Kabanata 15 - Unang Paglalaban

3.7K 109 2
                                    

Umuulan at kumikidlat, 'yon ang nangyayari sa dagat malapit sa gubat.

"Ano, hindi porke't nasa tubig ako ay may advantage ka." Mayabang na wika ni Diamond nang pag-yelo-hin n'ya ang tubig na atake ni Amethyst.

"Utak mo may ubo! 2nd Technique: Boiling Water!" Sigaw ni Amethyst na nasa dalampasigan pa rin.

Nataranta ang binata ng kumulo ang buong dagat. Umiinit ang paligid kahit umuulan. Nagiging manipis na ang yelo na kanyang tinutungtungan.

Halos hindi magka-ugaga si Diamond kung anong gagawin. Pinagyelo n'ya muli ang buong dagat ngunit mainit pa rin ito.

"1st Technique: Storm Surge!" Nakangising banggit ni Amethyst. Umaalon na ngayon ang mainit na tubig sa dagat, pataas ng pataas ang alon.

"ABSOLUTE ZERO!" Sigaw ni Diamond at hindi na basta basta natunaw ang yelo kung saan s'ya naroroon.

"Titigil kayo o titigil?!" Galit na pahayag ng dalawang tinig, na ikinagulat ng dalawa.

"Esmeralda? At sino ka naman?" Turo ni Amethyst sa isang lalaing nagmula sa dagat.

"Aquarius, Esmeralda.. Ang kambal na Diyosa ng Kagubatan at Diyos ng Karagatan." Wika ni Diamond habang nagugulat pa rin sa nakikita.

"Ginagambala n'yo ang paligid. Itigil n'yo na ang labang ito!" Sigaw ni Aquarius.

"Bago pa namin kayo parusahan, mahal na prinsesa at prinsipe." Saad ni Esmeralda, at naglaho na ang dalawa.

"Prinsipe?"

"Prinsesa?"

"Ako si Scarlett Amethyst, ang nawawalang prinsesa ng Alione. Ang isa sa nawawalang kambal ng Alione." Pagpapakilala n'ya.

"Ako si Diamond Ace, ang prinsipe ng Phytomics. Nagtataglay ng kapangyarihan ng Elemento."

"Imposible, nasa'yo ang kalahati ng mga Elemento. Nasa akin naman ang iba pa. Hindi kaya.. IKAW?!"

•~•~•

"Tama, kambal nga kayo. Anak kayo ni Reyna Crystallia at Haring Raymond. Nais n'yo ba'ng malaman ang kwento sa likod ng mga pangyayari ngayon?" Tanong ng lalaking nakatira sa gitna ng gubat na nakita noon ni Diamond.

"Kung gusto n'yo malaman ang inyong pagkatao, hawakan ninyo ang palad ko." Pagkasabi n'ya nito ay nilahad n'ya ang kanyang palad at hinawakan naman nito ni Diamond.

Nagdadalawang isip pa si Amethyst kung pagkakatiwalaan n'ya ito ngunit pumayag rin s'ya.

~•~•~

"Ano? Wala na roon si Amethyst?!" Sigaw ni Principal Jin sa mga tauhan nito.

"Hindi na po namin s'ya natagpuan, maski sa gubat ay walang bakas niya." Paliwanag ng mga tauhan.

"Ako na ang maghahanap.. Magpahinga na kayo." Pasya ni Principal Jin.

••~•~••

"Hindi n'yo pa rin nakikita?! May masama akong kutob dito. Kailangan kumilos. Ihanda ang hukbo!" Utos ni Phytos sa mga kawal sa harap n'ya.

"Halughugin ang buong Elementia!" Utos nito at kumilos na ang buong hukbo ng Phytomics. "Kailangan malaman ito ni Todoki." Bulong ni Phytos.

The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now