Twenty Eight

97.3K 2.5K 400
                                    

Isinasakay na ngayon ng asawa ko ang bag ko sa kotse. Dahil plano na naming umuwi ng Manila. Tapos na ang isang linggong bakasyon ko.

Bitin, sobra!

"Sweetheart, dalasan nyo ang pag bisita dito ah." Mom said.

"Yes Ma, don't worry." I reassured. I hugged her and kissed her on her cheek.

"Mag iingat kayo sa byahe." Mama told Damon.

"Yes, Ma." Damon reassured.

Nag simula na kami ni Damon na sumakay sa kotse. Sa pag start ni Damon sa kotse sinimulan naman agad namin ang mahaaabang byahe. Dahil hapon na kami nakaalis dahil sa puyat ang asawa ko mula sa byahe niya kagabi, paniguradong gabi din kami makakarating nito sa Unit.

Madilim na ang paligid at wala ng isang oras ang byahe namin tingin ko pauwi ng Unit at dahil itong tyan ko mukhang humihingi na ng kakainin kaya sinabihan ko si Damon na kumain muna kami bago tuluyang umuwi.

Pinark lang niya ang kotse niya sa isang Cafe dito namin planong kumain muna.

Pag park niya, ako na ang unang bumaba sa kotse bitbit lang ang pouch ko. Inunat ko ang katawan ko mula sa ilang oras na byaheng nakaupo.

Lumapit din naman agad si Damon sa'kin at inakbayan ako. Sabay na kaming nag lakad papasok ng Cafe. Pero napahinto kami sa pag lalakad dahil may nakasalubong kaming palabas na costumer at isa pa sa dahilan ay si Lexi 'yun.

Napatitig siya sa asawa ko na may kunting gulat tsaka naman ito binaling ang tingin sa'kin at ngumiti ng pilit. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

Tumingin siya muli sa asawa ko at this time medyo parang nakikita ko na na iilang siya.

Nakakapanibagong naiilang siya, samantalang noong huli kong kita na kausap niya si Damon walang ka-ilang-ilang sa mga mata niya baka dahil kasama ako.

"H-Hey!" Bati niya kay Damon.

"Hey." Damon greeted back, casually.

"N-Nakauwi ka na pala galing bakasyon." She told me.

Alam niya 'yun? Don't tell me, nabanggit 'yun ni Damon?

"Actually, pauwi palang kami. We decided na kumain muna bago tuluyang umuwi." Sagot ko.

"I see. Sige, mauna na 'ko sa inyo." Nag simula na itong mag lakad paalis.

Tumingin ako kay Damon, napansin niya 'yun kaya tumingin din siya sa'kin.

"Oo, nabanggit ko sa kanya nung magkita kami nang makauwi ako." Sagot niya sa unspoken question ko.

Tumango lang ako bilang tugon.

"Hindi ka ba galit dahil nag usap kami?" Tanong niya.

"Masyado na tayong maraming na pag-aawayan dahil sa selos. Ayoko nang dagdagan pa 'yun."

"You're right."

Pumasok na kami nang tuluyan sa Cafe. Humanap lang kami ng pwesto tsaka naman saktong may lumapit na waiter sa'min para kunin ang order. Nang maibigay naman namin ito, nag lakad din 'to palayo.

"Sana dumating agad 'yung inorder natin, nagugutom na 'ko." Kumento ko.

"Namiss ko 'yang pagiging matakaw mo."

"Nag ku-kumento ka na naman sa pagkain ko, tatamaan ka na sa'kin!" I warned.

He laughed. "Pasensya na."

Finally! Dumating na 'yung order namin kaya nasimulan din naman namin ang kumain. Nag takaw na naman ako kaya habang kumakain hindi kami nag uusap. Gutom eh.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now