Kabanata 13 - Muntikang Pagtatagpo

3.7K 107 10
                                    

Third Person's PoV

"Hinahanap na siguro ako sa kaharian, pero hindi dapat ako magpahuli." Bulong ni Diamond sa sarili, habang naghahanap ng matutuluyan pansamantala.

Matapos kupkupin ni Phytos si Diamond ay hindi naman s'ya nagpakamagulang dito. Hindi n'ya ginagabayan, o tinuturuan. Pinauubaya na lamang n'ya ito sa kanyang kanang kamay.

Hindi na nagreklamo si Diamond nung s'ya'y nagka-isip na. Lumaki s'ya sa tinuring n'yang tito na kanang kamay nga ni Phytos. Doon s'ya natuto makipaglaban, gumamit ng mahika at malaman ang mundong ito. May sikreto silang dalawa na nagmulat kay Diamond sa makamundong mga bagay. Nasanay na rin s'ya ngunit natuto namang kontrolin ang sarili. Ang tito n'ya din ang nagkwento na may kambal s'ya ngunit pinigilan s'ya ng isang miyembro ng konseho sa pag-sasalaysay sa akin noon.

Noong mga nagdaang araw, puro ensayo na lamang ang ginawa ni Diamond. Ang tito n'ya'y umalis para sa isang misyon. Dahil sa sobrang pagkabagot, naisipan n'yang tumakas at maglakbay sa mundong ngayon n'ya lang makikita.

~•~•~

"Principal Jin, maari po ba akong lumabas ng paaralan? Gusto ko lang po sanang maglibot malapit dito. Hindi po ako lalayo. Bago po magbukas ang klase sa Lunes." Pagpapaalam ni Amethyst sa Principal.

"Oo naman, pero magpasama ka kay Britney, isa s'yang Illusionist at alam n'ya ang lugar na ito kaysa sa iyo." Tugon naman ng Principal habang maraming trinatrabaho sa kanyang lamesa.

Hinanap naman agad ni Amethyst si Britney at natagpuan n'ya ito sa Gymnasium na nag-eensayo ng mahika.

"Matagal ka na ba dito? Bakit hindi ka nagbakasyon?" Tanong naman ni Amethyst kay Britney.

"Gaya mo, galing din ako sa mundo na pinanggalingan mo. Ngunit mahabang salay-sayan kung ikwe-kwento ko pa sa'yo. Mag-aayos lang ako para maka-alis na tayo." Wika ni Britney kay Amethyst.

Matapos ang pag-aayos, agad na tumungo palabas sina Britney at Amethyst.

"About pala sa tanong mo kanina, anak ako ng dalawang miyembro ng digmaan. Isa sa panig natin, isa sa panig ng kalaban. Pinaubaya nila ako sa ina ni Principal Jin, ngunit hindi daw nito kakayanin mag-alaga pa ng bata kaya mas makakabuti na dalhin ako sa mundo ng mga tao." Kwento ni Britney habang binabaybay ang kagubatan.

"Eh, paano ka naman nakarating dito?" Agad naman tanong ni Amethyst sa kasama.

"Si Principal Jin, binalikan n'ya ako. Utos ito ng kanyang ina nang dumating s'ya sa tamang edad." Tugon naman nito.

"Sino'ng kumupkop sa'yo doon?" Muling tanong ni Amethyst sa kasama.

"Mahabang istorya, bakit nga pala gusto mo'ng lumabas kahit alam mo namang delikado?" Pag-iiba ni Britney ng topic na hindi naman napansin ng kasama.

"Wala, gusto ko lang subukan ang kapangyarihan ko. Pwede mo ba akong kalabanin?" Pagkasabi noon ni Amethyst ay natigilan si Britney.

"Ba't naman ako tatanggi, 'di ba?" Matapang na pahayag nito.

Agad silang nagtungo sa malapit na dalampasigan. Upang simulan na ang pag-eensayo ng dalawa.

Lingid sa kaalaman nila ay malapit lang doon si Diamond. Ang kambal ni Amethyst. Lingid din sa kaalaman ni Diamond na malapit lang sa kanya ang kambal na hinahanap.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα