Kabanata 8 - Araw ng Klase

4.7K 122 2
                                    

Narration

Dahil nandito na ang lahat ng Freshmen, ito na ang unang araw ng klase. Nandito kayo ngayon upang matunghayan ang iba't-ibang taong nag-tagumpay sa pagsubok sa kagubatan. Nandito ang mga ilang top performers natin na tatawag sa bawat isa sainyo.

Rank 10 - Stella (Steel Elementalist)
Rank 9 - Luna (Healer/Alchemist)
Rank 8 - Cyan (Water Elementalist)
Rank 7 - Firé (Fire Elementalist)
Rank 6 - Snow (Ice Elementalist)
Rank 5 - Violet (Nature Elementalist)
Rank 4 - Hiro (Heavenly Body Magic User)
Rank 3 - Xion (Creator Soul Magic User)
Rank 2 - Yuki (UNKNOWN)
Rank 1 - Daniel (UNKNOWN)

Tinawag ang mga pangalang nasa taas, ngunit wala si Amethyst dito.

Amethyst's PoV

"Amethyst, bakit wala ka doon?!" Tanong sa akin ni Cyan. "Wala naman kasi akong napatay sa totoo lang. Sinira kasi ni Esmeralda yung ranking system kaya nakapasok ako." Sagot ko naman.

"Ngayon, we have a circle of friends na!" Masayang sigaw ni Luna. "We have now Hiro, Lorde, Cyan, Luna, and You!" sigaw n'ya uli.

"Pero balita ko nakahiwalay raw ang Top Performers sa iba." Malungkot na pahayag ni Lorde. "Ano ba kayo, okay lang sa akin!" Nakangiting sabi ko.

"Sige, pero sabay naman ang mga vacant ng lahat ng freshmen so magkikita-kita pa rin tayo sa vacant periods natin." Dagdag ni Hiro.

Umiikot na lang kami sa bawat parte ng paaralan, pero pala-isipan pa rin sa akin ang rank 1 at rank 2. Hindi nga binanggit ang mga kapangyarihan nila.

"Nga pala, pasensya na kayo sa pagkalaban ko sainyo. Akala ko kasi may gagawin kayong masama sa kaharian ng Esmerald." paghingi ng tawad ni Hiro.

"Okay lang 'yon! HAHAHAHAHA! Natalo naman kita e." Pagmamayabang ni Cyan. "Anong natalo? Muntik ka na ngang maubos at maging water vapor." Sabat ni Luna kaya napasimangot naman si Cyan.

"Cyan, bakit hindi ka sumama sa mga kapwa mo Prinsipe at Prinsesa? Hindi ba kayo close?" Tanong ni Lorde. "Wow, coming from you! Eh magkakaibigan nga tayong lahat." Sagot ni Cyan na ikinagulat namin.

"Okay so guys, ganto kasi 'yan. Si Lorde, ay kinakapatid ko na noon. Paano kasi binigay s'ya ng isang Dyosa sa aking Ina, kaya tinanggap namin s'ya. Kaya hindi namin agad sinabi, kasi nga nagpapanggap pala s'ya na apprentice kuno." Paliwanag ni Cyan.

"Wow, parang pilit na pilit yung pagtanggap sa akin, eh kung tutuusin ako nag-aalaga sa'yo nung maliit ka pa. Atsaka, ginawa ko 'yon kasi no choice ako, baka mamaya makapatay pa ako gamit kapangyarihan ko e. Ang kapal talaga ng mukha nitong kupal na 'to e." Paliwanag ni Lorde.

"Ako pa talaga kupal ha, weh? Baka gusto mong i-kwento ko sa kanila yung sikret mo? Kala mo ha, ano may masasabi ka pa?" kontra ulit ni Cyan.

"Wow, nagsalita walang sikret. Meron ka rin no? Ha! Baka akala mo! Kala mo ha! Oh sige. Ako hamunin mo!" Nakangising sagot ni Lorde.

"Paano mo alam 'yon?!" Sigaw ni Cyan.

Ayon. Patuloy na nga po sila nagbangayan. Kung saan saan na napunta ang usapan. Mga baliw talaga e.

Tumatawa kami hanggang sa nabangga ni Cyan at Lorde, si Yuki at Daniel. Yung Rank 1 at 2.

"Pwede ba? Tumingin tingin naman kayo sa dinadaanan n'yo." Usal sa amin nung Yuki.

"I have no time for trashes." sabi naman nung Daniel. Infairness ha, Gwapo. Pwede na. Hihe. Lumalandi na naman ako, send help!

A/N: Malandi ka talaga Ghorl! Echos ka!

"Grabe naman kayo sa amin! Hindi naman namin sinasadya." Sabi ni Luna.

"Bakit 'di n'yo na lang kami kalabanin?" Paghahamon ni Hiro. "Uy! Huminahon ka nga!" Pigil ni Lorde dito.

"3 vs 2. Pwede gumamit ng weapon. Deal! See you sa Battle Arena bukas, 6pm." Pagmamayabang nung Yuki at umalis na sila. Bagong problema na naman.




The Long Lost Twin Princess and Prince of Alione KingdomWhere stories live. Discover now