Kabanata 14 - Pagsasanay

3.6K 102 3
                                    

Britney's PoV

Narito kami ngayon sa dalampasigan para maluwag ang lugar kung saan kami magsasanay.

"Ano? Game na ba?" Mapanghamon na tanong nito sa akin.

"Kanina pa ako ready, Amethyst." Matapang na sagot ko naman.

"Weather Disturbance!" Paggawa n'ya ng atake, kamangha-mangha talaga ang kapangyarihan ng elemento na tila sumasang-ayon sakanya ang mundo.

"1st Technique: Sandstorm!" Pag-atake n'ya, lumakas ang hangin at nagsiliparan ang mga buhangin sa dalampasigan kaya ang hirap makakita.

Kailangan ko mag-isip. Bilang isang illusionist mahalaga ang pag-iisip. Dahil dapat malinlang mo ang kalaban.

Pinawala ko ang sarili ko maging ang kapangyarihan n'ya, kunwari.

"Nawala ang kapangyarihan ko?! Britney! Nasa'n ka? Magpakita ka sa akin. Naduduwag ka na ba?" Sigaw sa akin ni Amethyst dahil hindi n'ya ako makita.

"Hanapin mo! 'Di ba malakas ka?" Nilalakas ko ang boses ko para magmukhang malapit ako sa kanya. Dahil ang hirap pa rin magpunta malapit sa kanya dahil sa mga buhangin na baka pumasok sa aking mata.

"Storm!" Pag-atake n'ya muli, lumabas na ang ulan dahil hindi na ito sakop ng illusion na ginawa ko.

Buti na lamang ay malapit na ako sa kanya, susugatan ko na sana s'ya ng biglang may umatake sa akin ng patusok na yelo.

"Aray!" Dahil doon nawala ang illusion at bumalik sa dati ang lahat.

"Britney!" Gulat na sinabi ni Amethyst.

"Sino ka?" Tanong n'ya ng makita n'ya ang yelo na biglang naglaho. Lumamig ang paligid.

"Sasaktan ka n'ya! Gumawa lang s'ya ng illusion para hindi mo s'ya makita." Sabi naman ng lalaki.

"Snow Slumber." Pagkasabi n'ya noon ay nagyelo at biglang lumamig na nagpatulog sa akin.

Amethyst's PoV

"Nyebe? Yelo? Bakit may kakayahan ka gumamit ng kapangyarihan ng mga taga-Icyclone?" Tanong ko naman.

"At ikaw? Bakit kaya mong kontrolin ang dalawang elemento?" Tanong naman nito sa akin.

"Hindi lang dalawa." Pagkasabi ko noon ay bumalik ang araw at natunaw ang nyebe.

Ngunit nagsi-lakihan naman ang mga halaman sa paligid n'ya. "Ikaw rin?!" Nagulat ko'ng tanong.

"Para masagot ang katanungan, bakit hindi tayo maglaban?" Paghahamon nito.

Naramdaman kong nagising na si Britney, "Tumakas na tayo Amethyst." Bulong nito sa akin.

"Tumakas ka na, at humingi ka ng tulong sa paaralan." Sabi ko sa kanya na agad naman n'yang sinang-ayunan.

"Ice Spikes!" Pag-atake n'ya na ikinagulat ko kaya uminit ang paligid ko kaya natunaw ang mga ito.

"Air Lock!" Pagbawi ko naman, nakita ko na nahihirapan na s'yang huminga.

Ngunit umangat ang mga ugat at kumapit sa kanya. Kaya't nakahinga s'yang muli.

"Metal Cage!" Pagkasabi n'ya noon ay bumalot sa akin ang makakapal na metal.

"Fire Blaze!" Sinubukan ko ngunit hindi gumana ang kapangyarihan ko.

Lalo lang nag-compress ang mga metal at dumikit sa akin kaya napaso ako.

"Water Jigsaw!" Ayon! Nahiwa ang mga metal kaya nakatakas ako.

"Ngunit paano?" Tanong n'ya sa sarili.

"Storm Surge!" Pag-atake ko kaya tumaas ang alon at  pumunta sa kanya.

Ngunit nagulat ako ng pagyelohin n'ya ang buong dagat.

"Absolute Zero." Sabi n'ya matapos n'yang gumawa ng parang tore gamit ang yelo.

"Roaring Thunders!" Pagkasabi n'ya non ay parang hinahabol ako ng mga kidlat na isang tama lang ay masusunog na ako.

Matagal rin akong nakipaghabulan sa mga atake n'ya kaya umatake na ako pabalik.

(nawala yung old version ng chapter na 'to kaya sinubukan kong palitan. Huhuhuhu)

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon