Kabanata 19 - Paghahanap

1.9K 20 1
                                    

Xion's PoV

Nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw. Kaya babangon na sana ako sa higaan nang malaman ko'ng wala akong damit sa katawan.

May lumabas na tunog mula kay Hiro na nagsasabing 'wag akong maingay, at napahiga muli ako dahil sa pagbagsak ng kanyang mabigat na kamay sa aking katawan. "Matulog ka na muna ulit." Sabi n'ya sa inaantok na boses.

Napansin ko rin na wala s'yang damit pang-itaas kaya kinakabahan na ako. May tiwala ako kaya pinilit ko na lang muli matulog kaysa mag-isip ng mga ganun-ganong bagay.

Diamond's PoV

Nagpalipas kami ng gabi sa bungad ng Gubat kung saan kami nanggaling. Gumawa si Scarlett lupang pwedeng higaan dahil sementado at hangin sa loob.

Para naman makatulong, gamit ang mga halaman sa paligid nakagawa ako ng telang pwedeng pansapin sa semento at kumot para mas maging kumportable.

Ngayon ay gising na kami parehas, hinahanap ang mga Wizards na nagkalat dito.

Hanggang sa may tumusok sa aking leeg at nakatulog na ako.

Scarlett's PoV

"Sino ka? Ano'ng kailangan mo sa amin?" Matapang ko'ng sagot.

"Hindi ko kailangan sagutin ang bagay na 'yan." Seryoso n'yang sagot.

"Kailangan mo." Sabi ng isang lalaki mula sa aming likuran.

Nakaramdam ako ng tremendous power mula sa kanya. Para bang tatayo ang balahibo mo kapag dumaan s'ya.

"Tangyi."

"Shaofei."

Mabilis na kumilos ang lalaki, ni hindi ko na s'ya nakikita para s'yang nagteteleport. Pero parang hindi naman nagrereact yung Tangyi. Kapag may binabatong dagger sa kanya nawawala lang. Ang astig ng kapangyarihan n'ya. Hanggang sa nawala na mismo yung Shaofei.

"Hindi s'ya nawala, ayon s'ya." Tinuro n'ya ang lupa at makikita ang maliit na Shaofei. Nilagay n'ya ito sa kanyang palad at kinausap. "Sino'ng nag-utos sa'yo?"  Tanong nung Tangyi.

"Si Phytos, dahil sabi n'ya bibigyan n'ya daw ako ng karagdagang kapangyarihan." Paliwanag nito. "Ibalik mo na ako sa dati!" Pagmamakaawa nito do'n kay Tangyi.

"Ako si Tangyi, I can alter the mass of any, and some I can make it disappear. Pero para sa mga kagaya n'yo, I can just make you very small, hindi ko kayang pawalain kayo." Pagpapakilala n'ya sa amin.

"Ako naman si Shaofei, Etherno-User na naka-escape sa digmaan noon." Pakilala nung umatake kanina, bumalik na s'ya sa dati n'yang anyo.

"Let's bring him to the hospital." Sabi ni Tangyi, sabay turo sa aking kambal.

Ngunit nagbago ang isip namin kaya narito kami ngayon sa isang building?

"I'm Tangyi, Gravity and Mass Altering Magic." Pakilala nito. "I sensed your magic power, kaya naman hinanap ko rin kayo mula kahapon pa."

"This is Yujun, my personal assistant and my bestfriend." Pakilala nito sa isang lalaki sa kanyang likod.

"Hi, I am Yujun a.k.a the Calamity." Pakilala nito.

"The Calamity and Gravity." Narinig ko ang boses ng aking kambal na gising na pala.

"Kinuwento na sila sa akin ni Todoki." Sabi nito.

"Kilala mo si Todoki? Kumusta na s'ya?" Bakas ang pagkatuwa sa kanilang mga mata. Sinenyasan naman ako ni Diamond na nagsasabing ako na ang magkwento.

A/N: Nakakatuwa lang dahil imbis na Si Scarlett or Ace ang magka-love life si Hiro at Xion pa ang unang nagkaroon ng scene dito. FYI, malapit na dumating ang kay Scarlett at Ace. Nakakadalawa na tayo sa mga dapat hanapin. Yehey! Thank you sa support. Please VOTE, COMMENT AND SHARE!

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon