparating na isang malaking digmaan." Sagot ni Stella.

"Hmm... I see. Ayoko." Buo nitong pagpapasya. "Pero kung matatalo n'yo akong tatlo sa isang laban, papayag ako." Paghahamon nito sa amin.

"Well, hindi kami sumusuko sa laban." Sabi ni Violet.

Third Person's PoV

"Ano? Pagod na kayo?" Tanong ni Faith sa mga Royalties. "Hindi pa nga ako nag-eenjoy." Dagdag pa nito.

"Air Magic: Slashing Tornado!"
"Metal Magic: Chain of Death!"
"Plant Magic: Poisonous Thorns!"

Umatake sila ng sabay-sabay. "Mineral Magic: Crystalline Barrier!"

Walang nangyari sa mga atake, dahil ang Mineral Magic ang may pinakamalakas ng defense stats.

"Paano ka mag-eenjoy kung hindi ka naman umaatake! Coward!" Sagot ni Violet kay Faith.

"Mineral Magic: Rain of Gems!" Umatake si Faith kaya naman dumepensa ang tatlo. "Steel Bar!"

"To make it easy, I'll declare defeat if you break my barrier. Mineral Magic: Hardened Gemstone Barrier!"

Umatake muli ang tatlo, ngunit walang nagtagumpay para sirain ito. Hanggang sa nanghina na sila. "Let's stop. Baka ma-drain ang magic n'yo." Sabi ni Faith dito.

"Since sinubukan n'yo naman, siguro kailangan ko nga talagang sumama sa inyo." Pagpapasya nito na ikatuwa naman ng tatlo.

Luna's PoV

"Bakit ako lang ang napunta rito?" Tanong ko sa aking sarili dahil nag-iisa lamang ako. "Bulacan." Pagbasa ko sa isang salitang nakalagay sa mga poste.

"Nasa Pilipinas ako?! Mag-isa?!" Sigaw ko dahil mag-isa nga lang ako.

Brock's PoV

"'Di ko naman expect na dito ako mamamatay." Salita na naman ni Blitz.

"Pwede ba'ng manahimik ka?" Pagpapatahimik ko dito. "Pagkatapos ng misyon na 'to, sisiguraduhin kong di ka na babalik." Pagbabanta ko sa kanya.

"Anong misyon ang tinutukoy n'yo?" Lumabas ang babaeng gumawa sa amin nito.

"Bakit naman namin sasabihin sa'yo?" Sagot ko'ng muli sa kanya.

"Hindi kayo ordinaryong tao, saan kayo nagmula?" Pagtatanong n'ya ngunit hindi namin s'ya pinansin.

"Ako si Sayaka, isa ako sa--" Naputol ang sasabihin n'ya nang tumawa si Blitz.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! IKAW SAYAKA? LUNGKOTKAMI! HAHAHAHAHAHHAA!" Pagtawa nito kahit nakagapos ang kamay.

Isang sampal ang tumama sa kanyang pisngi kaya napatahimik s'ya. "'Wag mo akong bastusin. Ako si Sayaka Mitazuki, isa sa Wizard Saints, a.k.a. the weaponless guard/the advance fighter. Advanced Senses Magic." Seryosong sabi nito.

"Then, ikaw pala ang pakay namin. Ako si Brock ng Groroc Kingdom. S'ya naman si Blitz ng Volta Kingdom. Hinahanap namin ang mga Wizard Saints." Sagot ko naman.

Pinakawalan n'ya kami at pinatuloy. "Malalim na ang gabi, magpahinga na kayo. Pupuntahan natin ang mga natitirang Wizard Saints."

Author's Note:
Hi guys! Anyone of you loving the interaction between Hiro and Xion? I will have a BL or Boy's Love or BXB or Yaoi story soon. Please show some support since the INTRODUCTION WAS PUBLISHED A WHILE AGO! lovelots!

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now