Kabanata 4 - Kalaban o Kakampi

7.5K 220 13
                                    

Lorde's PoV

"Sino ka?!" Sigaw ko. Hindi ko inaasahan ang kalaban. Kakaiba ang kanyang kapangyarihan.

"Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan, dahil baka masunog mo ang mga puno." Payo ko naman kay Amethyst.

"Hindi namin pwede sirain ang Gigantre.." bulong ko sa sarili ko.

"Hindi n'yo kailangan lumaban." sabi ng isang tinig mula sa malayo hanggang makarinig ako ng mga hakbang.

"Sino ka?!" Sigaw ni Amethsyt, ngunit tila nakatulog na lamang ito bigla nang may ginawang mahika siguro itong lalaki sa harap ko.

"Wala akong masamang pakay, ngunit kailangan ko ng tulong mo." Sabi ni Ethan, ang Prince Slayer ng Elementre.

"Ngunit bakit kailangan mo dumating sa ganitong pamamaraan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Mayroong panganib mula dito ang gumugulo sa aming kaharian! Sa Sylavania!" Paliwanag nito.

"Gisingin mo muna s'ya! Atsaka tayo mag-uusap!" Utos ko sa kanya.

Ethan's PoV

"Ikaw ba si Ethan Forrex? Namumukhaan kita! Ikaw 'yung University King?" tanong ni Amethyst sa akin.

"At ikaw naman, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Sandali, isali n'yo naman ako. So, sinasabi n'yo na magkakilala kayo sa isang university sa mundo ng mga tao?" Tanong ni Lorde.

"Parang ganoon na nga.." Paliwanag ko.

"Ipaliwanag mo muna ang kailangan mo Ethan." Seryosong sabi ni Lorde.

"Okay, mayroong kalaban sa Elementre pero hindi ko pa matukoy kung sino s'ya. Ngunit ang problema, inaatake nila ang kaharian namin sa pamamagitan ng Curses. Phytomics sila, at gusto nilang kuhain ang kapangyarihan ng Legendary Creatures. Pero may isa pang problema. Ang mga gamot na ipinadala para sa kaharian namin na mula sa Esmerald ay mga lason."

"Hindi ba't kaduda-duda naman 'yon? Walang kakayahan na gumawa ng lason mula sa mga halaman ang mga nasa Esmerald. Kahit may mga delikadong halaman kapag nahawakan naman nila ito nagiging mabuti na ito." Sagot ni Amethyst.

"So, sinasabi mong may kalaban sa Esmerald? Ganoon ba?" Pagkonklusyon ni Lorde.

"Parang ganoon na nga, hindi s'ya tunay na taga Esmerald, ngunit may kakayahan s'ya na halos kamukha ng mga naroroon." Pagsang-ayon ko.

Cyan's PoV

"Ethan Forrex, Prince Slayer with Multi-Abilities."
"Xion Lorde, Elemental Apprentice."
"Scarlett Amethyst, Elemental Princess."

"Luna!" Tawag ko kay Luna.

"Shh, 'wag kang maingay. Kailangan natin pumunta ng Esmerald." Pabulong na sabi ni Luna sa akin.

"Bakit ngayong gabi? At bakit patago?" Tanong ko muli. "Kailangan nila ng tulong natin.."

"At bakit ko kayo papatulungin sa kanila?" Sabi ng isang tinig ang nagmula sa lalaking nasa harapan.

"Luna!" Kinuha ko agad s'ya at dinala sa malayo.

"Prince Cyan, mula sa Aquasean, kaya pala mabilis ka. Pero mas mabilis ka kaya dito?" Pang-iinis nito at nagpalabas ulit ng isang meteor.

"Heavenly Body Magic!" Sabi ni Luna. "Cyan, tumakas na tayo. Healer lang ako, hindi natin kakayanin ang kakayanan n'ya!" Paliwanag nito ngunit hindi ako nakinig. "D'yan ka lang, tatapusin ko lang 'to."

Unti-unting naging tubig ang anyo ni Cyan, "Kahit anong gawin mo hindi mo ko matatalo, Stars' Jugdement!"

"Whirlpool!" Atake nito ngunit naging steam lamang ang tubig dahil sa init.

"Nakalimutan kong hindi nga lang pala ako healer, Alchemist din ako." Sabi ni Luna at natumba ang Heavenly Body Magic User. Mukhang pinatulog n'ya ito.

Iniwan na namin ito, nasa bayan na kami ngayon ng Leaveins. At dahil gabi na, doon na muna kami nagpalipas ng gabi.

EXPLANATION OF ENCOUNTERED MAGIC SPELLS

Meteor Destruct - A meteor which can destroy it's target.

Stars' Judgement - A blast of lasers that is hot enough to melt the ground. It depends on the stars present in the battle field. The hotness depends on the star's hotness.

Whirlpool - It can absorb any objects or attacks that will hit on it. By absorbing hot beams of laser, it became steam.

Water Body - An ability to turn your body into water. Physical attacks won't affect the user. It can be used only by an Aquasean Royalty.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now