Four

224K 5.2K 190
                                    

Pauwi na kami ngayon ng asawa ko dahil tapos na ang pa-anniversary celebration ng mga kaibigan namin para sa'min. Until now di parin maganda ang mood niya mula sa pagkakakita sa ex kong si Ian kaya nga hindi din ako nakapag inum nang maayos dahil sa mood niya.

Ang plano kong magpakalasing di natuloy, kaya eto medyo hilo lang.

Alam na alam ko naman kung gaano siya kaseloso kaya binibigyan ko din siya nang space pero mamaya paguwi namin tsaka ko siya kakausapin.

The whole time na nasa byahe kami tahimik lang siya, hanggang sa makarating kami sa parking.

Una siyang bumaba sa kotse para pag buksan ako ng pinto tsaka ako inalalayan pababa. "Kaya mong mag lakad?" Tanong niya.

"Yah." Matipid kong sagot.

Pagkasara niya sa pinto, inilagay niya yung kamay niya salikod ng bewang ko para alalayan ako sa paglalakad papuntang elevator.

"Are you still mad?" Tanong ko habang naghihintay na mag bukas ang elevator para sa'min.

"Saan naman ako magagalit?" Tanong din niya.

"Dahil kay Ian?" Patanong kong sagot.

Biglang nag bukas ang elevator kaya kaya wala siyang naging tugon sa sinabi ko.

"He's just a friend now." Pagklaro ko sa kanya pagka sakay namin ng elevator.

"He's still your ex."

"Hindi ko na ba pwedeng maging kaibigan ang ex?"

"Hindi!"

I sighed. Kapag talaga nagseselos 'to parang laging sarado ang utak sa explanation ko.

"Bakit kayo ni Kelly? Ex. mo siya at magkaibigan pa kayo. Hinayaan ko yun, naging mag kaibigan pa nga kami eh." Okay, di ko na maalis sa tono ko ang kunting inis. Kunti lang naman.

"Magkaiba sila ni Kelly."

"Paano?" Pagtataka ko. Ex. niya si Kelly, ex. ko si Ian. Anong pinagkaina nun? Gender?

"Si Kelly may Sam na, si Ian wala."

"Paano ka nakakasigurong wala nga siyang girlfriend? Okay, let's just say na wala nga siyang girlfriend pero ano naman? Kasal na 'ko sa'yo, ikaw na ang mahal ko!" Paano ko pa ba siya mapapaliwanagan?

Itinulak ko siya nang mahina para mapasandal siya, hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge tsaka ko siya hinalikan sa labi niya.

It took him a seconds to responds. Iniyakap niya bewang ko ang mga kamay niya kaya magkadikit na ang mga katawan namin. We kissed na parang akala mo hindi namin ginawa ito kaninang umaga. I wasn't really into kissing him.. here at the elevator. Mas gusto ko sa Unit namin kaya lang nainis na din ako sa pag seselos niya kaya hindi ko na pinaabot sa unit at dito ko na sa elevator pinaramdam na siya nalang talaga. I don't care kung may makakita at least alam nilang im married with this man that im kissing. And maybe... dala na din 'to ng alak.

Tanging pag bukas lang ng elevator ang nag pahinto sa halikan namin ng asawa ko. We are both catching our breath.

"We're here." He says. He slowly showed me his smirk, for sure dahil yun sa ginawa ko.

I just rolled my eyes and started to walked, iniwan ko na siya sa elevator dahil mukhag gusto muna niyang namnamin na hinalikan ko siya dun.

Sa pagpasok ko ng Unit, dumiretso ako sa kwarto namin. Hinubad ko yung T-shirt ko at jeans, inihagis 'to sa kama tsaka ako kumuha ng towel para itapis sa katawan ko.

Tumingin ako sa direksyon ng pinto kasi nakita kong nakatayo lang dun ang asawa ko, habang ang i-ni-enjoy na naman ang Amber-wearing-her-clothes-show. Pero this time ang napanuod niya ay ang, Amber-taking-off-her-clothes-show.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now