Kabanata 12 - Galit

3.7K 104 0
                                    

Amethyst's PoV

Matagal-tagal na rin nung huli akong kinausap ng mga tinuring kong kaibigan. Hindi na kailanman natagpuan sina Luna at Lorde, kaya naman nagalit si Cyan at Hiro sa akin. Sila na lang palagi ang magkasama kaya naiwan akong mag-isa sa dorm.

Si Hellixo? Buhay si Hellixo, hindi pa s'ya magising dahil nga mahina ang katawan n'ya pero siguradong hindi pa s'ya mamamatay.

Tapos na ang isang taon ng pag-aaral, bakasyon na. Uuwi na ang lahat sa kani-kanilang tirahan, samantalang ako, nandito. Mag-isa.

Habang nagmumuni-muni ako, may katok akong narinig sa pintuan ng aking kwarto. Binuksan ko ito, at nakita si Hellixo. "Hellixo? Paano ka--" Pinutol n'ya ang pagtatanong ko at pumasok sa loob ng aking silid.

"Buhay si Lorde at Luna, nasa kwarto nila sila." Sabi nito sa akin. "Ha? Paano?" Naguguluhan ko'ng tanong.

"Basta, dahil nakita ko na si Victoria. Okay na kami, hindi na kami mang-gugulo." Sabi n'ya at umalis na ng aking kwarto.

Agad akong nagtungo sa kwarto ng dalawa, nandoon nga sila. Ginising sila, at nagising naman. "Amethyst?" Tanong nila sa akin.

"Bakasyon na, pwede na kayong umuwi." Pahayag ko, kaya naman umalis agad sila. Excited umuwi ang dalawa noon pa man. Naka-impake na ang gamit nila dahil inayos na 'yon nung nawawala pa sila.

Naiwan ulit ako. Napagpasyahan kong humiga at nagpatugtog na lang ako, kaya agad akong nakatulog nang hindi namalalayan.

Diamond's PoV

Natutunan ko na ang lahat ng nararapat na Elemento pero puro pagsasanay pa rin ang aking ginagawa. Kaya nabwisit ako, naglayas ako sa kaharian.

Malayo-layo na rin ang nararating ko. Nasa dalampasigan ako ngayon, at walang alam kung nasaan. Nagugutom na ako, kaya nagtanim ako ng mga punong namumunga. Medyo helpful din pala 'tong mga kapangyarihan ko.

Naglakad muli ako upang makahanap ng mapaglilipasan ng gabi, makikita ang bilog na buwan sa langit kasama ang mga bituin.

Naglalakad-lakad ako hanggang sa natanaw ko ang isang bahay sa gitna ng kakahuyan. Pumasok ako rito para tignan kung pwede na ba ako magpalipas ng gabi.

Nagtanong ako kung may tao sa loob ngunit walang sumasagot kaya dumiretso na ako.

"Sino ka?" Tanong ng isang lalaki. "Hindi ako tumatanggap ng bisita, umalis ka na." Pagtataboy nito sa akin.

"Ako si Diamond, Prinsipe ng Phytomics Kingdom." Pagpapakilala ko.

"Malalaman mo rin ang katotohanan. Babalik ka dito kapag tama na ang panahon, Diamond. Ngunit, umalis ka na." Seryosong sabi nito.

Biglang naglaho ang bahay, at naiwan ako sa gitna ng gubat. Pala-isipan pa rin ang buhay ko.

Ang hari ay wala man lang sinasabi sa akin, ngunit si tito meron. Mayroon daw akong kambal. Ngunit, 'yon lang ang nalaman ko. Kailangan ko'ng maghanap ng totoo.

Haring Phytos' PoV

"Nasaan ang kambal! Hanapin n'yo dahil hindi n'ya dapat makita o malaman ang dapat n'yang malaman!" Utos ko sa mga kawal.

"Ang makapagdala sakanya sa akin, ay magkakaroon ng magandang kapalit."

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now