Twenty Seven

86.9K 2.3K 120
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog at may  naramdaman akong naka yakap at naka tanday sa'kin mula sa likod.

Minulat ko ang mga mata ko, nilingon ko kung sino 'yun at ang asawa ko ang nakita ko na ang sarap ng tulog.

Teka! Kailan pa siya dumating? Bakit hindi ko namalayan 'yung pag dating niya?

Hmm.

Inalis ko nalang ang pagkakayakap at pagkakatanday niya sa'kin ng dahan-dahan lang para hindi siya magising.

Pag bangon ko, nag unat lang ako ng katawan habang pinagmamasdan ang asawa ko.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisnge niya tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto namin.

Dumiretso ako sa kusina kung saan ko nakita sila Papa at Mama na kumakain na ng breakfast.

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning din, Sweetheart." Mama greeted back.

"Tulog pa ba si Damon?" Papa asked.

"Opo. Alam nyo po ba kung anong oras siya dumating? Hindi ko namalayan 'yung pag dating niya eh." Tanong ko.

"Mga bandang 2:30 ng madaling araw. Nang pag buksan kasi kita ng pinto kagabi hindi na 'ko nakatulog kaya naisip kong mag gumawa ng trabaho pang pa antok ulit at nang babalik na 'ko sa kwarto namin ng Mama may narinig akong mag park ng kotse sa tapat ng bahay. Nang tignan ko 'yun, si Damon ang nakita ko."

2:30am?? Are you kidding me? Kahit sinabihan ko siyang 'wag umalis ng gabi ginawa pa din niya?

Wait! Tungkol pa rin ba 'to sa pag seselos niya kay Ian kaya kahit gabi na umalis pa din siya?

So, wala nga talaga siyang tiwala sa'kin!

Urgh!!

"Ganun po, salamat." Nag lakad nalang ulit ako pabalik sa kwarto namin.

Pag pasok ko, tumayo lang ako sa tabi ng kama habang naka cross arms at pinagmamasdan ang asawa kong walang tiwala sa asawa niya.

Nakakainis! Sobrang nakakainis!

Humanda siya sa'kin sa pag gising niya!

Umalis na muna ako sa tabi ng kama at kinuha ang towel na nakasabit sa likod ng pinto. Nag lakad na 'ko papasok ng bathroom, bago pa 'ko makapasok narinig ko ang pagtawag niya sa'kin.

"Baby?"

Humarap ako sa kanya. "Buti naman gising ka na!" Mahina kong sabi, 'yung tipong kami lang makakarinig pero nandun 'yung inis ko. Ayoko kasing marining nila Mama na aawayin ko siya.

Umupo siya mula sa pagkakahiga niya at tumitig lang sa'kin. Bilang sukli nakipag titigan din ako sa kanya, tsaka ko nilagay ang mga kamay ko sa bewang ko para iparating sa kanya na galit.

"Are you mad?" He asked.

"Yah! I'm mad! Really, really mad!!"

"Why?"

"You know why!!"

Kailangan pa ba talagang laging i-point out pa sa mga lalake kung anong mali nila?!

Bumangon siya sa kama at nag lakad siya papalapit sa'kin.

"Dyan ka lang!" Utos ko at huminto naman agad siya.

"Hindi ako makapaniwalang nag byahe nang gabi kahit na sinabi kong 'wag mong gawin. Bakit dahil wala kang tiwala sa'kin?!"

Hindi siya sumagot basta tumitig lang siya sa mga mata ko na tila hindi alam ang gagawin sa asawa niyang inaaway siya ngayon.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now