Thirty Two

79.7K 2.3K 287
                                    

Oras ng uwian...

Hindi mawala sa isip ko ang halik namin ni Damon hanggang ngayon na uwian na. Kaya gustuhin ko mang mag O.T ulit useless din naman kasi ginugulo ni Damon ang utak ko na dahilan para hindi ako makapag focus sa pag ta-trabaho ko.

Pinuntahan ko nalang sa table niya si Joanne na busy pa din sa trabaho niya.

"'Di ka pa uuwi?" Tanong ko kaya na punta sa'kin ang atensyon niya.

"Hindi pa mag o-O.T pa 'ko, mauna ka na."

"Okay." Tinapik ko lang ang balikat niya bilang pagpapaalam.

Nag lakad na 'ko pa alis ng opisina ng magisa.

Palabas palang ako ng building nang makita ko si Ian na tila may hinihintay. Tumingin siya sa direksyon ko nang makita ako.

"Mag o-O.T pa si Joanne." I informed him. Baka lang kasi si Joanne ang hinihintay niya.

"Hindi naman siya ang hinihintay ko, ikaw."

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagulat sa sinabi niya.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko.

"Nasabi sa'kin ni Joanne na nasabi na daw niya sa'yo ang tungkol sa dahilan kung bakit niya 'ko binasted."

Tungkol pala 'to dun. Ayaw ko pa namang pag usapan 'yan.

"Ganun na nga." Matipid kong sagot.

"Ngayon alam ko na kung bakit ang cold ng treat mo sa'kin kahapon."

"Dahil mali 'yan Ian, alam mo 'yan! May asawa na 'ko kaya alisin mo na sa'yo 'yan!"

"Pasensya na! Hindi ko naman ginustong maramdaman ko pa din 'to sa'yo hanggang ngayon eh."

Nag lakad na lang ako papunta sa kotse ko dahil wala na 'kong maisip na sabihin. Mas mabuti na lang din siguro na wala nalang sabihin.

Bubuksan ko na sana 'yung pinto nang bigla 'yung pigilan ni Ian.

"Mag usap muna tayo."

"Ano pang paguusapan natin?" Tanong ko.

"Tungkol dito sa nararamdaman ko."

"Wala tayong pag uusapam tungkol dyan sa nararamdaman mo, Ian. Tapos na 'ko dyan, dapat ikaw din!"

"Paano mo ba nagawa 'yan?"

"Ang alin?"

"'Yang mag mahal ng iba? Sinubukan ko naman eh."

"Simulan mo sa pag mo-move on at isiping wala ng pagasa sa'tin dahil may asawa na 'ko."

"Madali lang 'yan sabihin hindi naman kasi ikaw ang nasa sitwasyon ko. Siguro nga kasalanan ko bakit hanggang ngayon may feelings pa din ako sa'yo. Umasa din kasi ako noon na baka pagka-graduate natin at magkita ulit tayo at maayos pa natin pero mali ako dahil may nakilala ka at pinakasalan mo na siya agad. Bakit ba kasi nag madali kang magpakasal? Tignan mo kung anong nangyayari sa inyo, magkaaway kayo ngayon."

"May hindi man kami pinagkaka intindihan ng asawa ko mahal ko pa din siya. Mahal ko siya. Nag pakasal ako dahil mahal ko siya at hindi dahil nag mamadali ako."

Bakit ba parang sinisisi pa niya 'ko na nag mahal ako ng iba?

Binuksan ko nalang ulit 'yung pinto and this time finally hinayaan niya 'kong gawin 'yun.

"Pwede bang ako na ang mag maneho para ihatid ka?" Tanong niya.

"Hindi magandang idea 'yan. Nag seselos sa'yo si Damon at kapag nakita ka niya baka mas lalo kaming hindi magkasundo."

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon